4 : Strangers

6K 136 2
                                    

A/N :

This chapted is dedicated to you! Thanks atey for supporting my kabaliwan! Mwa! :*

-------------------

Ako pala? Anong ako pala? Eh?

Tumingin ako sa likuran ko only to find out na ako nga ang kausap ni kuya. Hala! Paano niya nakilala ang pagmumukha ko? Hinawakan ko ng mahigpit ang sketchpad ko. Napansin niya siguro na namumutla na ako sa kaba kaya ngumiti ulit siya. Ano bang mayroon sa ngiting yan? Parang nakukuryente yata ako! Awwwkkk!!

'' So, you're into art.'', hindi ko na napansin na nakasilip siya sa sketchpad ko. Tumingin ako sa tinitingnan niya, I was drawing him.

WAIT-------WHAT?! WAAAAAAAAA!!!!!!

Nanlaki ang mga mata ko at tinago ang sketchpad sa likod ko. '' I-it's not what it looks like.''

'' I can see.'', sabi niya habang naka-ngiti. '' Kuhang kuha mo yung Vans ko ha. Ayos!''

Pustahan tayo, sobrang pula na ng mukha ko! Tinalo na ang redness ng Avon lipstick at Red Crayola! Waaaaaa!! Bakit ba kasi napaka-clumsy mo, Bianca? Tatanga-tanga ka. Hindi ka man lang naging alerto na may instance na titingnan niya ang nasa sketchpad mo!

'' Artist ka?'', I asked para mawala ang attention niya sa sketchpad ko at sa  namumula kong pisngi.

'' Yeah. Fine Arts student. Second degree ko  na ito.'', he said while putting his left foot in the skateboard. '' I graduated Nursing then pursued Fine Arts, yun talaga ang gusto ko eh." Wow! Okay pala itong si Kuya!  Double degree! Halatang napaka-talino niya, alam mo yun? Yung presence pa lang kasi niya parang alam kong madaming syang alam.

'' That's why you look ragged'', sabi ko that made him chuckled a bit. Ang cute naman niya! Grabeee!! '' Ilang taon ka na ba?''

'' 20.''

'' What? And nasa second course ka na?!''

He nodded.

'' Grabe!!'' , that was all I can say. Ang talino naman niya, I wondered how many time he accelerated in class. Nakakanganga naman ang mga achievements ng lalaking ito. Unbelievable.

'' What about you? Still in highschool?'' , he asked.

'' Yeah, fourth year na.''

'' Naks..Graduating na!'', sabi niya habang nakangiti. Tumingin ako sa expression niya, bakit ganoon? Parang hindi siya ni-reject sa itsura nyang yun?

" Sorry nga pala sa nangyari kagabi sa Blue Cavern..'' , his expression changed quickly. Ang bunganga ko talaga! Walang pakeme-keme. Tumingin siya sa kalangitan at bumuntonghininga. Then he looked at me.

'' Ganoon talaga eh. Ayaw nya talaga...'' Then he shooked his head and smiled. '' Wag mo na nga yun isipin, kinakalimutan ko na nga eh! Hahahaha! So.. What's your name?''

Sabi nina Daddy, don't talk to strangers. But I didn't hesitate habang nakatingin ako sa dark brown eyes ni kuya. May something sa kanya na nakaka-curious. May something sa kanya na mapapakanta ka ng One Thing (1 Direction) ..

'' Bianca Castillo..''

He smiled at me and shook my hands.

'' Ryder Monteverde.''

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon