22: When you love somebody...

3.3K 75 0
                                    

Ryder's

Hindi ko na inisip na habulin si Faye. I know that I've hurt her so much more, ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Ayaw kong umasa siya na kapag hinabol ko siya at mag-sorry ako ng paulit-ulit ay mag-iiba ang isipan niya at babawiin niya ang mga salita nya.

Ganyan ang nagagawa ng galit sa atin. Sa sobrang pait,sakit at galit sa puso natin, imposible nang mabawi natin ang mga salitang nasabi. Mahirap nang sabihin na 'Sorry mali nasabi ko. Binabawi ko na.'Just like love, once you've hurt somebody, hindi mo na mababawi sa kanila ang sakit na naidulot mo. The pain will just stay in their hearts, at kahit napatawad ka na niya, hindi pa rin mawawala sa kanya ang pait ng nakaraan.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng parehong kamay ang kamay ni Bianca. Now that I have her infront of me, parang wala na akong hihilingin pa. Siya pa lang, okay na. Kumpleto na. Siya ang masasabi kong ang pinaka-soulmate ko. Ang babaeng aalayaan ko ng isandaang porsyento ng pagmamahal ko. Ang babaeng inaasahan ko na hihintayin ko sa altar balang araw.

'' I've hurt her so much, Ryder. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Faye. She's my friend...and loving you was her only hope.. Pero sinira ko na yun.'' , she said in between her sobs. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinalikan ito.

'' Hayaan mo muna si Faye. Kilala ko siya, she will never harm herself. Kailangan lang niya ng oras makapag-isip at maging mapag-isa. Hindi biro ang ginawa natin sa kanya.''

'' Hindi ko naman alam na ikaw pala ang ex fiance na sinasabi niya. Ryder, I saw her on her white gown. Hinintay ka niya, umasa siya na sisipot ka. Why did you left? Bakit mo kami iniwan?'' , she asked. Siguro ito na ang panahon at tamang oras para sabihin ko ang main reason sa paglabas ko ng Pilipinas.

'' I was so inlove with you. But..''

She looked at me, waiting.

'' But it was never enough,Bianca. Pag-ibig ko lang maiaalay ko sa'yo noong mga panahon na yun. You were so young back then and Í don't have any income. Hindi sapat ang kinikita ko sa mga wants and needs mo. Tapos noong nalaman ko na anak ka pala ng CEO, na-pressured ako. Sabi ko sa sarili ko, 'Kaya ko kaya siya? I mean kaya ko ba na gampanan na maging boyfriend niya kung sa sarili ko nga hindi pa ako ganoon ka-stable?'Ayaw kong ikahiya mo ako, Bianca. Ayaw kong ilayo ka ng tatay mo sa akin dahil lang langit ka at lupa ako. Sa totoo lang, mahal na mahal kita at nasaktan ako noong iniwan kita. Nang nalaman ko na ikakasal pala ako kay Faye, mas dumoble ang hapdi ng nararamdaman ko. Ayaw ko mawalay ng tuluyan sayo at ikasal sa babaeng hindi ko naman talaga mahal. Faye was just a bestfriend for me. No more, no less. She's just my kababata. She''s like my sister, and marrying her would be like an incest for me and Faye. Ayaw kong pagsisihan niya na nagpakasal siya sa tao na hindi naman siya mamahalin in the long run. I don't want to hurt her.

Kaya ang pinaka-last option ko ay umalis ng bansa at pumunta sa America. Since may pinsan naman ako doon at willing siyang tulungan ako, I grabbed the opportunity. And look at me now, Bianca. I'm a changed man. I changed for the better. Ngayon hindi ka na mahihiya na ipakilala ako sa Daddy mo pati sa buong Castillo clan. Nakapag-ipon na ako. Kaya na kitang buhayin.''

Araw-araw kong dinadalaw ang Facebook ni Bianca noong nasa New York ako, but here I am now. Nakahawak sa kamay niya habang naiiyak siya. Sa ngayon, this is the most important thing in my life right now. Alam kong nasaktan ko si Faye, pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko si Bianca.

'' I love you, Ryder. I know I sound silly but..''

'' I love you too, Bianca. I love you more than my life. I won't let anyone bring us down. Just give me a chance right now and I will prove to you that there is a forever.'' She nodded and tiptoed on me. Cupped my cheeks and gave me the sweetest kiss a girl can give.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon