27: Realizations

3.5K 83 0
                                        

Nakakatanga na magmahal, magkamali at maghabol. Hindi naman ganito kakumplikado noon di ba? I was just trying to please her dad about my status. Pinapatunayan ko lang naman ang sarili ko kay Mr. Castillo as far as I know. I thought our lovestory is like the ones in the telenovelas, but I was wrong. Hindi lang pala si Mr. Castillo ang hadlang, madami pa pala.

Nakakainis lang kasi kahit gaano pa kamali si Bianca, patuloy ko pa rin siyang iniibig. Napakatanga ko ano? Napakamartir. Nakakagago na.

All along I thought may nag-stand out sa kanya compared kay Denise, but I was wrong. Ang masakit lang, sobrang minahal at pinagkatiwalaan ko ang Bianca Castillo na yan pagdating sa puso ko. I gave up everything I have, I've changed and all, tapos tulad lang pala noong kay Denise, masasayang lang ang lahat ng efforts ko.

Nakatingin ako sa cellphone ko habang umiinom pa ng isang round ng alak. Pilit na akong inaakay ni Briggs palabas ng Escape pero hindi pa rin ako nagpatinag. '' Bitawan mo ako Briggs! For the nth time hindi ko kailangan ng tubig!'' , sigaw ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at sinapak ako.

'' You deserved that, Ryder. Nang magising ka naman sa katotohanan na hindi lahat ng bagay makukuha mo. Hindi lahat ng tao kailangan i-open sayo lahat ng nakaraan nila. Ry, tao lang naman yang Bianca. Sige, sabihin na nating hindi na siya virgin, na si Drake ang nakauna sa kanya...So what naman di ba? She's with you through thick in thin, she was with you when Denise rejected you and she was still here waiting noong tinakasan mo sila ni Faye. Hanggang ngayon tinatanggap ka pa rin niya kahit ipapakasal ka na kay Faye at ang babaw ng pag-alis mo sa Pilipinas. Pre! Gumising ka nga! Mahal ka ng Bianca na yun! Bihira na ang tulad niya!'' Tiningnan ko ng masinsinan si Briggs habang hinihimas ang kamao niya.

'' O baka naman gusto mo pang gisingin kita? Ano na?! Habulin mo na!''

Tumayo ako at lumabas ng Escape. Nasa likuran ko lang si Briggs habang hinahanap ko siya sa kalsada pero wala siya. Sumakay kami sa kotse ni Briggs at pumunta sa subdivision namin noon. Pati sa tinitirhan ni Bianca pinunatahan namin. Unfortunately, wala na akong naabutan kahit anino niya. Tuluyan na ba niya akong iniwan?

Did I really lose her?

Wanted: RYDER MONTEVERDEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon