14 : F or B?

3.4K 83 0
                                        

Ryder's

Joke ba ito? Di nga? Ako ipagkakasundo sa kababata ko?

Nang tapusin ni Faye ang tawag, agad kong hinagis ang wireless landline phone sa may sofa. "What the hell! Ma! Why did you not tell me na ikakasal ako kay Faye?!"

"Eh akala ko naman alam mo na. I didn't know na hindi pala kayo nagkakausap o nagkakatext man lang ni Faye because from the way she speaks, parang araw-araw naman nagkakausap kayo.'' , my mom's face was epic. Ayaw niya nang napepressure siya lalo na kapag alam niyang may kailangan syang iexplain.

'' Ma naman! I already have a girlfriend! I cannot be..''

'' What? Who? Sino ang girlfriend mo?''

''Si...Bianca Castillo.''

'' Anak ng CEO ng Castillo Group of Companies?", nanlaki ang mga mata nya at lumapit pa lalo sa akin. '' Seryoso ka ba?" Nilagay nya ang kamay niya sa noo ko para tingnan ko may sakit lang.

'" Ma, maniwala kayo't sa hindi, kilala ko ang anak ng CEO ng CGOC at opo..she's my girlfriend.''

'' Alam ba ito ng papa mo?''

''Sasabihin ko pa lang po mamaya.''

'' Anong sasabihin mo? ", my mom's face turned pale when she saw that my dad was just at the back of us, standing while holding some fiiles. '' What is it, Ryder?''

'' Pa, may girlfriend na ako.''

'' Anak ng CEO ng CGOC.'', dagdag pa ni Mama.

I don't know what came to my father's mind, pero bigla na lang niya akong hinawakan sa kwelyo at tiningnan ng napakasama. '' Are you serious? Paano mo nagawa ito sa amin ng Mama mo?''

'' Teka po! Ano po ba masama kung girlfriend ko si Bianca? Pa! I love her! At saka paano ko po hindi nalaman na ikakasal na pala ako kay Faye? Like, seriously?! Ikakasal nyo ako sa kababata ko? Tell me that you're all joking! I cannot marry her! She's just a friend, for Pete's sake! Para na syang nakababatang kapatid ko!"

"Magpapakasal ka sa kanya sa ayaw mo't sa hindi! Mawawalan ka ng mana kapag umurong ka! I will cut all your allowances and lahat, I'm serious about this Ryder,LAHAT NG MAYROON KA MAWAWALA.'' , my dad said coldly.

'' Pero bakit nga po si Faye pa? Bakit ako magpapakasal?! Pa, kasasagot lang sa akin ni Bianca! Halos kamomove on ko lang kay Denise! Please don't do this to me.'', halos magmakaawa na ako kay Papa para lang magbago ang isip niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ko kaya na mawalay kay Bianca. Denise already left me heartbroken and Bianca loved me even in my worst state, I cannot leave her alone.

" It's now or never, Ryder. Sometimes, you have to choose what is right and what will make you happy in the future. Hindi lahat ng mga tao o bagay ngayon ay mananatili sa'yo habambuhay. Faye is the best option you can have, she is willing to love you, please anak, huwag mo naman sayangin yun.'' , tumalikod si Papa at nagkulong na sa may library/ office niya.

50 miscalls.

25 messages received.

Hinayaan ko na lang tumunog ang cellphone ko habang nakatingin sa picture nina Faye at Bianca.

Ano bang gagawin ko?


Sino ba talaga magpapasaya sa akin?

Kakayanin ko bang mahalin si Faye?

Kaya ko bang iwan si Bianca?

I let out a heavy sigh while looking at their photos. Pucha naman, napakahirap naman nito oh! Normal lang naman akong namumuhay, hindi ko inaasayahan na magkakaganito ito. Hindi man lang ako nasabihan na ikakasal na ako sa kababata ko. Bukas na pala ang lintik na engagement at agad-agad kong iiwan ang babaeng kasasagot lang sa akin.

'Ang swerte ko ha!', sabi ko na lang habang nakatulala.

Tumunog ulit ang cellphone ko, pero si Eric ang tumatawag.

'' Hello?''

'' Pre! Nangangamusta lang! Hahaha! Tara inom tayo!'', yaya niya

'' Pakakasalan ko si Faye. Kakasagot lang sa akin ni Bianca.''

'' Teka! Nakakalito...Ah....Gets ko na! Grabe! Si Faye? Yung uhuging kalaro natin na lagi kong tinutukso? Paanong..?!''

'' I love Bianca, but si Faye..mawawalan ako ng mana kapag hindi ko siya pinakasalan!''

'' Kailan ba kasal?''

'' ieengage na kami bukas.''

'' What?! Ang bilis naman! Kauuwi pa lang nun ni Faye ha!''

'' Eric, help me!''

Tumahimik ang linya ng ilang minuto..

'' Hello? Eric?''

'' Tutulungan kita.'' , then the phone went dead.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon