17 : That Missing Part

3.2K 72 0
                                    

///Author's Note ///

Thank you po sa mga naghintay~Pasensya na natagalan dahil napakabusy T____T yay!

--LP

-------------------------------------------------

Dear Ryder,

Kung nasaan ka man ngayon, magpakita ka na sa akin. Hindi na tayo nagkakausap ha. Ilang beses na akong nag-iwan ng voicemails at text messages sa'yo hanggang sa maging out of service na ang number mo. Nasaan ka ba? Ano bang plano mo? Bakit hindi ka na nagpakita after kitang sagutin?

Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos kitang......

Pang-ilan sulat ko na ba ito? Hayy! Desperada na ako. Tumingin ako sa mesa ko ang there was nothing but crumpled papers or unfinished personalized envelopes for him. Ano bang kalokohan ito, Bianca? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Sa tingin mo ba babalik si Ryder sa pinaggagawa mo?

In the first place, naaalala ka pa ba niya?

Oo naman! Ang puso, never yan makakalimutan! Mawala man ang tao pero ang feelings at memories nandyan pa rin! Hindi pwedeng kalimutan nya na lang ako ng ganoon na lang.

He loved me.

Huminga ako ng malalim at naiyak na lang habang nakatingin sa papel na sinusulatan ko. Nilukot ko ito at tinapon sa sahig.

Tama na nga! Suko na nga ako!

'Susuko ka na lang? Ganoon na lang ba yun, Bianca?', sabi ng isipin ko. Umiling ako at tumingin sa picture namin ni Ryder. Dalawang taon na ang lumipas mula noong sinagot ko siya. It should be our 2nd anniversary today but to hell with this, matindi pa ito sa LDR eh!

*toot toot*

From : Faye

Let's watch Taken 3. I'm with Georgina! :">

Tumingin ako sa salamin at pinunasan ang mga luha ko. I must move on. Madami pang mangyayari sa akin. Tulad nga ng sinabi sa akin ni Faye noong nakipag-heart-to-heart talk ako sa kanya, kailangan kahit ganoon kasakit ang nangyari sa 'yo, tatayo at ngigngiti ka. Tuloy pa rin ang paghinga mo, kaya tuloy dapat ang buhay mo. Magpasalamat ka na lang na kahit wala siya, madami pa namang nagmamahal sa 'yo.

Galing na yan sa babaeng iniwan ng magiging asawa niya ha. Sino ba naman ako para hindi sundin ang advice niya. Wala namang mawawala sa akin kung magmu-move on ako. On the bright side, malay ko bang hindi pala si Ryder ang nakatadhana sa akin.

Agad akong naligo at nagbihis at dumiretso na sa mall.

Nang makita ko sina George, agad nila akong niyakap. Matagal na kaming hindi nagkakabonding since matagal na akong nagdadrama simula nang iwan ako ni Ryder.

'' Oh buti naman nagpakita ka!'', kantyaw sa akin ni George. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

'' Iba na nagagawa ng college sa'yo George!'' Ngumiti siya sa akin at umikot. Nakafloral dress siya at blazer tapos may sling bag sa kaliwang braso. '' I knew you would bloom!''

'' May boyfriend na kasi yan, Bianca!'', sabi ni Camille habang nakalingkis sa braso ko. '' Hindi makapaniwala ano? kami rin! Hahahaha!''

'' Di nga Georgina?'' sabi ko habang hindi pa nakaka-recover sa biggest revelation ng barkada. Sasagot na sana siGeorge nang may umakbay sa kanyang matangkad na nilalang. Shet! Ang gwapo naman ni Kuya! Waaaahhh!!! Ngumiti siya sa amin at nakipagkamay sa akin.

'' So you are the missing girl in my baby's barkada, Bianca Castillo.'' Nang mahawakan ko ang kamay niya...Nyemas! Ang lambot! Ang kinis niya, ang bango pa! Saan ka pa! Mainlove na! (landi!!!)

'' Briggs, meet Bianca. Bianca, si Briggs Ocampo..Boyfriend ko.'' , ngumiti si George at halatang kilig na may halong kasiyahan talaga ang mayroon sa mga mata niya. We exchanged smiles and get on with our group date. Nang makalbas na kami sa sinehan, doon ko lang naalala na ang isang bagay na kanina pa umeeksena sa utak ko.

Sinundan ko sa Gonuts Donuts si Briggs at nakipila kasama niya. '' Briggs..''

'' Oh?'' Yumuko siya ng kaunti sa akin. Tangkad kasi!

'' Pamilyar ang pangalan mo.. Parang narinig ko na...Parang..Teka..Ikaw ba..?''

'' Oo ako nga.''

Then suddenly, a tear fell in my eye. Alam niya ang ibig kong sabihin! Sabi ko na nga ba hindi ako nagkakamali! Related siya kay..

'' Kamusta na siya? Ilang buwan ko syang hinanap at tinawagan pero..''

'' Wag ka nang umasa, Bianca.'' Hinamas niya ang likod ko at ngumiti. '' Madami pang isda sa dagat. Hindi lang sa kanya nagre-revolve ang mundo mo.'' Binayaran niya ang donuts at kiunha ito. '' Alam ko kung gaano kasakit para sa'yo na maiwan niya, pero sana maintindihan mo na sa ginawa niya ito para hindi ka mapahamak. Para sa'yo din ang ginawa niya, Bianca. Tumahan ka na. Ayaw niyang umiiyak ka ng ganyan.''

'' Nasaan ba siya?''

'' New York.''

'' Ha?! Paanong....?''

'' He ran away from his own engagement.''

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon