15 : Runaway Girls

3.4K 79 0
                                    

Bianca's

Miscall-text, text- miscall! Malapit na akong maubusan ng dugo kakahintay sa'yo, Ryder ha!  Kumunot na ang noo ko at nagsalubong na ang kilay ko pero wala pa ring Ryder Monteverde na pumupunta sa bahay namin.

"I knew it. Nagmamarunong lang yang Monteverde na yan. '' , sabi ni Dad na nasa dulong part ng sala. Umiinom ng kape at nagpapaka-unsensitive sa nararamdaman ko. Yumuko ako at nagtext ulit.

'Ry, nasaan ka na ba?

' Uy

'Hello? Earth to Ryder Monteverde!

'Babe?'

Bahala na kung ma-flood ang inbox niya! Hindi ako makapaniwalang hindi siya nagrereply! Kakasagot ko lang sa kanya at isang araw pa lang ang lumilipas, wala pa in kahit anino niya. Ano na bang nangyari sa kanya?

'Hay..Nasaan ka na ba. Ano bang nangyari sa'yo'' , bulong ko habang nagpipindot pa rin sa cellphone at laptop ko.

"Bianca tigilan mo na yang kalokohan na yan! Kahapon ka pa hindi mapakali. For once, let him off of your mind. Hindi ka naman ganito ha.'', Hinablot ni daddy ang cellphone ko at binaba ang screen ng laptop. Nakipag-agawan pa ako sa kanya pero walang kwenta pa rin ang lakas ko sa paghatak niya. " Hindi mo mahahawakan ang lintek na phone at laptop mo hangga't hindi ka tumitino!""

"Pero Dad!", unti-unting nag-unahan ang mga luha sa pisngi ko. Binaon ko ang mukha ko sa unan at hinagis ito. Tumakbo ako pataas at dumiretso sa kwarto ko.

'' RYDERRRRRR!!! ANO BA!!!!'' , impit na sigaw ko habang sinusuntok ang mga unan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong cellphone, wala na ring laptop! Paano kung maisipang magreply ni Ryder? Paano kung hinahanap na ako ng boyfriend ko? Paano kung dumiretso siya sa bahay at maabutan nya ang galit kong ama? '' Ahhhhhhh!!!!'', sigaw ko habang umiiyak.

Nang mahimasmasan ako, I find myself staring randomly in an empty space and there I saw my sling bag. I should look for him! He can't be anywhere else. Nasa bahay siguro yun o nasa school! Kinuha ko ang bag ko at nag-ayos at saka tumakas palabas ng bahay.

-------------------

Dalawang oras na akong naglalakad-lakad pero hindi ko pa rin mahanap si Ryder. Saan ka na ba? Hayy! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?! Masakit na ang paa ko at nagugutom na rin ako kaya dumiretso ako sa fishball-an at bumili ng sampung pisong fishballs. Tiningnan pa ako ng mga tambay sa kanto at mga bumibili sa stall kasi bihis na bihis pa ako. I was wearing a Forever 21 cropped top and Guess shorts then naka-boots pa. Buti naka-Rayban sunnies ako kaya hindi nila ako nakikilala.

Nang papatapos na ako sa fishballs ko, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ano ba naman! Kapag minalas ka nga naman! Agad akong tumakbo sa waiting shed ng jeepney at pinunasan ang braso at binti ko. Buti na lang mag-isa lang ako sa shed kaya wala nang nawiwirduhan sa akin. While looking at the heavy rain, I wondered where Ryder is. Hayyyy...Ano ba yan. Bakit ngayon pa? Siya na eh. Nasaan ba sya? Bakit parang wala naman sa kanya na girlfriend nya ako?

Habang nakatayo lang ako sa may pillar ng shed, may napansin akong babae.

Babaeng nakaputi!

Kumabog ang dibdib ko. Langhya naman! Wag naman ngayon! Wala na nga akong gadgets tapos ngayon may nagmumulto pa sa akin. Medyo blurred pa ang imahe ng babaeng naglalakad sa harapan ko kasi malakas ang buhos ng ulan.

'Lord naman oh. Wag ngayon. Please po..' , bulong ko habang nakatingin pa rin sa babae.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang umupo sa kalsada. Huminto ang malaking truck ng basura sa harapan niya at bumusina ng malakas. '' Ano ba naman ineng! Kung magpapakamatay ka! Wag sa akin, wala akong pambayad! Ano ba namang buhay ito oh! Tumabi ka nga!", sigaw ng driver habang nakadungaw sa salamin ng truck.

Hindi pa rin siya gumagalaw.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at inakay siya papunta sa waiting shed. '' Okay ka lang ba, Miss?'' , tanong ko habang naka-squat sa harapan niya. Hikbi lang siya nang hikbi. Parang kanina pa sya umiiyak.

'' How..can..he do this to me. Damn him!'', sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

'' Ano bang nangyari, Miss?''

'' I hate...him! Umuwi pa naman ako sa Pilipinas para sa kanya.. and then..argghhh!!!'', sinipa niya ang lata sa paanan niya at umiyak pa lalo.

'' Tahan na...'', hinimas ko ang braso niya at ngumiti. '' Ganyan din ako ngayon. Tahan na.. Kaya natin ito.'' Tumingin siya sa akin at ngumiti.

'' Thank you..'' , sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. '' Look at me! I look stupid.''

'' No you're not. You look..beautiful..angelic.'', papuri ko. Kahit umaagos ang mascara niya at nakikita na freckles niya, ang ganda pa rin niya! '' Runaway bride?''

'' Soon to be Bride. It should be my engagement party but the groom is nowhere to be found. Tinakasan niya ako...kababata ko pa naman siya..He's the one who ran away..Pasensya na sa'yo ko pa ito nasasabi. I've got no one to open this up. I really hate him! I really do! I thought he loves me and he'll do anything for me.. but I was wrong..Hayyy! Ang bobo ko naman para hindi maramdaman na kahit after all these years, wala talaga syang nararamdaman para sa akin! Hayy!''

'' Okay lang. Ganyan talaga eh. Ako nga kasasagot ko lang sa boyfriend ko, biglang hindi na nagtext o tumawag man lang. Hayyy! Tapos kinumpiska pa ni Daddy ang gadgets ko..Nakakaloka na!'' , tumingin kami sa isa't isa at tumawa.

'' Hayy! Nakakabaliw sila ano?'', sabi niya habang nakangiti.

'' Sinabi mo pa! Hahaha!''

'' You're a good person, Miss. Ano nga ba name mo?''

'' Bianca Castillo. Ikaw?''

'' Fatima Ysobel Gatmaitan. Faye na lang ''

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon