13 : The Phone Call

3.9K 90 0
                                    

/// AUTHOR'S NOTE:

Sorry po ngayon lang naupdate ang WRM :O Ang dami pong nangyari sa dalawang linggo ng pagkawala ko eh! Pasensya na po at ngayon lang nakabalik sa pagsusulat. I was trying to find myself and here I am now. :"> Please don't forget to read my other stories incase natatagalan po kayo sa pag-usad ng story na ito. I will finish this short story,promise! :D

--LP //

Ryder's

I've never been so brave in my life. I was always that type of guy na go with the flow, na happy-go-lucky, puro adventures at hindi masyadong sineseryoso ang buhay. But when I met Bianca, alam ko sa sarili ko,nararamdaman ko, na unti-unti na akong nagbabago.

Nang makita ko ang 3 briefcases na inoffer sa akin ni Mr. Castillo, there was something in me na gustong kuhanin ito. Sino ba naman akong impokrito na hindi nangangailangan ng pera. That amount of money will be enough to sufficeour needs. But still, I declined the offer.

Mas matimbang ang pag-ibig sa pera.

Bianca is worth more that those three briefcases.

Habang nagdadrive ako at napapatingin sa kanya, I can't stop imagining her as my wife. Simula nang mawala si Denise, Bianca became my rock. She became my source of courage. Dahil kay Bianca, mas naging matatag ako sa mga temptations. Habang nakakakilala ako ng ibang babae, mas napapatunayan ko na siya at wala nang iba, ang makakagawa sa akin ng ganito. She was sleeping soundly at the passenger seat nang inihinto ko sa Funtabella Garden and Park ang Benz ko.

"Bianca...""

"Hmmmm..."

"Gising na."

She turned her back on me and continued snoring. Hahahaha! Funny it may seem, but yes, humihilik siya!Iniharap ko dahan-dahan ang mukha niya sa akin at pinagmasdan siyang natutulog.

'Who would have thought that I will fall in love with you.', I whispered.

Then she smiled and said in a soft voice. "Narinig ko yun."

Umurong ako ng kaunti sa kanya at nagsimulang nagkarera ang mga kabayo sa puso ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hindi ako makahinga.

"N-narinig mo pala..." Napailing ako at kinagat ang labi ko. Napasuntok ako ng mahina sa manibela. Hanep ka sa ninja moves mo, Ry. Bisto ka na! Unti-unti niyang tinanggal ang seatbelt niya at inayos ang sarili sa salamin ng kotse. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi niya bitawan pati sa paglalakad ang kamay ko. We were holding each other's hand, pa-sway sway pa! Para kaming mga teenagers na nagkakahiyaan pa sa uanng date namin.

While strolling around the park, huminto siya sa gitna ng kalsada at tumingin sa akin. Tumigil din ako sa paglalakad at kinamot ang batok ko. "Ayaw mo ba dito?", I asked. Then she started to smile and then cried. Nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko.

"Oh bakit? May sinabi o ginawa ba akong masama?"

'Wa-wala.. I'm just.. so...happy. Hindi ko inakalang..d-darating ka sa b-buhay ko. " , She said while stopping her tears from falling. Her face was beetroot red now. Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya. Her presence was a kind of warmth na hindi na yata matatanggal sa sistema ko.

Nang yakapin ko siya, alam ko na siya na. Sigurado na akong siya ang babaeng ipaglalaban ko anuman ang mangyari.

"Hindi kita pababayaan Bianca. I promise you that.", sabi ko habang nakayapak pa rin siya sa akin.Mas binaon na lang niya ang mukha niya sa dibdib ko at unti-unting humina ang paghikbi niya.

'' Ryder, I know this might be silly of me but I think ayaw na kitang pakawalan.''

Tinaas ko ang mukha niya at nakipag-eye to eye contact sa kanya. I can see in her eyes that she was dead serious. She smiled at me and I smiled at her.

Alam kong mabilis ang mga nangyayari ngayon pero alam ko na kapag pinalagpas ko pa ito, hindi na ako makakatagpo pa ng tulad niya.

------------------------------

Umuwi akong may ngiti sa mga labi ko. Bianca Castillo is officially my girlfriend. Wala na akong ibang mahihiling pa, tinupad na niya!

Pag-uwi ko pa lang ng bahay, dumiretso na ako sa kusina at humingi sa kasambahay ng juice. Nagtataka pa sila kung bakit parang ang saya-saya ko, sinabi ko na lang may girlfriend na ako.

'' Aba si Sir Ryder may girlfriend na ha!"

"Eh paano naman ho si Ma' am Denise?""

"Huy Anita tumigil ka nga! Denise Denise ka dyan. Di ba Sir past is past na po?"

Tumango na lang ako at dumiretso sa sala. Hindi ko inasahan na maabutan si Mama, nakangiti at may hawak na telepono. Agad niya itong inabot sa akin. "" Para sa'yo. Kababata mo.''

Isa lang ang taong naisip ko nang marinig ko na kababata ko..

'' Faye? ''

'' Oh my God,Ryder. How are you? Uy favor naman oh, sunduin mo ko bukas sa airport ng 5: 00 PM. I can't wait to see you in tuxedo!"

'" In tuxedo? Bakit? Anong meron? At bakit ngayon ka lang nagparamdam?

" We'll be engaged tomorrow. Hindi ba naibalita sayo ni Tita? O baka nakalimutan mo! Hahaha! Ikaw talaga. Forgetful ka pa rin."

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon