16 : Kaibigan

3.3K 70 0
  • Dedicated kay Nica Lazaro Lopez
                                    

//AUTHOR'S NOTE:

This chapter is dedictaed to my dear friend and masugid na reader , NICA LOPEZ ikaw na talaga! :)) Ateng thank you talaga ha ~Oh eto na si Ryderbaby mo :** Ingats!

Thank you po sa inyo na nagbabasa nito o ng iba kong gawa at yung mga patuloy na inaabangan ang WRM :"> Godbless po! Sarap sa feeling na nasa Pilipinas na si Pope Francis kahapon (1. 15. 2015) Woooo!!! Sana nasa Pinas ako now oh~~

--LP//

Ryder's

" Are you really ready for this? '' , nakatayo kaming dalawa ni Eric katapat ng boarding area. Huminga ako ng malalim habang nakahawak sa ticket ko. Ang ticket na magpapakalma sa kanina pang malakas na kabog ng puso ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti , '' Kailangan eh. This is my only choice.'' , sabi ko.

'' Sabi ko nga di ba? Wala ka na talagang ibang choice pre. Buti na lang may nagback-out sa flight na napunta sayo kung hindi mapo-prolong pa yang nararamdaman mo.''

'' Nakakakonsensya, Eric.''

'' Sa una lang yan, pre. Kapag nasa New York ka na, hindi mo na maiisip na may iniwan ka sa Pilipinas.'' Tumunog ang mic na nagsasabing magboard na ang mga pasahero sa eroplano. Tumingin ako sa ticket ko at ngumiti.

'' Kaya ko ito.'" , nagbitaw ako ng malalim na paghinga at hinawakan ng mahigpit ang maleta ko.

'' Don't ever look back.'' , sabi naman ni Eric'. "Baka magbago pa ang isip mo.'' Tinapik niya ang balikat ko at nauna nang pumasok. Nasa likuran lang niya ako. Nakangiti ang stewardess sa akin nang iabot ko ang passport ko. Tinatakan niya ito at ngumiti muli, '' Happy trip, Sir.''

Siguro nga tama si Eric. Sa una lang ako makokonsensya. Sa una lang ako makakamiss at magpapamiss. Kapag tumagal, masasanay na rin sila na wala ako at ganoon din ako sa kanila. Tumingin ako sa picture ni Bianca sa cellphone ko, picture namin na napakasaya.

"Sorry, Bianca. Kailangan kong gawin ito.'',impit na bulong ko sa imahe. '' Sana mapatawad niyo ako ni Faye.'' Huminga ako ng malalim at naalala ang mukha ni Faye bago ako pumunta sa airport. Nagtatago ako sa may di kalayuan sa pavillion na gaganapin sana ng engagement namin. Ang ganda ni Faye kanina. Nakaputi, may tiara, nakaheels, ayos na ayos ang buhok. Malayo sa Faye na kalaro ko noon na uhugin at mapagkakamalang lalake.

Lumipas ang ilang oras, ang masayang mukha niya ay napalitan ng kalungkutan. Hinahanap na nila ako. Hindi nila ako ma-contact sa cellphone dahil tinapon ko na yung sim ko. Napuno ng kaba at luha ang ekspresyon ni Faye hanggang sa pumasok na ako sa kotse, naaaninag ko na tumatakbo siya palayo ng Pavillion nang naka-gown. Basang basa siya sa ulan at unti-unting natutunaw ang make up niya. Dinaanan ko siya nung nakatakbo na siya ng malayo, I looked at her for the last time and whispered sorry habang mabilis akong nagdrive palayo sa kanya.

---------------------------------------

Nang makalapag ang eroplano sa America, agad kaming nagpara ng taxi at tumuloy muna sa Hilton Hotel. Mabuti na lang at nailibre ako ng kalahati sa gastos ni Eric since siya ang may pakana ng ganitong pagtakas.

'' For sure nanggagalaiti sa galit si Tito niyan. Hahaha! Patay ka Ryder!'', tukso niya sa akin habang nakahiga sa kama.

'' For sure yan. Wala na eh, nandito na ako. I might as well seize this opportunity.''

'' Pinasa ko ang resume mo sa kumpanya ni Papa. Pwede ka na daw magsimula anytime you want. Bukas may nakahanda nang condo unit para sayo at kotse. Wag ka nang mag-alala sa mga gamit mo kasi..''

'' Pre ''

'' Oh? ''

'' Salamat talaga ha. You don't need to do this.'', sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.

'' Ano pa ba silbi ng pagkakaibigan natin di ba? Nasa ibaba ka, tutulungan kitang tumaas. Wag mo na yung problemahin, makakabawi ka naman pag yumaman ka na. Hahaha! Basta ikaw na bahala sa Ferrari ko ha?'', sinapak ko sa braso si Eric at nagtawanan kami ng malakas. Ang sarap talaga sa pakiramdam na kahit madaming galit sayo ngayon, may handang tumulong at makiramay.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon