24 : Valentine's Day Messages

3.3K 65 0
                                    

Bianca's

It's been 3 months since my last encounter with Faye. Simula noong sinampal niya ako, hindi na niya ako pinansin. Minsan nababalitaan na lang namin sa brarkada na hindi na siya sumasama kayna Georgie at Briggs. Hindi na rin siya tumatawag sa amin. Pinutol na nya ang lahat ng communication niya sa amin, lalung lalo na sa akin.

Nakaka-guilty, sa totoo lang. Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito pa ang kinahantungan? Gabi-gabi nagdadasal ako, nagtatanong kay Lord kung saan ako nagkamali. Kung tama ba na minahal ko si Ryder? Na mapapatawad kaya ako ni Faye balang araw. Nakakakonsensya naman kasi!

From : Ryder

See you later. Love you! :)

Napangiti ako sa text niya. Simula nang bumalik si Ryder, nagsunud-sunod na ang mga dates namin. Nagpakilala na siya ng maayos kayna Mommy at Daddy and thank God, Dad approved of our relationship. Totoo nga na kailangan lang ni Dad ng mahabang panahon para mag-isip at tanggapin na nagmamahal na ang unica hija niya. Ryder proved to Dad that he will do anything for me. He gained my father's trust at yun pa lang masaya na ako.

To : Ryder

Sure! Loveyoutoo! :)

Binuksan ko ang cbinet ko at pumili ng dark blue polka dots dress at dumiretso na sa banyo. Pagkatapos kong maligo, tinext ko ulit si Ryder at sinabihan siya na sunduin niya ako after one hour. Syempre kailangan magpaganda! Sayang ang selfies namin kapag pangit ako! Hahahaha!

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at ngumiti. "Okay na siguro ito. Pang-selfie na!", sabi ko sa sarili ko. Bumaba ako at nagpaalam kay Mommy at saka dumaan muna sa conevenient store para bumili ng chocolates para kay Ryder. Ugali ko kasi na bigyan siya ng food kapag may date kami para hindi siya nagugutom sa daan.

Pagpasok ko sa 7/11, punung puno ng heart decorations. May mga maliliit pang teddy bears na nakadisplay sa mga gilid ng upuan at mga pa-promo na Buy 1 Take 1. Ay shemays!

VALENTINE'S DAY NGA PALA!

Tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko at napangiti. May mga couples na kumakain at nagsusubuan pa. May mga highschool students na nakapila by twos. Hayy!Araw ng pagmamahalan at kalandian nga naman! Dumiretso ako sa isle ng mga chocolates (Kung bakit kasi nakalimutan kong Valentine's! Sana man lang sa mall ako nakabili ng pangregalo!)  Habang nagdedecide kung Ferrero o Cadbury ang bibilhin ko, may lalaking tumabi sa akin.

Lumingon ako sa kanya kasi akala ko si Ryder. Kaamoy kasi niya! '' Babe, anong mas masarap...Ay sorry. Akala ko boyfriend kita. Hahahaha! Kaamoy mo kasi. Sorry kuya!'' , sabi ko habang nagba-bow. He let out a hearty laugh and looked at me.

'' Okay lang. Madaming girls ang napagkakamalan akong boyfriend nila ako dahil sa pabango na ito. I think I need to change my scent.'' , he said.

'' Sorry talaga ha'' , sabi ko habang kinukuha ang Cadbury. Lumapit ng kaunti si Kuyang Palangiti at tiningnan ako ng mabuti. '' You look..familiar.'' , sabi niya. Kinabahan naman ako, baka kasi pauso lang ito! Alam mo naman ang mga panahon ngayon, madaming pa-modus operandi. Umurong ako ng kaunti habang nakatingin sa kanya. Gusto kong sumigaw pero natawa na lang syang bigla. '' Namumutla ka! Hahaha!''

"Heh!'' , inirapan ko siya at tumungo na sa counter. Sinundan niya ako habang may hawak na Mars bar. '' Carlo nga pala. You look familiar talaga.''

'' Huh? Hindi ako yun, kung sino man iniisip mo'' , sabi ko ng diretso. Iniwasan ko ang tingin niya pero bigla siyang bumanat.

'' You look like my next girlfriend.'' , he said with a smile on his face. Malalim ang dimples at pamilyar ang hugis ng mata. May kamukha siya, babae nga lang.

"Hahaha! Patawa ka Kuya. May boyfriend na ako!'' , sabi ko habang malapit na sa counter para magbayad.

'' Well ako wala pang girlfriend. Anyways, I didn't mean to scare you. Kilala kita, ikaw si Bianca di ba?''

'' P-paano?''

'' I have my ways. See ya soon.'' , binitawan niya ang Mars bar at dumiretso sa labasan ng 7/11. Nang sinundan ko siya ng tingin, papasok naman si Ryder at nakatingin ng masama kay kuyang wirdo.

'' Kilala mo yun?'' , sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Ha? Hindi ha. Kilala mo ba?Carlo daw eh. Anyway!!!!! Here is my gift for you my dear Ryder!'' , sabi ko pagkabayad. Inabot ko sa kanya ang binili ko at kiniss siya sa cheeks. " Happy Valentine's Day! Sorry nakalimutan kong araw ng mga puso. hehehe "

" He's Carlo. Faye's brother. Layuan mo siya.''

'' What?! Why?''

'' Basta.''

Hindi ko alam kung anong meron pero that Valentine's Day became our coldest and weirdest Valentine's Day ever.

------------------------------------

Pagkauwi ko sa bahay, chineck ko ang phone ko. Baka kasi may mga texts na si Faye. Nakakailang Sorry texts na kasi ako sa kanya for the last three months pero ni 'Hi' wala talaga syang sinasagot. May isang message na nakalabas sa screen pero unknown number.

From : 0915************

Hey Bianca. Remember me? See ya soon. :)- Carlo

Bigla akong kinabahan. He's related to Faye, feeling ko may masamang manyayari.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon