21 : Trust and Loyalty

3.1K 67 0
                                    

Bianca's

Ano ba itong gulo na pinasukan ko? Aishhh! Masyado naman kasi akong mabait. If not for my kindness at martyrdom to love, hindi mangyayari ito! Hindi sana hawak ni Faye ang kamay ko habang naglalakad papasok ng Villa Monteverde. Actually, ngayon pa lang ako nakapasok dito, I didn't even know na may villa pala ang mga Monteverde. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa   GARDEN THIS WAY sign sa mala-fairytale na entrance.

"Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. He's back, B " , sabi sa akin ni Faye habang nakahawak pa rin ang kamay niya. Habang papalapit kami sa pagkakakitaan nila ni Ryder, mas humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. Feeling ko mababali na mga buto ko sa kamay sa higpit nito, may kasama pang pamamawis sa nerbyos niya.

Huminga na rin ako ng malalim nang makita ko ang venue na puno ng lobo na pink and white. Tumigil kami ni Faye sa gitna ng venue at halos mapanganga sa kagandahan nito. Pinaghandaan niya talaga ang pagkikita nila, sabi ko na lang sa isip ko. One side of me was so happy because he came back, but the other half was wishing that this girl should be me. I should be in her position, I'm his girlfriend for all we know. But am I still his girfriend?

O baka naman napa-fascinate na lang ako sa idea na out of blue, ako pa rin ang pipiliin ni Ryder kapag nakita nya ako? Na ako pala ang mahal niya at ako pala ang babaeng hinding hindi niya kayang iwanan? Sus. Kung hindi ka niya kayang iwanan, why did he leave you after mo siya sinagot?

Napaka-complicated talaga ng love! Nakakairita!

Ilang minuto ang lumipas, biglang may nagpatugtog ng Thinking Out Loud. Napalingon kami ni Faye sa kung saan saang corner ng venue. Hanggang sa nagdilim ang paligid. Nabitawan ni Faye ang kamay ko at para bang biglang nagkabuhay ang mga paa ko at nakilakad ako kasabay niya sa gitna ng spotlight na nasa gitna ng mga lobo.

Then a figure entered the scene. Holding a boquet of roses and smiling.

Pero nawala ang ngiti niya nang makita niya na hindi lang si Faye ang nasa Villa Monteverde garden.

I almost heard my heartbeat when his eyes looked straight in mine.

-----------------------------------------------------------------

Ryder's

Thinking Out Loud was blasting all over the villa as I was holding this boquet of roses for Faye. The truth is, I don't know why I am doing this fo her. Besides, she is not the one that I love. Alam ko sa sarili ko na hindi si Faye ang gusto kong gawan nito.

Si Bianca lang. I know I sound too corny and too stupid, but all along I wish she was the girl that I will meet as soon as I get home in the country. Pero dahil tatanga-tanga ako at hinaluan pa ng kaduwagan, hindi ko magawang ayain siya dahil sa takot ko na baka hindi na niya ako tanggapin.

Pero sa ginagawa kong ito, naramdaman ko bigla na tanggap ko na kung bakit hindi na niya ako tatanggapin sa buhay nya. I can almost feel the rage in her heart kapag nalaman niya ito.

Huminga ako ng malalim at naglakad papasok sa hardin.

But little that I expect that I will see the girl that I really love. Shit. Bakit nandito sya?

I tried to take my eyes off of her pero parang may sariling buhay ang mga mata ko. Si Bianca lang ang gusto nilang makita. Si Bianca lang ang malinaw ngayon. Nang lumalapit na ako kay Faye, doon ko lang narelaized kung gaano ko kamiss si Bianca.

Faye was opening her arms for me but I dropped the flowers and hugged Bianca who was at her side.

'' Bianca..'' Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang pangalan niya. Her name alone was so hard for me to say. Dala ng pangalan nya ang libu-libong pagsisisi at pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. I hugged her so tight that I didn't want to let her go.

'' R-Ryder...Bianca?'' Lumipat ang mga mata ko from Bianca to Faye. She was walking backwards as tears fell on her rosy cheeks. '' Paano n-niyo nagawa ito sa akin? All along m-magkakilala pala kayo? Bianca!! HOW CAN YOU DO THIS TO ME?  YOU'RE MY FRIEND!", kumawala si Bianca sa pagkakayakap ko at nagsimula na ring umiyak.

'' F-Faye..sasabihin ko s-sana ito sayo kaso hindi ko a-alam kung papaano. N-nung nawala kami ni Briggs sa moviehouse after natin manood, napag-usapan namin yun. Noong una h-hindi ako makapaniwala, na baka ibang Ryder o Faye yun, pero...'' , Bianca explained between her sobs.

'' I HATE YOU! I TRUSTED YOU! SINABI KO PA SAYO NA TUTULUNGAN KITANG MAKA-MOVE ON! NA KAPAG BUMALIK ANG EX FIANCE KO, SIGURADONG BABALIK SIYA SA AKIN! PINAASA MO AKO SA IDEA NA YUN! HOW DARE YOU DO THIS TO ME! I HATE YOU!! I HATE YOU!!'' Sumugod kaagad si Faye kay Bianca at pinagsasampal ito sa magkabilang pisngi at hinatak ang buhok nito. Nakahwak ako sa braso ni Faye at ginagawa ang aking makakaya para pigilan siya. May mga tao nang napalingon sa amin na dumadaan sa garden at napatigil para panoorin ang scene naming tatlo.

'' Faye...sorry..talaga..'', sabi ni Bianca habang napapayakap na sa akin.

Tumigil si Faye at pinunasan ang mga luha niya at saka tumingin sa akin at kay Bianca, "SANA HINDI NA LANG KAYO NABUHAY!! I HATE YOU!!''. Umiiyak pa rin ito habang nakatingin kay Bianca,

'' TANDAAN MO ITO,BIANCA. I WILL NEVER FORGIVE YOU, BITCH!''  Tumalikod si Faye at lumabas ng Villa Monteverde nang may galit at pait sa puso.

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon