EPILOGUE

7.7K 98 9
                                    

Nakikipag-usap ako sa kliyente ng Vergara Group of Companies nang maramdaman ko ang biglaang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

But there was something wrong tonight.

Tiningnan ko ang relo ko, 3:30 na pala ng madaling araw. Wala pa ring text mula kay Bianca. Ilang beses ko na siyang kino-contact pero walang nagko-callback o nagte-textback man lang.

Bigla na akong kinabahan.

" Hello? Mr. Monteverde are you still there? As I was saying..."

" Can I call you back tomorrow or later this afternoon? There's an emergency I need to attend. Is that alright Mrs. Wright?"

" Yeah sure. Goodnight." Binaba ko kaagad ang call at pagtingin ko sa screen ng phone ko 45 messages na pala ang para sa akin. Kalahati ng mga ito ay galing kayna Georgie,Camille,Yumi,Clair at Briggs

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang binibuksan ang mga mensahe. Tinatanong nila kung nasaan na ako. Magreply na daw ako at kung anu ano pa.ay 10 miscalls na rin galing sa kanila.


Ano bang meron?!

Tinawagan ko kaagad si Yumi. " Yumi?"

" Ay sa wakas tumawag ka! George! Si Ryder nasa telepono na!" agad namang nag-iba ang humawak sa telepono sa pagkakarinig ko.

" TARANTADO KA RYDER! Bingi ka ba or what?! Nakakailang texts at tawag na kami sayo.. BAKIT HINDI MO SINASAGOT?! SI BIANCA!!"


" Anong mayroon kay Bianca? Nasaan ba kayo?! Bakit parang nagkakagulo dyan?" iba't ibang ingay ang naririnig ko. May mga tila nagrereklamo sa feontdesk,nag-asway at nagkakademandahan at may mga lalasing lasing. " Hello George? Ano na?!"





" Si Bianca.... Nawawala."

" What?! Wait! Wag kayong lalabas
dyan sa presinto. Susunod na ako!" binigay sa akin ni Yumi ang istasyon ng pulis na kinalalagyan nila kaya agad ko itong napuntahan. Buti na lang malapit lang sa subdivision.






" Ryder!!" Sumalubong sa akin ang daddy ni Bianca. Namumugto ang mga mata at nangangatog.

" Ano pong nangyari?!

" Si Bianca nawawala. Ilang oras na namin siyang hinihintay umuwi pero.."

" Nakailang texts na kami Ryder simula noong lumabas siya sa Escape. Pero wala talaga! Nagsimula na kaming magtaka kasi hindi naman si b yung tipo na hindi nagrereply kaagad kahit na busy sya." , paliwanag naman ni Claire. " Kinabahan na kami nun kasi maga-ala una na nun noong hindi pa sya sumasagot sa mga tawag namin."

" Tinanong namin si Briggs kung nakita niya si Bianca kaso sabi naman niya nang maghiwalay kayo sa Escape,umuwi na daw sya ng bahay." , sabi naman ni Camille. " Langhya naman! Saan ba nagsususuot yung si Bianca! Haaaayy!!" , bigla na lang siyang napasandal sa may tabi at napaupo. Iyak ng iyak at pinapatahan na ni Yumi.

Sa gitna ng iyakan, lumapit ang pulis sa amin na may hawak na papel at ballpen. " Sino po ang mga magulang ni Bianca Castillo?" lumapit sina Mr. And Mrs. Castillo habang naiiyak. " Tulungan niyo po kami nawawal po ang anak namin. Ilang oras na po siyang hindi nagtetext p tumatawag, hindi naman po ganoong bata si Bianca eh."

" Ano po ang mga huling pinunatahan niya at sino po ang mga kasama niya?" tumingin siya sa amin, nag-aabang ng paliwanang. Naglakas loob akong lumapit sa kanya.

" Escape Bar lang po. Kagagaling lang po nya nun sa mga kaibigan niya tapos pinapunta ko po sya sa Escape kasi nagtext po sya kung saan ako. Kami po ni Briggs Ocampo at Georgina Dimasalang ang mga huli niyang nakasama." Lumapit naman ang dalawa naming kaibigan sa pulis.

" Okay. Sa ngayon magpapaprint out kami ng litrato ni Bianca at idedeclare na MISSING. Okay po? Ipapasa po namin ang balita sa media at sa mga siyudad at probinsya para anytime mabilis matunton ang mga suspects.", suhesto ng pulis. Lumapit ang nanay ni Bianca na umiiyak. Hinawakan niya ang kamay ng pulis at sabi,

" Kahit po magkano ibibigay po namin Sir. Nagmamakaawa po ako,please find my baby. I need my Bianca." lumuhod ito sa harapan ng pulis at yumuko. " Please. Please lang po. Nagmamakaawa ako."





Kinaumagahan, kalat sa buong Pilipinas ang litrato ng anak ng CGC CEO.






MISSING: BIANCA CASTILLO.








//AUTHOR'S NOTE//

Nabitin ba kayo? Hahahahaha! Don't worry, there will be a book II soon. Thank you so much sa mga nagbasa at sumubaybay sa Wanted: Ryder Monteverde. Thank you din po sa mga naga-add at nagbabasa ng iba ko pong oneshots at short stories. Nakakataba po ng puso. May God bless you all with happiness.

See you in Book II. :)))

-LP

Wanted: RYDER MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon