KABANATA 15.2

568 51 20
                                    

Nakahiga na kami pareho sa kama ng kinalas namin ang aming labi mula sa isa't isa.

Pareho kaming hingal na hingal, naghahabol ng hangin.

Wala na akong ibang nakikita pa kundi ang gwapong mukha ni Ike na ilang danglal lang ang layo sa akin.

Ang kayang nasasabik mata ay diretsong nakatingin sa akin, nakikita ko ang apoy ng pagnanasang matikman, kainin ako na lumiliyab roon.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, yung tipong nakakatakot, kasi baka dahil sa lakas ng kabog nito ay pati si Ike ay marinkn rin ito.

Nilapit muli ni Ike ang kanyang mukha sa akin. Pero hindi na labi ko ang punterya niya ngayon.

"Ahh." Hindi ko mapigilang ungol.

Nilandas ni Ike ang kanyang mga halik galing sa pinakasulok kung saan nagtatagpo ang aking leeg at balikat, pataas ng pataas.

"Teka lang Ike." Pagpipigil ko sa kanya.

Hindi niya ako pinakinggan at sige parin sa paghalik ay pagdila sa aking leeg, pati ang aking tenga ay hindi niya pinalampas.

"I-ike." Tawag ko sa kanya kasabay ng paghuli ko ng kanyang mukha gamit ang dalawa kong kamay.

Hinarap ko ang kanyang mukha sa akin.

Sabik, labis kasabikan, yan yung nakikita ko sa kanyang nagliliyab na mga mata.

"Gagawin ba natin to?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

Hindi ako magsisinungaling.

Gusto kong gawin namin ito, gustong gusto ko.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya pabalik sa akin.

Umiling ako.

"Hindi... Gusto ko ito." Tugon ko sa kanya habang hinahawakan ko ang kanyang labi gamit ang aking hintuturo.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at hinalikan niya ang likod nito.

"Ako rin, gusto ko rin ito. Gustong gusto." Sabi niya sa akin habang nakapikit.

Nang binuksan niya ang kanyang mga matatalim na mata ay marahan niyang kinaha ang kamay ko na nasa mukha niya. Hinalikan niya ulit ang likod ng palad ko habang diretsong tinitignan ako gamit ang kanyang mga mapupungay na mga mata.

"Pwede ba akong mag linis muna?" Tanong ko sa kanya.

"Sige." Pagsang-ayon niya sa gusto ko.

Binigyan na muna niya ako ng isang patak ng halik sa aking labi bago siya umalis sa kanyang pagkakadagan sa akin at humiga sa aking tabi.

Tumingin ako sa kanya.

"Babalik rin ako." Pagpapaalam ko bago ako naglakad papunta sa banyo na nasa kwarto lang niya.

Pagsara ko sa pinto ng banyo ay napasandal ako sa pinto.

"Isusuko ko na ba talaga ang Bataan?" Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.

Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking dibdib.

Hindi parin nawawala ang malakas na pagkabog na nanggaling rito.

Hindi ko na sinagot ang sariling tanong at hinubad ko na lahat ng aking kasuotan. Ini hanger ko lahat ng iyon at sinampay ko ang hanger sa sampayan na malapit sa lalagyan ng mga towel.

Hindi na ako nagtagal pa at pumunta na ako sa bowl at umupo rito, alam niyo na kung ano ang ginawa ko.

--

Matapos kong makapagbawas ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng banyo.

Bakit may ganito dito?

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon