KABANATA 26

455 52 28
                                    

THE ANTAGONIST

TRILOGY 1

Written by: Cxhase

***

KABANATA 26

***
(This chapter is unedited)

"Screw you, Joseph. You did not even tell me that Linda is just in your house." Magkahalong biro at inis na saad ng tatay ni Allen habang mahigpit na pinisil ang kamay ng uncle Joseph ni Allen.

"Aw! That hurts, man." Mabilis naman na kinalas ng uncle Joseph ni Allen ang pagkakahawak ng kamay nila ng kausap nito matapos makipagkamay.

"Actually, I tried, okay? But Linda stopped me from doing so. And I have to respect her decision." Lahad nito habang hinihipo ang medyo namumulag kamay dahil sa lakas ng grip ng Tatay ni Allen.

Mabuti na lang talaga at parehong brusko ang dalawang lalaki, at tolerable na para sa uncle Joseph ang ganun na grip.

Medyo nabigla talaga si Allen nang malaman na magkakilala at magkaibigan pala ang uncle Joseph at tatay niyang si Peter.

Napatango tango na lang siya nang maalala at mapagtanto kung bakit ganun na lang siya tignan ng uncle Joseph niya nung unang pagkikita nilang dalawa na nangyari sa mismong sala na kung saan sila nag-uusap ngayon.

"Pinal na talaga ang desisyon na ito, Linda?" Medyo nalulungkot na tanong ng aunite Celine ni Allen habang hawak nito ang dalawang kamay ng nanay niyang kaharap nito.

"Opo, ma'am. Maraming Salamat po talaga sa lahat." Tugon naman ng nanay ni Allen rito.

"Ma mi-miss naming kayo rito, lalo na ikaw, Allen." Maluha luha na sabi nito saka tinignan si Allen na nasa tabi lang ng nanay niya.

Binigyan si Allen ng isang mahigpit na yakap ng auntie Celine nito. Ramdam niya sa yakap nito ang mga emosyong nagpaluha rin kay Allen.

Ma mi-miss niya rin sila, ilang lahat na lagpas isang dekada niyang nakasamang mamuhay at tumawa. Ma mi-miss niya ang mga kulitan ng mga kasamahan ng nanay niya kapag tumutulong siya sa mga gawing bahay. Ma mi-miss niya sila aunite Celine at uncle Joseph niya dahil sa bait nito sa kanya.

Lahat ma mi-miss ni Allen, lalong lalo na ang isang lalaki sa bahay na ito na nagparanas sa kanya ng maraming unang pagkakataon sa loob mismo ng bahay na ito.

"Ma mi-miss ko rin po kayong lahat, auntie Celine. Maraming salamat po sa lahat." Maluha na wika ni Allen habang pumipikit at dinadama ang init ng yakap ng auntie niya.

Nang magkalas sila sa yakap na pinasaluhan nila ay parehong nagpunas si Allen at ang auntie niya ng mga nangingilid na luha sa kanilang mga mata.

"Kung gusto niyang bumisita rito, bukas ang pinto ng bahay naming, kahit kalian niyo man gusto." Nakangiting sabi nito sa kanilang dalawa.

"Maraming Salamat po, auntie. Magiging madalas po ata ang pagbisita naming, dahil nasa iisang subdivision lang naman tayo." Medyo natatawa niyang turan rito.

Oo. Nasa iisang subdivision lang sila.

Ang alam lang ni Allen ay ito ang napagdesisyunan ng mga magulang niya. Ito raw ang pinakamainam para sa ngayon.

"Masaya ako para sayo, Allen." Napalingon siya sa dako ng uncle Joseph niya nang magsalita ito na nasa tabi niya na pala.

Binigyan rin siya ng yakap ng uncle niya. At medyo nabigl si Allen dahil sa higpit ng pagkakaakap ng uncle niya sa kanya.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon