KABANATA 11.1

571 64 23
                                    

Nag ring ang bell, senyales na tapos na ang klase para sa umagang ito.

Kaya naman agad agad na nagsilabasan ang mga bagong kaklase ko.

Habang busy akong nag-aayos sa mga gamit ko ay naramdaman ko nalang na pinalibutan ako ng mga tao.

Tumingala ako upang tignan kung sino sino sila at napangiti dahil sina Carina, Zaniya, at Carlos pala ang lumapit sa akin.

"Lunch na tayo Allen." Nakangiting paanyaya sa akin ni Carina.

Tumango ako sa kanya bilang tugon at tumayo na galing sa aking upuan.

"Kamusta ang naging bakasyon niyo?" Tanong ko sa kanila.

Hindi man kami naging magkaklase sa loob ng sampung taon ay kinakamusta ko parin sila kapag nagka-oras ako.

Importante kasi sila para sa akin. Kahit na di kami masyadong nagkakasama, dahil kay Mark ko binibigay ang malaking parte ng oras ko. Pero nakikipag communicate parin naman ako sa kanila pag binigyan ako ng pagkakataon.

Sayang nga lang at naalis sila sa pagiging Star simula nung tumungtong kami sa ikalawang baitang.

Hindi naman kasi sila mga bobo, sadyang sa pera lang talaga nagkakatalo ang mga tao rito.

Mayayaman rin naman itong tatlong ito, pero hindi kasing yaman ng mga naging ka-klase ko sa unang seksyon.

Jusko, okay lang siguro sa kanila na magpalit ng cellphone araw araw.

"Well, as usual. Nasa bahay naka tambay. Tapos pumupunta ng Chruch every Saturday to prepare and practice ng mga praise songs. Then sa Sunday nagsisimba. Pero most of the time nasa bahay lang talaga ako." Pag kwe-kwento ni Carina.

Born Again kasi ang religion nitong si Carina, kaya hasang hasa talaga ang talento sa pagkanta ng mga praise songs.

Hindi naman masyadong nagbago ang itsura ni Carina after 11 years.

Tumanda lang ang kanyang mukha at awra. Pero ganun parin talaga, mahaba ang itim at shiny na buhok na hanggang balikat.

Kayumanggi parin ang kulay ng balat.

Wow, para namang napapalitan ang kulay ng balat. HAHAHA.

Pinkish ang lips at saka mapuputi parin talaga kanyang mga ngipin. Katamtaman ang kakapalan ng kilay na ngayon ay inayusan na.

Di ko rin talaga maintindihan itong mga babae minsan.

Bakit pa nila kukunan ang mga kilay nila kong dra-drawingan lang rin naman pala pagkatapos?

Jusko talaga.

Mahahaba parin ang kanyang mga pilikmata na pinarisan parin ng maypaka malaki na mata.

Pero yun nga, unano parin ang ilong.

Hindi naman kasi talaga flat, hindi lang matangos.

"Same, mostly nasa bahay ako. Pero nag o-online selling ako sa bakasyon kaya mas mayaman ako kaysa sa inyo as of now, kung sariling pera ang pagbabasehan." Kwento naman ni Zaniya.

Itong Zaniya na ito, napaka bussiness minded talaga. Di mapakali kung walang maibenta.

So yun, parang magkambal parin silang dalawa ni Carina.

Pareho lang sila ng buhok ni Carina, hanggang balikat at pareho ring shiny at malambot tignan. Pareho rin ang kapal ng kilay na ginuhitan din.

Isa rin ito eh.

Tapos magkahawig parin sa haba ng pilik mata.

Kaibahan lang talaga nitong ni Zaniya kay Carina ay ang mata at ang ilong nito.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon