KABANATA 10.1 (OLD)

668 73 24
                                    

Feel free to message me kapag nakakita kayo ng typos sa kabanata na ito.

Enjoy reading!

--------------------

Paglabas namin ni Mark, nakita ko na nag-uusap sila Uncle Joseph at Tito Bert sa tabi ng makintab at sopistikadong sasakyan ng nauna.

Si Tito Bert ay isa sa mga tauhan na nandidito sa bahay nila Mark. Ang kanyang gampanin ay ang pagiging driver.

Maypagka average ang tangkad ni Tito, aabot siguro sa 5.6', subalit di hamak na mas matangkad parin si Uncle.

Kaya naman habang nag uusap sila ni Uncle ay napapatingala siya talaga ng konti. Aabot kasi ata ng 6' ang tangkad ni Uncle.

Naka uniporme rin siya, pero hindi katulad nila nanay. Dahil ang kanya ay light grey na polo na pinarisan ng itim na slacks at itim na tictac na sapatos.

Sa tikas ng kanyang pangangatawan ay hindi mo aakalainin na 33 na pala siya. Malinis kasi sa katawan si Tito Bert, dahil yun rin ang isa sa mga requirements upang maka pagtrabaho ka sa bahay na ito.

Bawal uminom ng alak, depende nalang kapag may pagsasalo salo na kung saan casual lang ang lahat at walang mga bisita na kailangang pasilbihan.

Bawal rin magdala ng mga babae. Kapag gusto daw nilang gawin ang mga bagay na sila lang ang nakakaalam ay huwag raw sa bahay na ito.

Ano ba kasi ang bagay na gagawin nila na dapat sila lang ang nakakaalam?

Hindi rin pwede ang manigarilyo at higit sa lahat hindi dapat gumagamit ng mga ipinagbabawal na mga gamot.

Hindi naman daw sila nababagot rito kapag naka stand by lang, kasi may mini gym daw dito sa bahay nila Mark. Hindi ko nga lang napuntahan at nakita, kasi hindi naman ako interesado.

May pagka maputi din si Tito Bert at dahil sa pag g gym ay naging mahulma ang katawan.

Nakikita kasi sa well toned na braso niyang naka labas sa polo. At kapansin pansin rin ang hulma ng kanyang dibdib kahit na suot niya ang polo niya.

Habang naglalakad kami patungo sa kanilang dalawa, ay bigla nalang sumulpot sa aking harapan ang bag ko.

Di ko namalayan na kinuha pala ni Mark iyon galing sa sala.

Bakit ko ito nakalimutan?

Kinuha ko iyon galing sa kanya at nakangiting nagpasalamat.

Pagdating namin sa pwesto nila Uncle ay tumigil na sila sa pag uusap at pumasok na si Uncle sa kotse.

Habang si Tito Bert naman ay pinagbuksan kami ni Mark ng pinto ng kotse.

"Pasok na kayo mga bata." Naka ngiti niyang sabi sa amin.

Unang pumasok sa kotse si Mark. Bago ako pumasok ay hinarap ko muna si Tito Bert.

"Maraming salamat po Tito." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya.

"Walang anuman Allen." Tugon niya sa akin.

Kinalas ko muna ang bag na nasa likuran ko upang ilagay ito sa upuan na nasa loob ng kotse.

Pagkatapos kong gawin iyon ay sinubukan ko nang pumasok.

Inalahad ni Mark ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman iyon agad.

Pagpasok ko sa kotse ay saka maingat na isinara ni Tito ang pinto.

"Bye bye po Tito Bert." Nakangiting kaway ko sa kanya. Hindi pa kasi naka sarado ang mga bintana.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon