KABANATA 9.1 (OLD)

766 96 61
                                    

Feel free to message me through Twitter and Facebook if may nakita kayong typos dito.

Links on my social media accounts are in my profile.

May important announcement sa dulo, please read it.

-----

Pag dating namin sa basketball court na nasa likod ng bahay nila, ay agad akong dumiritso sa bench na naka pwesto sa gilid.

"Oh, kala ko ba tutulungan mo ako?" Tanong niya sa akin habang dini dribble ang bola ng walang kahirap hirap.

"Mark, pano naman kita tutulungan? Eh kahit pag dribble nga ng bola hindi ako marunong." Sabi ko sa kanya.

"Hmm, nanonood kaba ng mga laro na basketball sa TV?" Tanong niya sa akin at yumuko ng konti tsaka salitang pina pasapasa ang bola sa kanyang dalawang kamay, habang pinapa daan ito sa gitna ng kanyang mga binti.

"Hindi, hindi kasi ako interesado sa mga palabas na basketball. Kaya kapag basketball na ang palabas sa TV ng kapitbahay namin, noong nasa lumang bahay pa kami ni Nanay ay umaalis na lang ako." Pagsasabi ko ng totoo sa kanya.

"Alam mo ba kung papaano mag shoot ng bola?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko pa nasusubukan eh." Nahihiya kong sagot.

"Try mo kaya, baka may hidden talent ka sa pag ba basketball." Pa anyaya niya sa akin. Tsaka hinawakan ang bola gamit ang dalawang kamay niya at inilahad ito sa akin.

Tumayo naman ako sa bench at naglakad palapit kung saan siya nakatayo. Pag dating ko sa pwesto niya ay kinuha ko ang bola galing sa kanya.

Ganito pala ang pakiramdan ng bola sa kamay?

Ito pa kasi ang unang pagkakataon na humawak ako ng bola ng basketball.

May pagka magaspang ito na guma? Tapos may kabigatan rin para sa akin.

Pinakiramdaman ko na muna ang bola, bago ko ito dinakdak sa semento gamit ang dalawa kong kamay.

Ang taas naman yata ng ring.

Kahit na di ako sigurado sa gagawin ko ay sinubukan ko paring i shoot ang bola.

Ay, hehe.

Narinig ko nalang ang tawa ni Mark sa gilid ko nung makita niyang hindi man lang umabot sa gitna ng ere ang bola na ini shoot ko.

"Wag ka ngang tumawa. Ang taas taas kaya ng ring." Naiinis na may halong hiya kong pagpapatigil sa kanyang pagtawa.

"Kung nakita mo lang sana kung ano itsura mo habang ini shoot ang bola. HAHAHAHA" Tumatawa niyang sabi sa akin habang hinahabol ang bola na gumulong papalayo sa amin.

"Tignan mo ako nang makita mo kung papaano mag shoot ng maayos." Sabi niya sa akin ng maka balik na siya sa pwesto namin.

Dinakdak niya ang bola ng walang kahirap hirap gamit ang isang kamay lamang.

Ano bayan, pano niya nagagawa yan?

"Oh ito na, panoorin mo ng mabuti." Sabi niya at pagkatapos ay swabeng ini shoot ang bola sa ring.

Wow

Ang galing naman niya. Saktong sakto talaga sa ring pumasok ang bola, "ringless" daw ang tawag dun.

"Galing ng pagkaka shoot mo dun anak ha." Biglang sabi ng isang lalaki gamit ang kanyang barotinong boses.

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Ang Tatay pala ni Mark.

Hindi ko man lang napansin na naka rating na pala ang Tatay niya sa court.

"Oo naman dad, ako pa." Mapagmataas na tugon ni Mark sa puri ng Tatay niya.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon