KABANATA 27

428 52 9
                                    

THE ANTAGONIST

TRILOGY 1

Written by: Cxhase

•••

KABANATA 27

•••

"Ano yun, Mark?" Agad na tanong ni Allen sa lalaking nangahas na humalik sa kanya.

Kumukulo ang kanyang dugo, malakas ang tibok ng kanyang puso.

Galit? Pagkabigla? Pagkatakot? Hindi alam ni Allen kung ano ang nararamdaman, ngayon ay alam na ng kanyang ama ang sekswalidad niya. Worse, nalaman pa nito sa hindi kaaya-ayang paraan.

Hinding hindi makakalimutan ni Allen kung anong klaseng reaksyon ang puminta sa mukha ng tatay niya nang makita nito silang dalawa ni Mark na naghahalikan. Kahit na sandali lang lumabas ang ganung emosyon sa mukha nito ay nahagip pa rin iyon ng mga mata ni Allen.

Disgust. Disgusto.

"Diba pinatawad mo na ako?" Tanong nito pabalik sa kanya.

Tapos dumagdag pa itong si Mark.

"Oo, pinatawad kita. Pero hindi ko sinabing halikan mo ako." Kunot noong tugon ni Allen sa kahibangan nito.

"Please, lumabas ka na lang, Mark." Pagsusumamo niya rito matapos huminga ng malalim. Kailangan niyang kumalma.

"Per El, gusto kong bumalik tayo sa dati." Pang-iinsist nito sa kanya.

"Anong dating tayo Mark? Walang dati at walang tayo, diba?" Singhal niya rito.

Alam ni Allen kung ano ang ibig sabihin nito sa salitang 'dati' na ginagamit nito.

Ayaw na niyang pa bumalik sa dati nilang kahalayan, ayaw na niyang magpagamit rito. Matagal na siyang tapos sa laro nito, dahil alam niyang kahit babalik-baliktarin pa ang mundo, siya parin ang talo.

Sa katunayan, kanina pa hindi mapakali ang kamay ni Allen. Simula nung sinabi ng kasama niyang gusto nitong bumalik sila sa dating ginagawa nila. Nangangati ang palad niya, gustong tumama sa isang mukha, sa mukha ng lalaking kaharap niya.

"Please, umuwi ka na, Mark. Please." Muling hiling niya rito.

"Pero El—"

"UMUWI KANA!" Bulyaw ni Allen habang nakaturo sa pinto.

Pareho silang nagulat at natigilan dahil sa inakto ni Allen. Ni isang beses ay hindi nagawang magtaas ng boses kay Mark. Ngayon lang, ngayon lang na sinagad na talaga nito ang kanyang pasensya.

"Sorry." Mabilis na paghingi ng tawad ni Allen kay Mark dahil sa nagawa niyang pagsigaw.

"Please, umuwi ka na, Mark. May problema pa akong dapat kong harapin at hindi ko iyon magagawa kapag nandito ka." Kalmado niyang wika.

"Kung iyan ang gusto mo, El." Malungkot na sumang-ayon ito na nagpahinga ng maluwag kay Allen.

"Salamat sa bisita, paki sarado na lang ng pinto paglabas mo. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Tipid ngiti niyang sabi rito saka pumasok sa banyo na nakakonekta lang sa kanyang kwarto.

Napa buntong hininga si Allen habang pinagmamasdan ang kanyang mukha sa salamin na nasa itaas ng sink. Nanghilamos na muna siya ng mukha para naman maibsan ang pamumula nito.

Malungkot na napangiti si Allen nang binati siya ng katahimikan paglabas niya sa banyo.

'This is for the best.'

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon