KABANATA 4

566 21 0
                                    

THE ANTAGONIST

ANTAGONIST TRILOGY 1

Written by: Cxhase

***

KABANATA 4

***

     'Does he really think I did not notice him?'

    Maalam na pagkakasabi ni Allen sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang malapad na likod ng ikalabing-apat na lalaking sinubukang lapitan siya.

    Kanina niya pa nahagip sa kanyang peripheral view ang isang lalaking tahimik na nagmamasid sa kanya mula sa isang sulok ng club.

    Naghintay muna si Allen sa kung ano ang gagawin nito kaya nagkunwari siya na hindi niya ito napansin.

    Yun sana ang plano niya.

    Pero, wala itong ginawa na kahit ano. Halos mag iisang oras na itong nakamasid sa kanya mula sa kinauupuan nito sa tabi ng pader, sa ilalim ng isang dim na ilaw.

    Hindi ito lumapit sa kanya, hindi rin nito sinubukang kunin ang atensyon niya.

    Ngunit, lingid sa kaalaman ng lalaki, kanina pa naka sentro ang atensyon ni Allen sa kanya.

    'What's your deal?' Nalilitong tanong ni Allen sa sarili.

    Huminga muna si Allen ng malalim, nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin.

    Nang makapag-desisyon, saka niya isahang tinungga ang nalalabi pang laman ng kanyang inumin.

    "Vince, I think nobody's worthy will be coming towards me tonight. So, I'll look for the worthy one." Pagpapaalam niya sa kaibigan na kaagad naman nitong naintindihan.

    Bago paman tumayo si Allen mula sa kanyang kinauupuan ay nilingon niya muna ang direksyon ng lalaking kanyang pinagpaplanuhan.

    Sa kauna-unahang pagkakataon, tinignan niya ng lantaran ang lalaking kanina pa siya pinagmamasdan.

    Agad na kumonekta ang mga mata nila sa bawat isa dahil nakatingin na ito sa kanya.

    'Caught.' Panalong usal ni Allen sa sarili nang makita niya ang pagkakasurpresa nito.

    Binigyan niya ang lalaki ng isang malalim na tingin, hindi rin natinag ang lalaki, dahil nakipagtitigan rin ito sa kanya mula sa malayo.

    Gamit ang isang smirk, ay pinutol ni Allen ang tinginan nalang dalawa. Saka tumayo mula sa stool na kinauupuan at naglakad patungong dance floor.

    'Get the message.'

    It's not a request, but a command coming from a Queen.

    Pagdating ni Allen sa dance floor, ay tumungo siya sa gitna ng karagatan ng mga tao.

    Habang naglalakbay, ay hindi niya maiwasang makita ang ilang mga taong senswal na sumasayaw, may ilan ring naghihipuan, ang iba naman ay nag hahalikan habang sumasayaw, at may iba rin na parang nag se-sex na yata sa dance floor.

    Pero hindi niya sila pinakialaman at nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad. Hindi sila ang pakay niya roon.

    Medyo mainit-init ang katawan ni Allen dahil sa ininum niya kanina at mas nagustuhan niya ang ganung estado ng sariling katawan.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon