KABANATA 22

439 50 37
                                    

THE ANTAGONIST
TRILOGY 1
Written by: Cxhase

•••

KABANATA 22

•••

“Ang cute naman ng baby na iyon.” Bulong ni Allen sa kanyang sarili habang taimtim na nakamasid sa mga bagong silang na mga sanggol na nakalagay sa nakahilerang mga incubators.

Mula sa labas ng kwarto, sa kanyang kinatatayuan, nakadungaw siya sa isang malaking transparent na salamin. Nasa anim na mga sanggol ang nasa loob ng kwarto at magaan siyang napapangiti kapag nakikita niya ang stable na heart-rate ng mga baby sa monitor na nasa tabi ng kani kanilang mga incubators.

Hindi niya alam kung bakit siya masyadong nawiwili sa mga ito. Ang alam lang ni Allen ay gusto niyang tumambay siya rito kada alas sais ng umaga simula nung unang araw ng exposure nila, kung saan nadaanan lang nila ang kwartong ito.

“Are the new born babies mesmerizing?” Narinig niyang tanong ng isang malalim na boses.

“Yeah, I just find them so cute and adorable.” Nakangiting tugon ni Allen habang nakatingin sa mga incubators sa loob ng kwarto.

“Look! Look! That baby is moving its limbs.” Na eexcite na sabi ni Allen habang nakaturo sa batang nasa ikalawang incubator galing sa kaliwa.

Nagulat si Allen sa itsura ng lalaking nasa tabi niya ng tingnan niya ito. Ang tangkad kasi ng lalaki. Natatawa siya sarili ng tanging malaking braso lang nito ang kanyang nakita nung lumingon siya at kailan pa niyang tumingala ng konti upang masilayan ang mukha nitong nakatingin rin pabalik sa kanya.

“Uhm… Good morning, Dok.” Medyo nahihiyang bati niya rito. Akala niya talaga nung una na nurse ang tumabi sa kanya ngayon, gaya ng kahapon, kaya naging kampante siya.

“Good morning Mr… Gun?” Medyo patanong ito, kasi hindi niya masyadong maaninag ang ID na nakasabit sa leeg ni Allen, dahil natabunan ang kabuuan nito ng kanyang kamay na nakahawak sa glass window ng kwarto.

“Allen Guzman po, Dok…” Walang ID na nakita si Allen sa suot na kulay blue na scrub ng doktor, kaya hindi niya alam kung ano ang pagkakakilanlan nito. Ngunit isa lang ang maliwanag sa kanya, may kaugnayan ito kay Doctor Timothy.

Tangkad, kulay ng buhok at kutis, porma mukha, at build ng katawan, may pagka malapit talaga sa nakilalang doktor ni Allen nung unang araw nila rito sa iCare Hospital.

“I’m Peter. Doctor Peter Evans.” Pagpapakilala nito sa sarili saka naglahad ng kamay.

“Pleasure to make your acquaintance Mr. Allen Guzman.” Nakangiting saad ng doktor ng tinanggap ni Allen ang malaking kamay nito.

“Likewise po, Dok.” Ngiti pabalik ni Allen habang nakikipag kamay sa doktor na sumasakop sa buong palad niya. Mainit ang kamay nito, hindi kagaya ng kay Allen.

Dahil sa comfort na binibigay ng kamay ng lalaki ay para bang ayaw na ni Allen na bumitaw sa kamay nito, hindi niya maipaliwanag kung bakit nararamdaman niyang parang safe siya nung magkahawak ang mga kamay nila.

Natapos rin ang kanilang hand shake at sa hindi maipaliwanag na dahilan at napatingin si Allen sa kanyang kamay na nahawakan ng Doktor. Para bang may nagtutulak kay Allen na mas makipag physical contact sa doktor.

Nang tingnan ulit ni Allen ang mukha ng lalaking kaharap na niya ngayon ay nakita niya sa mga mata nito na nakatingin rin sa kanya ang pagiging puzzled. May gusto pa sanang sabihin si Allen rito ngunit hindi niya nagawa dahil tumunog na ang kanyang cellphone.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon