KABANATA 1

2.4K 82 1
                                    

THE ANTAGONIST

ANTAGONIST TRILOGY 1

Written by: Cxhase

***

KABANATA 1

***

     Hindi sa pagiging loner. May mga panahon lang talaga na kailangang mapag-isa. Lalong lalo na kung pagkain na ang pinag-uusapan.

     Tahimik at masayang nakaupo si Allen sa isang silyang pang-isahan na naka pwesto sa pinakasulok, katabi ng napakalaking see-through na bintana, sa isang Café.

     Nakakiling ang kanyang upuan, 110◦, para mas madali para sa kanya na pagmasdan ang mga taong dumaraan sa kanyang harapan, sa malawak na sementadong daanan sa labas.

     Wala siyang kilala sa mga taong nakikitang dumaraan at alam niyang ganun rin ang mga ito sa kanya.

     Kaya naman parang wala lang na hinawakan ni Allen gamit ang mga kamay ang kanina pang naghihintay na pagkain sa kanyang harapan.

     'Ecstasy!'

     'I'm in pure ecstasy.'

     Mga katagang nabuo sa kanyang isipan habang nakapikit at taimtim na nginunguya ang paboritong donut na para bang wala nang bukas.

     Wala na siyang pakialam pa kung may makakita sa kanyang mukha, partikular sa kanyang mga pisngi, na nadudungisan ng confectioner's sugar.

     Makalipas ang ilang minuto ay nagulat na lang si Allen ng mapagtantong huling donut na pala ang hinahawakan niya sa kasalukuyan.

     'That was fast.'

     Agad niya itong ibinalik sa platito at pinigilan ang sarili na huwag muna itong lantakan. Hindi sapat ang tatlo para makuntento siya para sa araw na ito.

     "Waiter!" Pangunguha niya ng atensyon sa isang Café staff na napansin niyang dumaan malapit sa kanya.

     Mabilis naman na napalingon ang staff sa dako niya. Nang makumpirmang siya ang tumawag rito ay saka lamang ito naglakad papalapit sa kanyang kinauupuan.

     Matangkad, napakatangkad ng lalaki. Sa tingin ni Allen aabot ang height nito hanggang ng 6 feet. Kaya naman, labis siyang napatingala para lang masilayan ang mukha nitong nakayuko patingin sa kanya.

     "Yes, Ma'am?" Magalang na tanong nito sa kanya habang suot ang isang maliwanag na ngiti.

     Napangiti rin si Allen pabalik at hindi niya naiwasang pagmasdan ang gwapo at preskong itsura ng lalaking waiter.

     Isa itong tipikal na Amerikano. Maputi, matangkad, at kulay dirty blonde ang buhok.

     Naka clean haircut ito, faded galing sa gilid ng noo, at naka brushback ang kaunting buhok sa gitnang parte ng ulo. Tamang tama ang dating, malinis at presentable.

     Suot nito ay isang puting polo shirt at itim na slacks bilang pang-ibaba. May itim na half-body apron rin na nakatali sa bewang nito na talagang kapantay lang ng mukha ni Allen.

     Dahil sa lapit ng distansya nito galing sa kanya ay isang maling galaw lang na gawin nito at tuluyan nang mararamdaman ni Allen ang malaking bagay na kinukubli ng mga telang suot nito.

     Tipikal rin ito na gym guy base sa porma at kakisigang taglay. Kapansin pansin rin ang pagiging maumbok ng dibdib nito, saka may kalakihan rin ang mga braso. Kaya naman hapit na hapit ng suot nitong damit pang-itaas ang torso nitong maskulado.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon