KABANATA 5

559 21 1
                                    

THE ANTAGONIST
ANTAGONIST TRILOGY 1
Written by: Cxhase

***

KABANATA 5

***

'Whaa, I miss halo-halo!'

Nakapikit na wika ni Allen habang masayang sumusubo ng de gatas na yelo na may kasamang maliit na hiwa ng saging at leche flan.

'Halo-halo lang? Ako ba, hindi mo ako na-miss?'

Mabilis na nalunok ni Allen ang nasa kanyang bibig na matamis na pagkain nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.

Mabilis na binuksan ni Allen ang kanyang mga mata at nakita na nasa isang Pilipinong pagkainan pala siya, nakaupo sa isang kahoy na silya kaharap ng isang maliit na lamesang may floormat bilang pang-cover.

Agad niyang nailagay sa lamesa ang isang tall glass ng premium na halo-halo na kasalukuyang bitbit at sinubukang lingunin ang boses sa kanyang kaliwa.

Ngunit, bago pa man makita ni Allen ang mukha ng lalaking nagtanong sa kanya ay ninakaw ng gumagalaw niyang cellphone ang buong atensyon niya.

'What the-'

Hindi niya makapaniwalang reaksyon dahil sa lumulundag at gumagalaw ang kanyang cellphone habang nakalatag ito sa parehong lamesa na pinaglagyan ng halo-halo niya.

Habang gumagalaw ito na para bang may gustong kumawala mula sa loob nito ay nagpapalabas ito ng napakalakas na ingay ng notification sound galing sa isang application.

'OH MY GOD!'

Mabilis na naalimpungtan si Allen mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog nang sumabog ang cellphone niya sa kanyang panaginip.

Agad niyang nilingon ang cellphone niya sa nightstand na nasa tabi lang ng kanyang kama at gaya sa kanyang panaginip ay patuloy itong nag-iingay.

Sunod sunod ang mga notifications na nagsisidatingan na naging dahilan sa mala gyera nitong pagtunog.

Napahikab si Allen nang isang beses dahil sa antok.

Nang kunin niya ang kanyang telepono mula sa nightstand ay nakita niya na alas dose pa ng June 28.

"How could I forget?" Natauhan niyang turan sa sarili habang binubuksan ang isang application na nangbobomba ng kanyang notification.

June 28 sa America pero June 29 na sa Pilipinas.

Hindi na kataka-taka kung bakit parang baha na nagsisidatingan ang mga greetings para sa kaarawan niya.

Napakamot nalang ng ulo si Allen, dahil isang trabaho at responsibilidad na makipag-plastikan at magbigay pasasalamat sa mga pagbati na ini-post ng mga friends niya na nasa Pilipinas sa kanyang wall.

'If only I could deactivate.'

Ginugol ni Allen ang mahigit dalawang oras sa pag re-reply at pag co-coment ng pasasalamat sa mga post ng pagbati.

Kasama na rin doon ang pagsagot sa iilang mga katanungang tulad ng "ilang taon na siya, kumusta na siya" mga tipikal na tanong kapag may kaarawan.

'I wish there's an auto reply feature here.'

Agad niyang pinatay ang Wi-fi ng kanyang cellphone matapos niyang sagutan ang mga naunang mga pagbati dahil ayaw na niyang mabulabog na naman ang kanyang pagtulog dahil sa mga notifications.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon