KABANATA 28

470 54 18
                                    

THE ANTAGONIST
TRILOGY 1
Written by: Cxhase

•••

KABANATA 28

•••

"Te-teka lang..." Nahihirapang ani ni Allen nang walang pasabi siyang dinakip ng dalawang babae at nilagyan ng tali ang kanyang mga kamay.


"Para sa booth lang po naming." Nakangiting ani ng isang sa dalawang babae na dumakip sa kanya.

Medyo namumukhaan ni Allen ang dalawang babae dahil ka batch niya ito. Yung isang kulay itim ang buhok ang nakahawak sa kanyang nakataling kamay habang nakasunod siya rito. Ang isa naman ay medyo brown ang buhok, ito naman ay nakapwesto sa kanyang likod na para bang sinisigurado nitong hindi makakatakas si Allen sa kanila.
Kabilang ito sa TVL Track student ng University nila, hindi lang siya sigurado kung saan sa mga strands dun.

"Kailangan niyo ba talagang igapos ang mga kamay ko?" Tanong niya sa mga ito habang naglalakad sila patungo sa kung saan hindi niya alam saan.

"Oo, pasensya na. Parte kasi siya sa gimmick." Natatawang tugon naman ng is ana nasa kanyang likod.
"Tungkol saan pala yung booth niyo?" Tanong niya sa mga ito.

"Malalaman mo rin pag nakarating na tayo roon." Simpleng tugon ng babaeng nasa likod ni Allen.

"Pikit ka muna, Allen. Lagyan ko lang ng blindfold ang mata mo." Nakangiting ani ng babaeng nasa kanyang harapan habang hawak ang tela na itatabon nito sa kanyang mukha.

Napa buntong hininga na lang si Allen dahil alam niyang wala na siyang kawala mula sa dalawa. Kaya nagpatianod na lang siya sa gusto ng mga ito.

Ilang sandal pa ay binalot ng kadiliman ang paningin ni Allen at saka niya naramdaman na ipinatong ng babae ang telang hawak sa kanyang mata.

"Done. Kumapit ka lang sa amin, malapit na tayo sa booth." Malambing na saad ng nasa kanyang likuran na hinawakan naman ang kanyang magkabilang balakang upang hindi siya ma out of balance.

Hindi na nagsalita pa si Allen at sumunod na lang sa dalawang babae.
Nakaramdam ng maliit na pangamba si Allen nang bitawan siya ng dalawang babae at iniwan sa isang sulok nang makarating sila sa isang silid.

"Ano?" Malayo ngunit rinig ni Allen na anong ng isang babaeng kasama niya. May kausap ito, siguro mga classmates niya.

"Puno na ang mga spaces para sa lalaki, Chris." Dinig niyang tugon ng isang babae na hindi niya kilala.

"Papaano si Allen?" Agad naming tanong ng isa pang babae na dumala kay Allen sa booth nila.

Sumagot naman ang kausap nila ngunit hindi naaninag ni Allen dahil medyo maingay sa banda niya.

"No, nandito na siya." Matigas na sabi ng pinangalanang Chris.

"Pwede naman sigurong sa spaces para sa mga babae siya ilagay diba? Wala naming makakakita dahil sarado yun." Suhesyon ng kasama ni Chris.

'Ha?'

"Magandang ideya, Ky." Natutuwang tugon ni Chris sa kasamang babae na kumuha kay Allen, si Ky.

Mabilis naman silang nanahimik at agad na naramdaman ni Allen ang muling pagbabalik ng mga babaeng kumidnap sa kanya.

"Pasensya ka na kung nawala kami saglit. May pinag-usapan lang." Paghingi ng paumanhin ni Ky sa kanya.

"Okay lang." Simple niyang tugon.

'Narinig ko naman most.'

Hindi na nagtagal pa ay muling pinalakad nila Chris at Ky si Allen habang naka support ito sa kanya. Mabagal lang ang paglalakad nila, sinisigurado ng dalawa na hindi mapapaano si Allen.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon