SULAT PARA SA MGA MAMBABASA

647 74 30
                                    

Dear Chasers,

May sasabihin po sana akong kwento, sana basahin niyo.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

May isang batang ibon ang ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang matutong lumipad. Lumipad sa himpapawid kasama ang mga malalaking ibon na kanyang tinitingala.

Ngunit isang araw, habang ang batang ibon ay nag eensayong lumipad. Bigla nalang niyang nasaksihan gamit ang kanyang dalawang murang mata ang pag bagsak, ang pag dapo sa isang sanga ng isa niyang ini idolo upang magpahinga.

Mahirap raw lumipad, marami daw gustong humila sa kanya paibaba at napagod na daw siya kakalipad.

Hindi daw kawalan ang hindi niya paglipad, dahil wala sa himpapawid ang pagkaing kinakailangan niya.

Nanlumo ang batang ibon sa kanyang narinig, sa kanyang nasaksihan.

Nasaktan siya, dahil ang pangarap niyang makalipad sa tabi ng ini idolo niya ay nag lalaho na. Nagiging malabo na.

Tumangis ang batang ibon dahil sa prustasyong nararamdaman niya. Kahit hindi man sila kadugo, kahit hindi man sila personal na magkakilala ng ini idolo niya ay napaka sakit parin para sa kanya.

Masakit, dahil ang isa sa mga nag tulak sa kanya upang mag pursiging aralin ang pag lipad ay hindi na sigurado kung lilipad pa ba.

Pero kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang intindihin at irespeto ang naging pasya ng kanyang idolo.

Naisipan niyang dapat niyang ipagpatuloy ang kanyang ginagawang pag aaral. Gawing inspirasyon ang nangyari upang mas maging malakas at matatag na ibong lumilipad sa hinaharap. Kailangan niyang ipakita sa kanyang ini idolo at iparamdam dito kung ano ang saya sa paglipad.

Balang araw aking ini idolo, makikita mo ang aking matayog na pag lipad. Balang araw ay maiisip mo rin na dapat ka ring lumipad. Dapat mo ring gamitin ang mga pakpak, mga napakagandang pakpak upang lumipad.

Lumipad sa himpapawid na kung saan titingalain ka ng lahat. Na kung saan ikaw ay muling mag bibigay ng inspirasyon para sa ibang batang ibong gaya ko na kailangan rin nilang lumipad.

Wakas.



---

Please consider the feelings of our valuable authors. They don't have all the time in the world.

Ako po ay nanlulumo ngayon dahil nasaksihan ko ang pamamahinga ng isang taong ini idolo ko.

Para sa nga toxic na mambabasa, please tumigil na po kayong manghila paibaba.

Hindi lang ang mga manunulat ang na aapektohan sa ginagawa ninyo, hindi lang ang mga mambabasa nila, dahil pati narin ang mga taong ginawa silang inspirasyon upang sumulat rin gaya nila.

Para sa mga hindi nababasa ang sulat na ito, sana ay bigyan kayo ng blessing ng Diyos upang maisip niyo rin ang kapakanan ng ating mga manunulat.

Para sa mga nakakabasa nito ngayon, nagmamaka-awa po ako sa inyo na bigyan niyo ng validation at consideration ang mga nararamdaman ng mga manunulat natin.

Para sa mga makakabasa pa ng sulat na ito, sana ay mabasa niyo ito.

Maging ligtas nawa ang lahat galing sa mga kapahamakang dala ng mga masasamang tao at sa sakit na pumapatay ng maraming tao ngayon.

Nagmamahal,
Cxhase

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon