KABANATA 11

655 72 19
                                    

Jusko!

Yan lang ang masasabi ko sa aking sarili. Matapos kung basahin ng ikatlong ulit ang listahan ng mga pangalan ng mga estudyanteng nabibilang sa Grade 12 Star.

Ang Star ay ang pangalan ng lahat ng unang seksyon sa skwelahan na ito.

Binasa ko ang listahan para sa Grade 12 Stone, at tama nga ang hinala ko.

Sa nagdaang labing isang taon kong pagiging studyante rito ay ngayon lang ako nawala sa unang seksyon ng paaralan na ito.

"Bakit nandyan ka pa El? Halika na, baka malate pa tayo." Sabi ni Mark habang papalapit sa siya akin.

Sa nagdaang labing isang taon ay marami na talaga ang nagbago sa kanya, lalo na sa pangangatawan niya.

Nung una ay tangkad at kagwapohan lang ang meron siya, ngayon ay malaman na rin ang katawan niya. Ang kanyang maumbok na dibdib at mahulmang braso ay nang aagaw pansin kapag sinusuot niya ang uniporme ng skwelahan na ito.

Fit kasi sa kanya ang uniporme kaya mapapansin mo talaga ang pagiging matipuno ng pangangatawan niya kahit may saplot pa siya.

Masarap, ganun.

Mas matanggad talaga siya sa akin, kaya palagi akong napapatingala sa kanya kapag magkalapit kaming nag-usap. 5.6' lang kasi ako, habang siya ay aabot ata sa 5.10'.

Ang kanyang facial features ay naging mas gwapo pa talaga, dahil nahugis na ang kanyang jawline. Isang panibagong feature na dumagdag sa napaka gwapo na niyang mukha. Makapal na kilay, mahahabang pilik mata, nangungusap na mga mata, matangos na ilong, at pinakahuli ay ang kanyang makapal na labi na hugis puso.

Gwapo, gwapong gwapo talaga.

Madami rin talaga ang nagkaka crush sa kanya. Mapababae man o binabae. Pero sa mga nag confess sa kanya ay ni isang walang naging nobya niya.

Confident kasi ako na sasabihin nito sa akin kung sakali mang may matitipuhan siya. Pero wala naman siyang sinabi pa, kaya nag conclude ako na wala pa siyang naging jowa.

Nauna ako sa kanya rito dahil ipinarada niya pa ang kotseng natanggap niya nung ika 18th birthday niya. Isang magarang kulay asul na kotseng galing sa kanila Uncle at Auntie.

Di ko alam kung ano ang pangalan ng kotse, kasi hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga ganoon.

"Ike. Hindi tayo magka-klase sa taon na ito." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ano! Teka lang, paano nangyari yun?" Bakas sa kanyang mukha ang pagkasurpresa at pagkalito dahil sa sinabi ko.

"Baka nagkamali ka lang sa pagbabasa at nalampasan ang pangalan mo sa listahan. May pagka careless ka pa raba." Dagdag niyang sabi at pumalit sa pwesto ko na nasa harapan ng bulletin board.

Seryoso niyang sinuri ang listahan at nagulat nang hindi niya nabasa ang pangalan ko.

"Hindi, hindi to maaari." Hindi niya makapaniwalang sabi sa sarili.

Binasa niya ulit ang listahan ng dalawang beses pero bigo talaga siyang mahanap ang pangalan ko sa listahan.

"Ike, okay lang. Tara pumunta na tayo sa mga silid natin. Baka malate pa tayo, unang araw pa naman ngayon." Kinuha ko ang kamay niya upang hilain sana siya papalayo sa bulletin board.

Ngunit gumamit siya ng lakas upang magmatigas at nanatiling nakatayo sa harap ng board.

"El, anong okay lang? Bakit ka nila ilalagay sa Stone? Wala silang rason upang ilagay ka nila ron." Naiinis niyang turan.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon