KABANATA 17.1

435 51 18
                                    

Mahina akong napakagat sa aking ibabang labi habang nakakunot ang aking noo. Malakas na kumabog ang aking dibdib habang pinapalin palin ko ang tingin sa dalawang lalaking malapit sa puso ko na diretsong nakatingin sa akin.

Nakakabingi ang katahimikan sa buong silid, dahil ang lahat ay naghihintay sa pangalang babanggitin ng medyo nanginginig na labi ko.

Pasensya na.

--

Lumipas na parang isang kislap ng mata ang dalawang araw at sa loob ng dalawang araw na ay dinadala ko pa rin ang bigat sa pakiramdam na natamo ko, dahil sa desisyong ginawa ko sa araw ng selection. Pero, kung bibigyan ako ng isang pagkakataon na bumalik sa araw na Lunes, sa sandaling pipili pa ako ay hindi ko pa rin babaguhin ang pasyang ginawa ko.

Oo nanlamig si Carlos sa akin pagkatapos ng event na iyon. Kahit na sabihin niya sa akin na okay lang at nirerespeto niya ang desisyon ko, hindi pa rin maitatago sa mga pilit na ngiti niya sa akin ang pagkadismaya.

Hindi lingid sa aking kaalaman na double purpose ang pagsali ni Carlos at pwede naman siya ang piliin ko, ngunit hindi ko magawa. Tawagin na nila akong mababaw at unfair, pero mas nangibabaw talaga ang nararamdaman ko para kay Ike kaya siya ang napili ko. 

Handa akong panagutan ang desisyong ginawa ko kaya nandito ako ngayon, nakatayo sa harap ni Carlos. Oras na ng uwian pero nandito pa rin kaming dalawa dahil naka iskedyul kami sa paglilinis ng silid sa araw na Miyerkules.

"Carl…" Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Bumuntong hininga muna si Carlos saka niya ako tinugunan. "Okay na ako Nel." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Oo, dismayado ako sa desisyon mo at sa tingin ko alam mo rin naman na normal na iyon… Pasensya ka na kung naging mailap ako sa iyo sa nagdaang araw. Iniiwasan ko lang yung sarili kong magalit… baka masumbatan kita o may masabi akong masama. At ayaw kong magawa iyon sa iyo, kasi alam ko kung bakit siya ang pinili mo at hindi ako." Mahinahong sabi niya sa akin.

"Carl…" Napakagat ako sa labi ko dahil sa narinig ko.

Masyado ba akong halata?

Naramdaman ko ang dahan dahang paglapat ng katawan namin ni Carlos nang ikulong niya ako sa bisig niya.

"Gamitin mo pa rin utak mo Nel ha. Wag puro puso, lalo na at straight ang lalaking tinitibok niyan." Bulong niya sa akin habang hinihimas likod ang aking likod.

Alam na ba nila?

"Sila Arie at Aya, alam na ba nila?" Tanong ko sa kanya habang sinisiksik ko ang aking mukha sa kanto ng kanyang leeg at balikat.

"Sa tingin ko alam na nila." Tugon niya habang inilalayo ang kanyang katawan mula sa akin.

Hindi ako makatingin ng diretso kay Carlos. Ako pa itong may atraso, tapos siya pa itong umiintindi sa akin.

"Wag kang umiyak Nel. Di bagay sa iyo." Pabirong sabi niya sa akin.

"Eh, ikaw kasi…" Parang batang inagawan ng kendi kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang ko ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata.

"Basta support lang ako sa iyo Nel at alam ko na pati rin yung dalawa." Nakangiting sabi niya sa akin.

Dali dali kong niyakap ng mahigpit si Carlos. “Maraming salamat Carl.” Nakangiting sabi ko sa kanya habang mahigpit ko siyang niyayakap.

“Walang anuman… Oh siya maglinis na tayo, gusto ko nang umuwi at may naghihintay pa iyo.” Pag-iiba niya ng topic ng magkalas na kami.

Nakakunot noo ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Ngunit tumuro lang siya sa door bilang tugon kaya lumingon rin ako.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon