KABANATA 19

478 52 33
                                    

"Maraming salamat po Tito Luigi sa paghatid niyo sa akin rito." Nakangiting sabi ko habang nakayuko upang maging kalebel ang bintana ng kotse, sabay kaway kay Tito Luigi.

"Walang anuman Allen." Nakangiting tugon niya sa akin saka niya ako iniwan sa harapan ng mall.

Gwapo rin talaga itong si Tito Luigi lalo na kapag nakangiti. Mabuti nalang at nagkasundo sila sa buhay ni Ate Maria. Sana magtagal ang relasyon nilang dalawa at maging sila na talaga hanggang sa dulo.

‘Sana lahat.’ Hindi ko maiwasang sabihin sa aking isipan.

Sinundan ko lang ng tingin ang kotse na ginamit ni Tito Luigi panghatid sa akin at saka lang ako pumasok sa mall nang makasigurado na akong wala na siya sa paningin. Mabuti ang pagiging maingat.

Alam ko na mali ang pagsisinungaling, pero half-lie lang lang naman iyon dahil may bibilhin rin naman talaga ako. Plano ko sanang bilhin sa Sabado, ngunit ngayon ko na lang bibilhin para may mairason ako upang makapunta rito.

Pumasok ako sa mall, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at dumiretso na agad ako sa school supplies section. Baka dumating pa si Ike, at hindi na ako makapaglaan ng panahon upang bilhin ang nasabing pakay ko rito.

Pagpasok ko sa school supplies section ay hinanap ko agad ang parte kung saan nakahilera ang mga panulat.

Maraming panulat ang nakapatong sa isang rack, iba't ibang kulay, iba't ibang disenyo, at iba't ibang brand. Magaganda ang mga iyon ngunit isang klase ng panulat lang talaga ang binibili ko.

Kumuha ako ng dalawang refill kulay blue at kulay itim na nasa ibabang rack nakalagay, at isang kulay blue na panulat. Di ko alam, nahulog o nawala talaga last day yung kulay blue na panukat ko. Kaya wala na akong ibang choice kundi bumili nalang ulit para may paglagyan naman yung extra na refills ko sa kwarto ko.

Pumunta agad ako sa counter matapos kong makuha ang mga bibilhin ko at sa mabuting palad ay wala pang masyadong tao kasi mag aalas otso pa lang naman ng umaga, kaya wala pang nakapila sa tapat ng counter.

"2 G-tec refill and 1 G-tec pen. 160 pesos all in all, sir." Saad sa aking ng babae na nag scan ng mga binili ko.

Inabot ko ang dalawang daan at nang makuha na niya iyon ay dalawang beses niya itong ininat saka tinapat sa ilaw para ma check kung tunay na bill ba ang ibinigay ko.

Nang makasigurado na authentic iyon ay saka na niya itinipa sa keyboard ng POS (Point of Sale) System na ginagamit niya ang amount na ibinigay ko. Matapos niyang e enter iyon ay inilagay niya sa cash register yung pera na ibinigay ko at may pagka maingay na lumabas galing sa printer ang resibo ng check out.

"Here you go sir." Nakangiting sabi niya sa akin sabay abot ng ang isang paper bag na naglalaman ng mga binili ko.

"Thank you." Nakangiting tugon ko sa kanya.

Nang nakuha ko na ang paper bag ay hindi na ako nagtagal pa sa loob ng school supplies section at pumunta na agad sa tapat ng fountain na malapit lang sa entrance naka pwesto.

Kung sa iniisip niyo na masyado akong magastos para sa panulat lamang, sabihin ko nalang na lagpas sa sampung libo ang presyo ng ibang mga fountain pen ng mga kaklase ko. Yung iba pa nga aabot na sa isang daang libo ang presyo, nakakalula talaga sa mahal.

Habang naglalakad ako patungo sa napagkasunduan namin ni Ike ay napatingin ako sa relo na binigay ni Gio sa akin.

8:16 AM

'Bakit ang tagal ni Ike?' Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko habang solong nakaupo sa isang bench malapit sa fountain.

Mabilis kong kinuha ang cellphone na nasa loob ng aking bulsa nang naramdaman ko ang pag vibrate nito.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon