KABANATA 11.2

535 67 21
                                    

Isang magandang babae?

Hindi.

Isang napakagandang babae ang lumapit sa table na aming pinagkakainan.

"Hi, ako nga pala si Samantha. Pwede ba akong makiupo rito?" Tanong niya gamit ang nakakahalina niyang boses.

Malambot ito at matamis sa pandinig.

Napatulala ang mga kasama ko sa table dahil sa angking ganda ng babaeng nasa harapan namin ngayon, at hindi ako exempted doon.

Naka lugay ang kanyang maitim na maitim na tuwidang buhok na hanggang balikat. At ang kanyang balat ay kasing puti ng balat ko. Kaya makikita talaga ang contrast ng kulay puti ang itim pag tinignan mo siya ng madalian.

Manipis ang kilay niya, naka trim upang malagyan ng make up. Kaya ang resulta ay isang flawless na on flick na kilay. Makintab ang kanyang pilik mata at nakakurba ito paitas. Kaya naman mas naging kapansin pansin ang kanyang kumikinang na mga mata.

Napaka bright and full of life.

May pagka pinkish ang kanyang mga pisngi at dahil sa naka ngiti siya sa amin ay mas naging maubok ito.

Makintab ang kanyang pinkish na labing hugis puso. Nang magtagal ay pinakita niya sa amin ang kanyang pantay pantay at napaka puting mga ngipin.

Nasalo niya ata ang karamihan sa gandang mukha na pinaulan ng langit.

Ang katawan niya ay ang masasabi nating pangrampa.

Mahubog ang kanyang pangangakatawan. Galing sa kanyang proud at may ipaglalaban na hinaharap, sa kanyang curvy na balakang, hanggang sa kanyang malaman at mahahabang legs.

Hindi payat, hindi rin mataba. Just right. Tamang tama para isabak sa mga beauty pageants.

Kung eestimahin ko ang kanyang tanggad ay parang hindi kami nagkakalayo. 5.6' rin ata siya, matangkad na ata para sa isang babae.

Mabuti nalang at madali akong maka rekober galing sa mga shock kaya nasagot ko rin siya pagkalipas ng ilang mga segundo.

"Oo naman, may bakante pa kaming isang upuan rito. Umupo ka." Naka ngiting kong sagot sa kanya habang ginigiya ang kamay patungo sa walang laman na upuan sa tabi ni Carlos.

"Maraming salamat." Matamis niyang tugon at tumabi ng upo kay Carlos.

Habang naglalakad siya ay nakasunod lang ang mga mata ng mga kasama ko sa bawat galaw niya.

"Maraming salamat sa pagmamagandang loob na tanggapin akong maka upo rito sa hapag ninyo. Kanina pa kasi ako naghahanap ng pwedeng maupuan at tanging kayo lang ang merong bakanteng upuan na available." Nakangiti niyang pagpapaliwanag sa amin, sa akin.

Sa akin lang pala kasi hindi niya tinitignan ang ibang kasamahan ko.

Dala siguro ng pagkahiya.

"Walang anuman. May pagkain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Napansin ko kasi na wala pa siyang dalang pagkain.

"Wala pa akong nabili eh. Hindi ko kasi gusto na umorder ako pagkain tapos wala pa pala akong makakainan, kaya sinigurado ko muna na may pwesto ako bago ako bibili ng pagkain. Pupunta lang ako sa counter at bibili ng pagkain. Babalik lang ako saglit. Bye bye." Mahaba niyang sabi at saka dali daling pumunta ng counter.

Kumaway ako sa kanya at nagsabing "Punta ka lang rito pag may pagkain ka na."

"Oo naman." Ngumiti siya sa akin at saka naglakad na papalayo galing sa amin.

"Hoy! Ano ba kayo?" Malakas kong sabi sa mga kasamahan ko ng nakita ko na nasa distansya na siya na hindi na niya maririnig ang mga boses namin.

"Hindi niyo man lang binati ang babae. Asan na hospitality niyo? Naiwan sa bahay?" Naiimbyerna kong sabi sa kanila.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon