Chapter 5

1.1K 43 3
                                    

Chapter 5
Melchora’s POV

Mukhang wala namang balak na ayain ako nito kaya hindi ko siya tinantanan ng tingin, napanguso pa ako nang malamig niya lang akong tinignan.

“Do you want me to drop you off?”tanong niya. Sunod sunod naman ang naging pagtango ko.

“I didn’t brought my car tho.”aniya kaya mas lalo akong napangiti.

“Tara, jeep!”nakangiti kong saad at hinawakan pa ang palapulsuhan niya. Napatitig naman siya roon sandali bago niya ako hinayaan.

“Manong, village sure po!”sambit ko habang hinihila siya papasok. Maya-maya lang ay puno naman na ang jeep, siksikan na. Kung normal na araw ito’y paniguradong iritadong iritado na ako sa mga nakakatabi ko kaya lang ay ang hirap naman mainis kay Atlas na ang bango talaga. Parang hindi bumabaho ang isang ‘to, hindi lang din basta gwapo. Mayroong napapatingin sa gawi naming dalawa ngunit ngumingisi naman ako sa mga babaeng nakatitig sa kanya. Akin ‘to, hanap kayong atlas niyo.

“Ang fresh mo, huh? Anong pabango mo?”tanong ko kay Atlas dahil tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid. Nilingon niya naman ako, sobrang lapit nang mukha namin sa isa’t isa kaya malapad ang naging pagngiti ko sa kanya. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko kaya napanguso na lang ako.

“Uyy, Manong Lary, ikaw pala ‘yan, bagong gupit ahh, gwapings.”nakangisi ko pang saad sa driver. Madalas ko ‘tong masakyan dahil nadadaanan ng ruta niya ang salon.

“Oo, Hija! 10 % discount ka sa akin.”aniya pa ngunit umiling na ako.

“Ayos na po, bigay niyo na lang po sa baby niyo, ingat po sa byahe!”nakangiti kong saad nang pumara na dahil nasa tapat na kami ng village sure.

“Ingat din, Hija!”aniya bago pinaharurot na ang sasakyan. Napatingin naman ako kay Atlas na siyang nakatitig sa akin.

“Bakit? Haggard na ba? Kakaretouch ko lang no’ng dumating ka sa salon ahh?”tanong ko na nilingon ang salamin. Maganda pa rin naman ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang mahigpit na gwardiya pala ang nagbabantay ngayon dito, tapos na pala si Manong Kaloy kaninang umaga. Nagtipa naman ako nang text mula kay Jasmine.

Ako:

Jas! Save me!

Ako:

Nandito ako sa labas ng village niyo, huhu, baka hindi ako papasukin!

Ako:

Jas

Ako:

Jasmine

Ako:

Mine

Ako:

Reply kung buhay ka pa

Ako:

Pakigalaw ang baso, please

Napapikit naman ako nang mapatingin sa akin si Atlas, mukhang binabasa pa nito ang mukha ko. Napaiwas naman ako nang tingin do’n. Kung ano anong pinapasok mo, Chora? Ipapahiya mo talaga ang sarili ahh.

“Who are you going to visit?”tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako.

“Kaibigan ko, si Jasmine.”ani ko.

“Let’s go.”aniya naman at una nang pumasok, hindi man siya tinanong ng kung ano, mukhang kilala na talaga siya rito. Napanguso naman ako nang harangin ng gwardiya.

“Sino ang pupuntahan mo rito?”tanong nito.

“Ang mga Liranez ho.”ani ko. May sasabihin pa sana ito nang magsalita si Atlas.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon