Chapter 16

1K 41 1
                                    

Chapter 16
Melchora’s POV

“Matamlay pa rin?”dinig kong bulong ni Mima kay Mima Joan. Napatawa naman ako ng mahina bago ako naglakad patungo sa kanila.

“Good morning po.”bati ko, tila tinatantiya naman nila ako. Napangiwi pa si Mima nang mapansin ang kalmot ni May na siyang naghihilom na pero hindi pa rin naman naaalis sa balat ko.

“Sigurado ka bang nagantihan mo ‘yang gumawa sa’yo? Aba’t kung hindi ay talagang kakaladkarin ko ‘yon.”ani Mima Lena habang hinahaplos pa ang balat ko. Mabuti na lang ay hindi rin nang-uusisa sina Mima, maliban na lang doon sa part kung nagawa ko raw bang gantihan ang mga ‘yon. Nagkulong lang ako ng ilang araw dito. Nag-aaral magmake up para pagaanin ang loob ko.

“Ayos ka na ba?”tanong pa nila sa akin.

“Mima, ayos naman po talaga ako.”natatawa kong saad kaya nginiwian ako nito.

“Lokohin mo lelang mo, Girl.”aniya kaya napanguso ako. Sobrang extra naman nila ngayong araw dahil kung ano ano ang ibinibigay sa akin. Totoong maayos naman na ang pakiramdam ko, naimukmok ko na kaya.

“Good morning, Cho!”napatingin naman ako kay Indigo na siyang kakapasok lang dito sa bahay. Napairap na lang ako sa kanya, ilang araw din siyang nandito sa amin kahit na hindi ko naman siya nilalabas.

“Anong good sa morning, Indigo, nandito ka na?”natatawa kong saad at inirapan siya.

“Mukhang ayos ka, huh? Nagagawa mo ng mang-irap irap diyan.”aniya sa akin at inakbayan pa ako. Siniko ko naman siya ng dalawang beses kaya natatawa siyang nagtaas ng kamay na para bang sumusuko.

“Ingat kayo!”anina Mima. Ngumiti lang naman ako at kumaway sa kanila.

“Hindi ka mukhang nagdrama ng ilanh araw.”ani Indigo kaya inirapan ko siya.

After kong umiyak sa stock room. Dinala ako sa clinic ni Atlas. Mabuti na lang ay tapos na rin ang break time no’n kaya wala na ang mga estudyante.

“Good morning!”maligalig kong bati sa mga kaklase.

“Cho!”sigaw ni Bette at napatakbo pa sa akin. Tinignan niya naman ang mukha ko, mayroon ding kalmot doon at sinubukan ko rin namang takpan kaya lang ay talagang malalim. Ganoon din ang sa braso ko.

“Si May at si Daniela ang gumawa niyan? Ang mga gagang ‘yon! Dapat pala sumama tayo para naman nagawa ko ring hilain ang buhok ng mga bruhildang ‘yon.”ani Bella na nanggigil pa. Napatawa naman ako roon.

“Hayaan mo na, tapos na, ayos lang naman,”natatawa kong saad.

“Aba’t hindi niyo ata alam na hindi lang kalmot ang inabot nila kay Chora.”natatawang sambit naman noong mga kaklase ko. Nailing naman ako roon. Kahit na lumang building na ‘yon, may cctv pa rin pala kaya nakita rin na sina May ang unang umatake sa akin.

“Walang bayag ang gaga, nagsama pa ng kasama.”sabi ni Bella na napairap pa. Napailing na lang ako habang nagrarant ito sa akin.

“Pero, Girl, nabalitaan mo ba?”pabulong na saad ni Bella, dinikit ko naman ang tainga para makichismis dito.

“Gaga ka, hindi ka kasi nagrereply!”aniya pa kaya napakamot ako, aba’t hindi muna ituloy ang kwento bago siya magreklamo. May isisingit kasi muna.

“Ano? Magkwento ka muna!”ani ko na sinamaan siya ng tingin.

“Ito na nga, Loads, why ka galit?”natatawa niyang tanong.

“Noong nasa clinic ka, bali-balita na nagsuntukan daw si Indigo at Atlas.”aniya kaya napaawang naman ang labi ko.

“Fake news ‘yang si Bella, huwag kang maniwala riyan!”natatawang saad ni Bette.

“Ang sabi no’ng mga nakakita, sinuntok daw ata ni Indigo, hindi ko alam kung anong pinagtalunan. Ewan, pero mga grade 10 ata nakakita tapos syempre may pakpak ang balita at iba iba na ang kwento.”anila na napakibit pa ng balikat. Tumayo naman ako at lumapit kay Indigo.

“Nag-away kayo ni Atlas?”pabulong na tanong ko. Umiling naman siya.

“Bakit sabi nila nagsuntukan daw kayo?”tanong ko naman na nagtataka.

“Hindi. Sinuntok ko, nagpasuntok naman.”aniya na nagkibit pa ng balikat, hindi na nagkwento pa. Balak ko pa sang itanong kung anong dahilan ngunit tinawag na ako ng mga kaklase.

Naging maayos naman ang takbo ng umaga ko. Hindi ako lumalabas ngayon sa classroom, kahit nga magtungo man lang sa cr kasama ang mga kaibigan ko’y hindi ko ginawa. Well, ayaw ko lang makasalubong si Atlas. When I told him that I won’t bother him, seryoso ako roon.

“Cho, hindi ka pupunta kina Atlas?”tanong sa akin ng mga kaibigan ko.

“Ahh, hindi, busy ako. Memake up-an ko si Kelly.”ani ko at tinuro si Kelly na wala namang kaalama alam. Naningkit naman ang mga mata nina Bella sa akin.

“Bakit?”tanong niya sa akin. Napakibit naman ako ng balikat. Wala naman ng rason kung bakit kailangan ko pang pumunta roon, hindi ba? Sinabi ko ng titigilan ko na, tama na. Tinitigan naman nila ako bago sila napatango at nagtungo na rin palabas ng classroom kasama si Bette, paano’y mga nasa kabilang section din ang mga kalandian.

“Breakfast tayo, Cho, libre ko.”ani Thomas.

“Oh, talaga? Sama!”ani Indigo kaya napangiwi ako. Kahit kailan talaga ang isang ‘to, basta pagkain ay malakas ang pandinig. Natawa na lang ako at tumango. Well, hindi naman sa room nina Atlas, sigurado rin akong nagjajamming ang mga ‘yon kaya hindi madadaan sa cafeteria. Ayaw ko siyang lapitan at baka kainin ko lang ang sinasabing titigilan ko na ito. It was too unhealthy, hindi dapat ganoon, Chora.

“Anong gusto mo, Cho?”tanong ni Thomas sa akin. Sinabi ko lang ang gusto ko, nagsabi rin ang makapal na mukhang si Indigo. Tumango naman si Thomas ay nilibre rin ‘to.

“Kapag sinagot mo ‘yan, solve solve tayo.”bulong sa akin ni Indigo kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

“Gago, mukha ka talagang pera.”ani ko na inirapan siya. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Cho!”sabay naman kaming napatingin ni Indigo nang may tumawag sa akin.

“May dalawa pa.”natatawang saad ni Indigo kaya napairap na lang ako sa kanya. Kita ko naman sa likod ni Mateo sina Carver, Bren, ang dalawa kong kaibigan at si Atlas na siyang katabi nila. Nakapamulsa ito habang nasa akin ang mga mata. Napatikhim naman ako at agad na nag-iwas ng tingin.

“Gusto mong sa labas na lang tayo, Thomas? Pahangin tayo!”sambit ko na nakangiti kay Thomas nang dumating na ito dala ang pagkain namin.

“Pucha, bet mo pa atang maging chaperon, Indigo.”bulong ko kay Indigo na tatayo rin. Napangiwi naman siya sa akin dahil do’n.

“Tol oh,”inabutan ni Thomas si Indigo ng pagkain kaya agad na ngumisi ang kaibigan ko. Ang dali lang talagang sulsulan ang isang ‘to pero akala ko’y hindi na niya kami kukulitin pa ngunit tumayo rin ang hinayupak. Mukhang walang balak pasulsol.

“Tara.”ani Thomas na ngumiti pa. Tumango naman ako.

“Oh, saan kayo pupunta, Chora?”tanong ni Mateo.

“Ahh, papahangin lang kami.”ani ko atvngumiti sa kanila.

“Sama kami!”anina Bren at Carver. Ganoon din sina Bella. Tahimik lang maman si Atlas habang nakatingin pa rin sa akin. Napapaiwas na lang ako ng tingin kapag napapatingin sa kanya.

“Huh? Bibili pa kayo ng pagkain, ‘di ba? Magdedate pa kami ni Thomas.”nakangiti kong biro sa kanila. Nagsitikhiman naman sila.

“Gaga ka, baka mamaya’y seryosohin ‘yan ni Thomas!”natatawa nilang sambit. Nailing na lang ako at hinila na si Thomas paalis do’n.

“Sorry, Loads, nagbibiro lang ako, hindi kita gustong bigyan ng false hope.”ani ko dahil alam kong crush ako nito. Natawa naman siya dahil sa tinuran ko.

“Alam ko. Alam naman ng lahat kung sino talaga gusto mo.”natatawa niyang sambit sa akin. Mabait naman si Thomas, masiyado nga lang talaga siyang mabait para sa akin.

“Buti na lang matalino ka, Thomas.”ani Indigo na tumawa pa.

“Iniiwasan mo?”tanong niya sa akin, matalino rin talaga ang isang ‘to. Ngumiti lang naman ako at hindi sumagot. Iniba ko na rin naman ang usapan hanggang sa matapos ang break.

Nadatnan ko pa sina Carver na nasa room nang bumalik kami ngunit umalis na rin naman sila kalaunan. Hindi ko rin pinansin pa si Atlas, ni hindi nga nginitian tulad ng ginagawa ko noon. Hindi ko lang kasi maiwasang maalala ang galit mula sa mga mata nito, pakiramdam ko’y galit siya sa akin. Kung dati’y inis lang, ngayon ay sigurado akong iba na.

Maayos naman ang araw na ‘yon, ni hindi ako nagtungo sa classroom nila para maghintay sa labas. Maaga akong umuwi kaya medyo nagtataka pa ang mga Mima ko.

Kinabukasan, ganoon pa rin ang gawain ko, madalas kong iwasan si Atlas ngunit kung kailan iniiwasan, saka naman nagpapakita. Samantalang noon ay kailangan ko pang halughugin ang school para lang makita siya.

“Chor—“palabas na ako ng classroom nang tawagin niya ako. Napatikhim naman ako at nginitian siya ng tipid.

“Uy, hi, wait lang, huh? Nagmamadali kasi ako.”ani ko at nagmadaling maglakad para lang maiwasan siya. Agad ko namang nakita si Indigo kaya napabuntong hininga pa ako sa kanya nang makalapit.

“Anong meron? Bakit parang hinihingal ka? May tinataguan?”natatawang tanong sa akin ni Indigo. Napairap naman ako sa kanya. Napapikit pa ako nang makita papalapit ang grupo nina Carver sa amin. Sa sobrang taranta ko’y hindi na nakapag-isip ng maayos at napapasok na lang sa lamesa. Pucha, Chora, ikinakahiya kita. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sa kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit ba ako ganito katanga. Sana’y lamunin na ako ng lupa.

Rinig ko naman ang mahinang tawanan nila lalo na si Indigo na malapad pa ang ngisi habang nakatingin sa akin, hindi ko naman maiwasang mapangiwi sa kanya. Sinmaan ko rin siya ng tingin ngunit tinawanan lang ako nito.

“Hinahanap mo si Chora, Loads?”tanong ni Indigo. Napatikhim naman ako roon at nagshh sign kay Indigo habang nakatago pa rin kahit mukha na akong tanga rito. Ngumisi naman siya sa akin at nagtaas ng kilay. Hindi ko naman mapigilang samaan siya ng tingin.

“Ito siya oh.”aniya at tinuro pa ako. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n. Napatikhim ako at masamang tinignan si Indigo. Halos mauntog pa ako sa lamesa dahil sa pagmamadaling tumayo.

“Anong ginagawa mo riyan, Chora?”tanong sa akin ni Bren nang natatawa.

“Nawawala hiwak ko, kanina ko pa hinahanap!”palusot ko dahil kalahi ni Indigo ‘tong si Bren na isang uto uto, agad naman siyang naniwala. Habang si Carver naman ay natatawa habang nakatingin sa akin.

“Nakauwi ka ba noong araw na ‘yon, Chora?”tanong sa akin ni Carver. Napatikhim naman ako dahil do’n. Pakiramdam ko’y sinabi nito kay Atlas na nagtungo ako sa bahay nila.

“Huh? Hehe, oo!”natatawa kong sambit. Ngumiti naman siya at laking pasasalamat ko nang hindi na siya nagsalita pa ngunit mukhang anytime ay masasabi niya ‘yon kay Atlas.

“Bakit? Saan siya galing?”tanong naman ni Indigo habang abalang kumakain.

“Galing sa amin no’ng linggo.”aniya kaya napatikhim ako.

“Anong ginagawa mo roon?”tanong ni Atlas sa akin. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway.

“Ahh, galing ako kina Jasmine,”ani ko at nilingon pa si Carver, sinenyasan pa ito. Kita ko naman ang pagngisi niya at pagtango.

“Una na ako, may gagawin pa pala ako sa room.”ani ko kaya naman hinayaan na nila ako. Natatawa pa nga ang hinayupak na si Indigo sa akin.

“Chora…”tawag sa akin ni Atlas na siyang sumunod pala. Hindi ko mapigilan ang pagnguso nang marinig ang tinig nito. Aba’t bakit niya ba ako kinakausap kung kailan seryoso na ako na hindi ko na siya kauusapin pa o ‘di naman kaya’y guguluhin pa.

“Uy, Atlas, bakit?”tanong ko sa kanya.

“Are you okay now?”tanong niya na sinilip pa ang braso ko, maski ang mukha ay tinignan niya rin. Napatikhim naman ako roon at nag-iwas ng tingin. He’s probably guilty that’s why he’s talking to me now. Paano’y ako siguro ang akala niyang may kagagawan ng lahat ngunit si May ang siyang nahuling may sala.

“Ayos na ako…”ani ko ngunit makikitaan ko pa rin ng inis ang mga mata nito habang nakatingin sa braso ko.

“Can I go now? May gagawin pa ako.”sambit ko pa muli.

“Hmm, yeah, sure.”aniya na hinayaan ako ngunit bago ‘yon ay nagsalita pa muli siya.

“Thank you… sa cookies.”sambit nito.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon