Chapter 9
Melchora’s POV
Cho @Prettychora: First selfie with my crush @AtlasKaius
Bella @Bellachao: Lakas naman nyarn
Michelle @pollyychelle: @Mateoludwig tara, iyak
Mateo @teonottao: …
May kasama pa ‘yong litrato namin kahapon. Malapad ang naging ngiti ko ng pinost ‘yon sa twitter. Well, hindi talaga namin selfie dahil nasa likod ko lang siya nakatingin sa kung saan.
“Mima! Nandiyan si Cho?”dinig kong tanong ni Indigo mula sa labas ng bahay namin.
“Oo, nandiyan, nag-aayos na, hintayin mo na lang, meryenda ka muna, Indigo.”sabi ni Mima kay Indigo.
“Hep, huwag na, Mhie, I’m here na.”natatawa kong biro at hinila si Indigo. Nginiwian niya naman ako pero nahiya rin kaya sumunod lang sa akin.
“Bakit kasi kabilang section kasama natin? Hindi ba pwedeng orange na lang?”tanong ko sa kanya.
“Tanong mo sa akin, Cho, baka sakaling mapalitan ko.”sarkastikong aniya.
“Section nina Atlas ang kasama natin pati ‘yong sa kabila.”aniya pa kaya agad nanlaki ang mga mata ko.
“Talaga? Edi maganda!”maligalig kong saad kaya napatawa siya sa akin. Sumakay naman na kami sa kotse niya, maya-maya lang ay nakarating na rin sa school.
May practice kami para sa play, ipeperform ‘yon sa event na gaganapin ngayong month para lang naman sa mga grade 11 dahil medyo busy din kasi ang mga grade 12. Graduating na sila, kailangan nilang magtino kahit paano.
“Good morning!”malapad ang ngiting bati ko sa mga kaklase ko na siyang nakaupo lang dito sa may cover court.
“Hoy, gaga ka! Nakita ko ang tweet mo!”ani Bette sa akin. Napangisi naman ako kay Bella roon.
“Bella, mainggit ka.”natatawa kong sambit sa kanya.
“Ulol mo, may boyfriend ako.”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Gago? Sino? Bakit hindi ka nagsasabi?”tanong naming dalawa ni Bette.
“Eherm.”natatawa niyang saad at ikinawit pa ang kamay sa kararating lang na si Carver. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil do’n. Napatawa naman siya sa akin ngunit nanatili lang naniningkit ang mga mata ko.
“Aba’t gagang ‘to! Noong nakaraan lang ang sabi mo’y gusto mo ‘tong si Atlas, huh?”tanong ko na tinuro pa si Atlas na katabi lang si Carver.
“Medyo lang,”aniya. Parang wala lang naman ‘yon kay Carver, nanliit naman ang mga mata ko sa kanya.
“Seryoso ka ba kay Bella, huh?”tanong ko. Bali-balita rin na marami na ‘tong naging jowa kaya hindi rin ako nagtitiwala sa kanya ngunit mukhang ayos naman. Hindi naman siya nagsalita kaya kinurot ako sa tagiliran ni Bella.
“Tigilan mo nga ng boyfriend ko, Cho.”natatawa niyang sambit ngunit nanatili lang ang mukha ko na ganoon.
Tinantanan ko na rin naman siya nang magtawag na ang president ng tatlong section para iassign ang magiging producer ng play na gagawin.
“So si Indigo na ang producer, may reklamo ba kayo roon?”tanong nila.
“Wala, Pres, okay na okay.”anang ilang kaklase kong subok na si Indigo bilang producer ng isang play. Aba’t mas nakakatakot pa ‘to kaysa kina Pres. Walang kaibi-kabigan kapag nagsimula na siyang magseryoso sa buhay.
“Psst…”tawag ko sa kanya habang nag-aayos na siya ng mga ibibigay niyang part sa bawat isa.
“Tigilan mo ako, Chora, hindi kita pagbibigyan diyan.”aniya kaya napanguso naman ako. Alam ko, sinusubok ko lang naman e. Sinilip ko namn ang part na ibibigay niya sa akin, agad akong napayes nang makitang ako ang mag-aayos ng make up ng mga gaganap sa play. Napanguso naman ako nang makitang si Atlas ang magiging leading man at ‘yong magandang trasferee ang leading lady niya.
“Shoo!”sabi pa ni Indigo kaya sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad paalis.
Maya-maya ay nagsimula ng sabihin ni Indigo ang mga parte namin, seryosong seryoso ang mukha nito kaya hindi rin makapagbiro ang ilang mga kaibigan namin sa kanya. May concept naman na sila kaya naman nagawa ng pag-usapan ng ilang magsusulat ang gagawin. Ang ilan tuloy sa amin ay nakatunganga lang pero tuwang tuwa naman sila dahil abala sa pakikipagkwentuhan sa isa’t isa. Hindi rin kami nakapagpractice dahil binuo lang namin ang mga plano.
“Tama naman na yarn, Loads.”natatawa kong sambit kay Indigo. Hindi niya naman ako pinansin kaya hinayaan ko siyang mauntog sa pader na makakasalubong niya. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit hindi ko siya pinansin at lumapit pa kay Atlas na siyang naglalakad kasama sina Carver pati ang ilang tropa nito.
“May lakad ka pa?”nakangiti kong saad at ikinawit pa ang kamay sa kanya ngunit nakasimangot niya lang na inalis. Ibinalik ko naman ‘yon na may ngiti pa rin sa kanya.
“Cho! Uuwi ka na? Kain tayo sa mcdo! Libre ko!”nakangiting saad ni Mateo sa akin.
“We? Sige ba!”ani ko na inalis ang pagkakakawit kay Atlas at patalon talon pang sumunod kay Mateo, isa sa dahilan kung bakit crush ko ito noon ay mabait talaga siya lalo na pagdating sa akin. I mean hindi ko sinasabing mabait siya dahil nililibre niya ako pero medyo ganoon nga saka madalas ay nagkakasundo kami sa maraming bagay. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko na ‘to crush gayong lima lima pa ang crush ko bago ko nagustuhan si Atlas.
“Hoy, kami rin!”ani Bren at umakbay pa kay Mateo na siyang katabi kong naglalakad palabas ng school. Malapit lang naman ang mcdo rito, ang ending lahat kami’y kasama, maliban na lang sa mga nagsiuwian na.
Pinagdugtong lang nila ang mga upuan kaya nakahilera kaming lahat, naupo naman ako sa pinakasulok kung nasaan si Atlas na siyang tahimik lang.
“Anong gusto mo, Cho?”tanong ni Mateo sa akin. Nang sabihin ko ang gusto ko’y nginitian niya ko at tumango saka nagtungo sa counter para order-in ‘yon.
“Daya talaga, Mat, halatang--“nawala naman na sa mga kaklase ang atensiyon dahil na kay Atlas na siyang katapat ko.
“Anong kakainin mo?”tanong ko sa kanya.
“Oh! I know that book!”nakangiti kong tanong habang napatingin sa english novel na hawak niya. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay tila ba hinuhusgahan.
“Hoy, grabe, alam ko talaga ‘yan, hindi ko lang binasa dahil bukod sa sobrang kapal, nakakanose bleed, grabe! Unang linya pa lang ako parang gusto ko na agad ihinto.”natatawa kong pagkukwento sa kanya. Nakita ko naman ang pagkurba ng mga labi niya kaya agad akong natigilan doon.
“Oh! Did you just smile at me?!”gulat kong tanong habang nakahawak sa mga labi.
“I didn’t.”aniya na tumikhim pa.
“You did!”natatawa ko namang sambit sa kanya.
“Eherm, baka mamaya kayo nga talaga ang magkatuluyan.”mapang-asar na saad nina Bella.
“Oo, wait ka lang, future boyfriend ko ‘to.”makapal ang mukhang sambit ko. Nailing naman sila sa akin ngunit natawa lang din.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain namin. Dumating din si May, ‘yong partner ni Atlas, nakangiti siyang umupo sa tabi nito. Napanguso ako nang hindi man lang niya sinungitan ito nang kausapin siya. Talagang sa akin lang masungit ang isang ‘to.
“Cho, patikim ahh.”ani Mateo. Tumango lang ako dahil sa kanya din naman galing ‘yon. Nakangiti naman akong nakikisama sa usapan ng mga ito ngunit minsan ay napapatingin din sa gawi nina Atlas at ni May na siyang abala sa pagkukwentuhan. Nakita ko pa ang bahagyang pagtawa niya habang nagkukwento ito, napatikhim naman siya nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Malapad naman akong ngumiti nang magtaas siya ng kilay.
Nang lumaba na kami ng mcdo, isa isa naman na silang nagsiuwian.
“Uuwi ka na?”nakangiti kong tanong kay Atlas. Tumango naman siya.
“Pasabay!”ani ko at malapad pang ngumiti.
“Hi, may kasabay ka ba, Atlas? Wala pa kasi ang sundo ko…”ani May na biglang sumulpot sa gilid ko. Nagkantiyawan naman ang ilang kaklase niya mula sa gilid kaya naman hinila na ako ni Indigo.
“Stop bothering him, Cho, halika na.”ani Indigo. Bago pa ako makasakay sa kotse’y narinig ko ang malakas nilang sigawan, mukhang pumayag si Atlas. Wala man lang ilang segundo.
“Sorry, wala na kasing masakyan, ayos lang ba talaga kung sasabay ako sa’yo?”dinig ko pang tanong ni May. Humigpit naman ang hawak ko sa may pinto kaya hinila na ako papasok ni Indigo.
“Bakit mo kasi ako hinila? Papayag din naman ‘yon sa akin.”reklamo ko nang magsimula na siyang paandarin ang kotse, napatingin pa ako sa may kalsada kung saan sila naiwan.
“Alam mong suportado kita sa katangahan mo, Cho, pero alam mo ring kung kailangan kitang kaladkarin para lang hindi ka masaktan ay gagawin ko.”aniya kaya napairap ako.
“Bobo, edi nasaktan din ako, kinaladkad mo ako e.”ani ko kaya napangiwi na lang siya sa akin at napailing.
“Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan kita.”aniya na naiiling na lang napatawa na lang ako roon. Pilit ko namang kinalimutan ang eksena kanina, medyo masakit pero mild lang, easy lang ‘yon, mawawal rin ‘to agad.
Lumipas naman ang araw na hindi ko pa rin makalimutan pero hindi ko naman aayahan ang sariling magpalugmok sa lungkot no. Hatid lang, Chora, ilang beses ka naman ng naihatid.
“Hello, Indigo? Na saan ka na? Ang tagal mo!”malakas kong sigaw kay Indigo. Nakaayos na ako’t lahat lahat wala pa rin ‘to. Magsisimba kami ngayon at diretso na rin sa film festival na sinasabi niya, kasama rin namin sina Bette dahil madaming napanalunan na ticket si Indigo.
“Basta lumabas ka na lang, dami pang sinasabi.”aniya kaya napairap na lang ako at pinatayan siya ng tawag. Nakapagpaalam naman na ako kina Mima at lagi lang namang g ang mga ‘yon sa lahat basta ba kasama sina Indigo pati ang mga kilala nilang kaklase ko.
Luminga linga naman ako dahil walangakitang kotse ni Indigo. Tinawagan ko pa siya ng isang beses.
“Pinagloloko ko ba ako, Indigo? Talagang susuntukin ko mukha mo, ang init init dit—“bago ko pa matapos ang sasabihin ay natigilan na nang makita si Atlas na siyang bumaba sa kotseng nasa tapat ko lang.
“Uhh, Indigo said that you don’t have a car and they already left.”ani Atlas sa akin. Napatikhim naman ako roon at agad kumurba ang ngiti sa mga labi.
“Hehe, hindi mo naman sinabing si Atlas pala ang susundo, anyway, thanks!”ani ko na pinatay na ang tawag at malapad ang ngiting pumasok sa loob ng kotse niya.
“Oh, buti’t nagpauto ka sa isang ‘yon---I mean buti na lang ay nakasama ka!”nakangiti kong saad sa kanya.
“Yeah, naroon din si Carver.”aniya kaya napaisip. Carver will be a really good bait. Napangisi naman ako roon, mabuti na lang ay madami dami akong kaibigan.
“By the way, inihatid mo si May kahapon?”tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at pinagtaasan ng kilay. Well, casual lang naman akong nagtanong kaya walang kung ano sa tinig ko.
“Yeah.”aniya kaya napanguso naman ako at bahagya pang napairap kaya kita ko ang pananantiya sa kanyang tingin.
“Ganda no’n no?”tanong ko pa sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya habang nasa kalsada na ang tingin ngayon. Totoong maganda naman ‘yon, may balingkinita pang katawan. Well, may maipagmalaki rin naman ako kaya bakit ako maiinsecure? Bukod sa maganda ako, magaling pa akong magmake up, sexy din naman. Wow, Cho, what a way to make yourself feel better, huh?
Parang nagiba naman ang binubuo kong kumpiyansa nang simple lang siyang tumango. Tanong pa, Chora, sinong tangang sumama ang loob ngayon? Pero totoo naman! Maganda nga talaga ‘yon!
“Sus, hanap mo pala maganda, maganda rin naman ako.”bulong bulong ko pa sa sarili para lang pagaanin ang loob. Napatingin naman siya sa akin habang nagmamaneho.
“What about me? Maganda ba ako?”tanong ko sa kanya. Aba’t kapag hindi talagang titigilan ko na ang hinayupak na ‘to, wala siyang taste kung ganoon. Sakto namang nakarating na rin kami sa simbahan. Inihinto niya naman ang sasakyan at tinitigan ako tila ba sinusuri ang mukha, tumaas naman ang kilay ko dahil parang pinag-iisipan pa nito ang sasabihin.
“Ano? Aba, ganoon ba kahirap ang tanong ko?”tanong ko pa nananiningkit ang mga mata sa kanya.
“Hmm, you’re. Ganda mo.”aniya bago nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Teen FictionPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...