Chapter 47
Melchora’s POV
“Huh? Gago, kakatapos ko lang maligo, pinagsasabi mo riyan?”kumunot ang noo ko dahil sa tinuran ni Juls.
“Basta manood ka na lang! Dami pang sinesay!”aniya kaya napanguso na lang ako bago inopen ang tv. Napaawang ang mga labi ko nang makitang nakalive ang interview kay Atlas na siyang nasa tapat lang ata ng eskinita.
“What the heck?!”gulat na gulat kong tanong dahil nalingat lang ako sandali ay nagpapapresscon na ito.
“Bakit ngayon mo lang itinanggi ang bali-balita tungkol sainyong dalawa kung ganoon?”tanong sa kaniya ng isang reporter.
“I don’t need to prove anything to anyone that time.”aniya na napakibit pa ng balikat.
“And now you have one?”nakangiting tanong ng reporter, akala mo’y nasa reality talk show sila. Ngumiti naman si Atlas kaya agad na nakuha ng reporter ang sagot.
“She’s not my girlfriend or anything so you can stop bothering her.”ani Atlas kaya tila ba kumirot ang puso dahil sa kaniyang tinuran. Kahit libong fans pa ang magbato sa akin ng itlog ay ayos lang basta ba akin siya e. Well, true naman din na hindi talaga kami.
“But I’m courting her. She’s my favourite make up artist then up until now, I always wait kahit hindi sigurado, she’s someone I really like or love rather. I really want to pursue her again. My Cho…”sambit pa ni Atlas at ngumiti. Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko dahil do’n. Bakit hindi naman ako nainform na nanliligaw pala siya?
“So I just hope for you to stop bothering her, if you’re mad put the blame on me.”aniya. Ang dami pa nilang pinag-usapan na nagbigay gulantang sa akin.
“So Cho Cosmetic is name after her?”tanong pa no’ng babae. Napadiretso naman ako ng tayo dahil do’n.
“I look so whipped but yeah.”nakangiting saad nito.
“Oh, ano, Sis? Buhay ka pa riyan?”natatawang tanong ni Juls mula sa kabilang linya. Napatikhim naman ako roon dahil ilang rebelasiyon ba ang magpapagulat sa akin ngayon? Nakakastress ‘tong Atlas na ‘to, noon hanggang ngayon, magugulat ka na lang talaga na nililigawan ka na niya.
Natapos ang interview na tulala lang ako sa isang tabi imbis iapply ang skin care product. Napatalon pa ako sa gulat nang may kumakatok na mula sa pinto. Napatikhim naman ako bago ko ‘yon sinilip at pinagbuksan. Agad tumaas ang kilay ko nang makita si Atlas na siyang mukhang bagong ligo rin. Hinawi niya pa ang ilang buhok na tinatakpan ang kaniyang mga mata.
“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.
“I told the media the truth.”aniya na napanguso at hindi makatingin sa akin ngayon.
“I hope you don’t mind.”aniya sa akin kaya napangiwi ako sa kaniyang tinuran.
“Ulol mo, nasabi mo na’t lahat lahat, ano pa bang magagawa ko?”tanong ko na inirapan pa siya. Natawa pa siya ng mahina sa akin dahil do’n.
“Can I come inside?”tanong niya sa akin. Hinayaan ko naman siyang pumasok sa loob, dumeretso agad ito sa sofa habang ako naman ay pumwesto sa kabilang parte at kinuha ang mga skin care product ko.
“May masakit ba?”tanong niya na lumapit pa sa akin. Para naman akong mapapaso sa hawak nito kaya tinapik ko ang kamay niya.
“Wala, tigilan mo nga ako sa kalandian mo, Atlas Kaius, tiyansing ka lang e!”sabi ko na inirapan siya. Inirapan niya rin naman ako pabalik ngunit tinitignan din ang ilang parte ng katawan kung may sugat ba o ano. Wala naman dahil kahit paano’y mas matigas ako kaysa sa mga itlog na binabato sa akin.
“Hindi ko alam na nanliligaw ka pala?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.
“I thought there’s something going on between the two of us pero ang dali dali mo lang itapon.”nakasimangot niya namang saad nang maupo mula ka katabi kong upuan. Amoy na amoy ko na rin ang mabangong halimuyak na nanggagaling dito. Lumayo naman ako ng kaunti sa kaniya, binigyan ko na siya ng napakalaking espasiyo ngunit ito nanaman siya at nakikisiksik sa akin.
“Sino ba kasing nagpapapasok ng ibang babae sa hotel room habang kalandian ako?”tanong ko na sinamaan siya ng tingin. Kumunot naman ang noo niya sa akin dahil do’n.
“So landian lang ‘yon?”parang doon pa siya interesado sa sinabi ko.
“And I don’t let anyone enter my room.”aniya at kinuha pa ang phone sa gilid niya. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay doon at hinintay kung ano bang gagawin nito. Maya-maya lang ay tumatawag ma siya sa kung kanino.
“Hello, can you check the footage in my hotel room in Ilocos? Send it to me, asap…”aniya sa kausap kaya napaawang ang mga labi ko.
“Ayos na, oo na. Naniniwala na ako! Kung ganoon ano ‘yong article tungkol sainyong dalawa, huh?”pinaningkitan ko siya ng kilay dahil do’n.
“What article?”tanong niya naman.
“Sa sobrang dami ba, hindi mo na alam kung saan?”tanong ko na pinagkunutan siya ng noo. Napatikhim naman siya dahil do’n, parang batang hindi alam kung paano magpapaliwanag. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano roon.
“Last na, may relasiyon kayo ni Ginly?”tanong ko muli sa kaniya.
“I told you, wala.”aniya na umiling pa sa akin. Matagal lang akong nanatiling nakatingin sa kaniya habang naniningkit ang mga mata. Ilang beses ko na ‘yong natanong ngunit nagawa ko pang mas paniwalaan ang ibang tao.
“Alright…”sambit ko at napakibit ng balikat. Tinitigan niya naman ako tila tinatantiya ang magiging conclusion ng usapan naming dalawa.
“I’ll trust you… subukan mo lang akong lokohin, puputulin ko ‘yang etits mo, natrain ako.”ani ko sa kaniya kaya napatawa siya sa akin at yumapos pa.
“Fuck, I miss you, Cho…”pabulong na saad niya habang nakayakap sa akin. Tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng tibok ng puso nito. Ganoon din ang akin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil do’n.
“I miss you…”pabulong na saad ko at niyakap din siya pabalik. Nanatili kaming dalawa sa ganoong pwesto. Aba’t ganito lang din naman pala kami kadaling magkakaayos na dalawa, pinatagal tagal ko pa.
“By the way, pinagloloko mo ba ako? Paanong sa akin galing ang pangalan ng Cho Cosmetic?”tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.
“Hmm, it’s actually yours…”pabulong na saad niya kaya kumunot ang noo ko.
“Stay here for a while.”aniya at mabilis naglakad palabas ng bahay. Maya-maya lang ay bumalik siyang may dala dalang papeles. Halos masamid ako dahil akin nakapangalan ang pinakamataas ng share.
“Gago ka ba?”tanong ko at agad na binalik sa kaniya ‘yon na para bang natatakot hawakan ang iniaabot niya sa akin.
“Tigilan mo nga ako, Atlas, kokonyotan talaga kita, gago.”seryoso kong saad, sinamaan pa siya ng tingin. Napatawa naman siya dahil do’n.
“It’s yours… It’s double purpose.”natatawa niyang saad.
“I like business, you like cosmetics.”aniya kaya umirap ako.
“Ulol, baka I like cosmetic, you like me kamo.”natatawa kong biro.
“Ganoon na nga rin…”aniya at ikinawit nanaman ang kamay sa akin.
“Ibalik mo sa pangalan mo, hindi ko tatanggapin ‘yan.”seryoso kong saad.
“Pero---“hindi ko na siya pinatapos pa at nagawa pang samaan siya ng tingin.
“Basted ka agad kapag hindi ka huminto riyan…”sambit ko kaya huminto na siya. Iniba na lang namin ang usapan.
“I’m sorry about my Mom and sister… nalaman ko na sumugod pala ang mga ito noong nakaraan…”aniya sa akin kaya bahagyang napaawang ang mga labi ko. Paano niya nalaman? Parehas tuloy kaming natahimik na dalawa.
“It’s already fine, baka hindi ko rin naman siya maging biyenan.”natatawang biro ko kaya agad niya akong nilayo sa kaniya at pinaningkitan ng mga mata.
“Ano?”tanong niya.
“Malay mo hindi pala kita sagutin.”natatawa ko namang biro kaya mas lalo lang siyang napasimangot. Halos irapan niya rin ako kaya bahagya akong natawa at aalis na sana sa pagkakayakap sa kaniya dahil mag-aayos na muli ako at maglalagay ng mga product ko nang hilain niya muli ako para yakapin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil do’n.
“Kapag sinagot mo ako, patay ka sa akin…”pabulong na saad niya kaya napatawa ako ng mahina.
“Patay pala ako, bakit kita sasagutin kung ganoon?”natatawa kong biro sa kaniya kaya napairap siya sa akin. Para kaming tangang dalawa na hindi talaga nagawang matulog, panay lang ang paghaharutan.
Nagising lang ako sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makitang nagluluto si Atlas. Talagang pinagsiksikan niya ang sarili sa sofa para lang makatulog dito sa bahay. Ang lapiyt lapit lang naman ng bahay niya.
“Good morning, Cho…”nakangiti niyang bati sa akin.
“Morning… wala ka bang pasok at nakatambay ka rito?”tanong ko sa kaniya at nagawa pa siyang pagtaasan ng kilay.
“Hmm, bukas na… sermon lang aabutin ko.”aniya kaya kuryoso ako ng makalapit sa kaniya.
“Bakit?”tanong ko sa kaniya. Nagkibit lang naman siya ng balikat at hindi nagsalita. Napanguso na lang ako dahil do’n.
“Kapag ako chinat nanaman ni Kuya Franco, nako.”sabi ko na nanliliit ang mga mata sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina roon.
“He still ask you about my whereabout?”tanong niya na naniningkit ang mga mata. Napakibit lang naman ako ng balikat dahil do’n.
Nang matapos siyang magluto ay sabay lang kaming kumain. Nagawa niya pa akong ihatid gamit ang bago niyang kotse, mayroon akong ilang reporter na nakita ngunit hindi na lang din pinansin dahil nagawa naman na ni Atlas linawin ang lahat. Nasa kanila na lang ‘yon kung paano nila titignan ang bawat anggulo, nasa kanila kung gugustuhin bang paniwalaan o ano.
“I’ll go now, text me if something happen.”aniya sa akin. Tumango lang naman ako at nagpaalam na sa kaniya. Ganoon lang ang nangyari sa nakaraang linggo. Ang dami ring mga articles na lumabas tungkol sa mga past interview ni Atlas noon.
“Girl, hindi ko na talaga alam kung hindi ko pa sasagutin ‘yang si Atlas, aba’t sa mga interview pala niya noon ay ikaw ng ikaw ang bukambibig.”sabi Ava na ipinakita pa ang ilang interviews na napanood ko na rin naman.
“What’s your ideal girl?”tanong no’ng host kay Atlas.
“Hmm, I don’t really have an ideal, kapag nahulog, edi bagsak. And I already have someone I like, I like everything about her.”nakangiting saad ni Atlas.
“Can you describe her to us?”tanong pa no’ng host.
“Hmm, she’s outgoing, she likes make up and cosmetic, she’s a great make up artist, she like to tease but don’t really like when someone’s annoying her.”aniya pa. Napairap naman ako sa mapang-asar kong mga kaibigan.
“Tigilan niyo nga ako, kokonyotan ko kayo e, paano niyo naman nasabing ako ‘ya e hindi naman ako pikon.”sambit ko pa kaya nagtawanan sila.
“Ulol mo, anong hindi pikon, ikaw kaya ‘tong unang unang naiirita kapag ganyang inaasar ka.”ani Melly sa akin kaya napatikhim ako at inirapan pa sila. Napatawa naman ang mga ito sa akin.
“Pero sobra namang lakas mang-asar!”sabi naman ni Ava.
“Ulol!”sambit ko na inirapan pa sila. Pare-parehas naman silang natawa sa akin kaya napairap na lang ako.
“Kung ako diyan sasagutin ko na, hindi na ako magpapakipot pa, aba, baka maunahan pa, sayang ang beauty mo, Girl, kung ganoon.”sambit naman ni Juls.
“Hindi rin naman niya ipapangalan sa’yo ang Cho Cosmetic.”aniya pa.
“Aba’t balimbing ka talaga! Noong nakaraan lang sabi mo sa akin ay huwag akong magpauto kay Atlas!”natatawa kong saad sa kaniya kaya napatawa siya ng mahina.
“Well, parehas tayong bobo noong nakaraan, Girl, bakit nga ba hindi ko naisip na sa’yo nakapangalan ang Cho Cosmetic?”tanong niya pa sa akin, akala mo naman ay masasagot ko ang tanong niya.
“Sana all na lang talaga.”natatawang saad ni Ava.
“Jana! Hoy, Girl, huwag ka namang masiyadong tutok na tutok nanaman sa trabaho riyan.”anila kay Jana na siyang kasama namin dito ngunit abala rin sa kaniyang cellphone, simula noong nakaraan, ganoon pa rin siya, suplada ngunit kahit paano’y sanay na sanay na kami.
Nagpatuloy lang kami sa usapan nang kumatok si Ms. Lea sa pinto. Agad naman kaming natahimik dahil sunod sunod ang reklamo tungkol sa amin or should I say sa akin.
“Ms. Benavidez, come to my office.”seryosong saad ni Ms. Lea sa akin.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Novela JuvenilPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...