Chapter 6

1K 43 1
                                    

Chapter 6
Melchora’s POV

Cho @Prettychora: ‘Stop acting like we’re close’ close naman na tayo, loads.

Cho @Prettychora: Huwag mo akong utusan.

Cho @Prettychora: Aarte ako sa paraang gusto ko.

Indigo @Indigoat replying to @Prettychora: Minus 1 ka agad sa crush mo AHSGSHAJSGSSHAHAHA WALA KA PA NGANG PUNTOS.

Cho @Prettychora replying to @Indigoat: Sana kapag nagkacrush ka, ekis na ekis ka, sisiraan talaga kita sa magugustuhan mo, sinusumpa ko.

“Ms. Benavidez, hanggang kailan mo gagamitin ‘yang phone mo?”halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. Tawanan naman nang mga kaklase ko ang narinig, pinanliitan ko naman sila ng mga mata dahil do’n.

“Ms. Benavidez, come to my office after class!”sambit no’ng guro ko.

“Yes po, Ma’am, sorry po.”ani ko at tinignan si Indigo na siyang kanina lang ay nagrereply sa mga tweet ko, nakangisi naman siyang nakatingin sa akin at palihim pang pinakita ang cellphone niya, kahit kailan ay ang galing talagang magtago ng isang ‘to. Palibhasa’y sanay na sanay sa gawain. Dumila pa siya para mang-asar. Binato ko naman siya nang papel ngunit napapikit ako nang makitang ang guro namin ang natamaan.

“Sino ‘yon?! Aba’t ang babastos niyong mga bata kayo!”malakas na sigaw ng guro, mabuti na lang ay hindi rin nakita nang mga kaklase dahil abala sila sa panonood ng documentary vid na nakuha niya sa internet. Si Indigo lang talaga ang nakakita.

Ang ending ay sermon ang inabot ng buong klase. Natatawa namang nang-asar sa akin si Indigo dahil do’n.

“Tweet pa, nabengga ka tuloy.”natatawa niyang sambit nang bumalik ako sa classroom galing sa matinding sermon.

“Sumpa yarn?”natatawa niya pang tanong ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako lumapit sa ilang kaklase kong babae para ayusan ang mga ‘to.

Mabilis lang din lumipas ang araw at uwian na. Nagtungo ako sa classroom nina Atlas na kaunti lang din ang pagitan sa amin, agad siyang hinanap ng mga mata ko.

“Sinong hinihintay mo rito, Chora?”tanong nila sa akin.

“Ahh, wala.”sabi ko naman na umiling lang.

“Si Mateo ba? Kanina pa ‘yon umuwi.”sabi nila Bren sa akin.

“Hindi ko na ‘yon gusto, huli na kayo sa balita.”sabi ko na tumingkayad pa para silipin ang ilang klase nila sa loob.

“Ang bilis mo namang magsawa,”aniya pa ngunit tinulak ko na nang wala pa ring Atlas na lumalabas. Nang pumasok ako sa classroom nila’y agad kong nakita si Atlas na tulog na tulog habang nasa upuan niya, napangiti naman akong lumapit do’n. Madali lang naman pala ang pinapagawa ko kay Carver e, mukhang pangmasa naman pala ‘tong pinsan niya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya, ang haba ng pilik mata nito. Ang daya, ang kapal pa ng kilay, parang araw araw ay plakado, ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi parang anytime gusto mo na lang halikan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Malapad pa rin ang ngisi ko nang madatnan niya akong nakatitig sa kanya.

“Good afternoon, sarap ng tulog mo, naglalaway ka pa.”sabi ko kahit na hindi naman talaga. Suplado niya akong tinignan ngunit kita ko rin naman ang palihim na pagpunas niya ng labi. Napatawa naman ako roon.

“Joke lang,”nakangiti kong saad.

“Sabay na tayo!”ani ko habang tinitignan siyang nagliligpit.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon