Chapter 28

794 29 2
                                    

Chapter 28
Melchora’s POV

“I can’t wait to watch, no matter what happened, remember that we’re proud of you. You don’t have to think na kailangan mong manalo, okay?”Paalala nina Mima sa akin habang inaayusan ako.

Parang mas kabado pa ang mga ito kaysa sa akin kaya maski tuloy ako’y nahahawa na rin sa pagiging kabado nila.

“Always remember na you’re pretty din.”sabi pa ni Mima Sunny kaya tinawanan ko ito.

“Mhie, alam ko na ‘yon.”natatawa kong saad kaya inirapan ako ni Mima Sunny.

“Ang feeling talaga nitong anak mo, Joan.”aniya kaya nagtawanan kaming apat. Si Mima Lena ang nag-aayos sa aking buhok. Aba’t maski ang ilang kasama namin sa salon ay sinama nila rito. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan dahil pati rin ang pamilya ni Aling Tessie’y nandito. Nang ibalita ko kasing sasali ako ng pageant, agad niyang tinanong kung kailan ay susuportahan daw ako. Hindi ko tuloy mapigil ang kaba ko dahil sa umuulan na pagmamahal ko mukha sa mga taong nasa paligid.

Nakita ko pa ang text ni Aling Tessie sa akin at ng ilan pang kakilala.

Aling Tessie:

Nand2 na kmi

Michelle:

Girl! Why naman hindi mo ako sinabihang may sinalihan ka pa lang pageant?! Layo ko huhu. Good luck, Cho! I miss you!

Bette:

Cho! Nandito us sa labas, dami mong supporters!

Napatingin naman ako sa may pinto nang backstage nang makita si Atlas.

“Hi.”aniya na malapad ang ngiti sa akin.

“Don’t be nervous,”sambit niya kaya natatawa akong napairap.

“Sino bang nagsabing kinakabahan ako?”tanong ko naman kaga napatawa siya sa kayabangan ko.

“That’s good then. Ayaw mo ba good luck kiss?”pabulong na tanong niya na, narinig naman ng mga Mima ko.

“’Yan! Sige, harot pa.”ani Mima Joan.

“Sis, minsan kailangan mo rin ng inspirasiyon kaya sige na, Atlas, gora na, bigyan mo na ‘yan ng good luck kiss.”natatawang saad naman ni Mima Lena kaya binatukan siya ni Mima Sunny.

“Isa ka rin talagang maharot, Lena.”anito na umirap pa ngunit pare-parehas naman silang tumalikod para bigyan kami ng pagkakataon ni Atlas na magkausap or should I say para makahalik ‘tong si Atlas.

“Good luck, Love, I got your back.”aniya kaya napangiti na lang din ako. Umalis na rin naman siya kalaunan. Nagpatuloy lang sa pag-aayos sina Mima hanggang sa magstart na ang pageant. Inalis ko naman ang kabang nararamdaman at malapad ang pinakitang ngiti lalo na’t nasa unahan pa ako. Talagang nahasa rin naman ako sa sobrang istrikto ba naman ng trainor ko. But still, thankful talaga ako sa mga Mima mo. Mas lalo lang akong naging confident sa sarili nang makita ko sina Atlas sa isang gawi kasama ang mga kaibigan ko, talagang nagpatatak pa ng mga t-shirt ang mga ito.

Tila ba nawala ang kabang nararamdaman ko kanina, ano mang mangyari, masaya ako na makita ang mga taong ‘to na sinusuportahan ako. Mas naging confident pa ako sa paglalakad ko, maski nang tumapad sa judgest ay para akong nakalutang sa ere dahil nililibang ko lang ang sarili kasama ang mga napag-aralan ko. Para ko pang inaakit ang mga suggest sa paraan ng pagngiti at pagtingin ko sa kanila. Mas lalo lang lumapad ang ngiti nang marinig ang hiyawan ng mga kaibigan at blockmates ko.

“Melchora Benavidez, 20, 3rd year college, next year!”may mga narinig akong tawanan ngunit may mga naghiyawan pa rin. Nang pumasok ako sa backstage may isang kandidatang lumapit sa akin habang malapad pa rin ang ngiti.

“Girl, bumuo ata ng cheering squad ‘yang boyfriend mo.”natatawang saad sa akin ng isang contestant. Napatawa naman din ako ng mahina dahil talagang dinig na dinig ang mga ingay nila mula sa labas kanina.

Maya-maya lang ay nagsimula rin ang swimsuit competition, kahit paano’y pinagmamalaki ko rin naman ang katawan ko. Mataas ang kumpiyansa ko sa sarili habang naglalakad sa harap nila. Talagang tinake ko ang time ko sa paglalakad, I smile to Atlas na siyang nakatitig lang sa akin. Kitang kita siya dahil nasa pinakaharap habang may suot suot pang headband na may mukha ko. Sobrang cute dahil pati banner mayroon din siya.

Nang matapos ako’y wala na akong chance para panoorin ang ilang kandidata dahil nagtungo na ako sa pwesto namin nina Mima para sa look ko sa long gown.

“Ang galing mo, Nak! Anak nga talaga kita!”ani Mima Sunny.

“’Yan, anak mo lang kapag may nagawang maganda.”ani Mima Joan kaya nagtawanan kami. Tila nawawala ang tensyon sa akin dahil parang nawala rin ang mga kaba ng mga ito. Para lang kaming normal na nag-uusap usap kapag nasa salon kami kaya ganoon na lang din ang pagkalma ko.

Nang maayusan na nila ako para sa long gown, hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil talagang bonggang bongga ‘tong gawa ni Trinity. Aba’t sobra kayang kinulit ni Mima ito kaya hindi na ako magtataka, sobrang galing din naman kasi ni Trinity.

Just like earlier, naging maganda naman ang lakad ko at satisfied naman ako sa sarili. Maya-maya lang ay nagsimula na ang awarding at ang pagbanggit ng mga nakapasok sa top 5.

“For our people choice, candidate naumber 3!”anang host. Napatingin pa ako sa number ko dahil nasa akin ang tingin nila. Malapad naman akong ngumiti at nagtungo roon. Sa sobrang kaba ko’y halos nataranta pa akong maglakad para kunin ang award ko. Tilian naman mula sa crowd ang narinig.

“So for our most friendly award, all of our candidate voted for someone who deserve the award…”nakangiti pa rin ako habang bumabalik sa pwesto ko.

“Candidate number 3!”sambit pa ng host kaya hindi ko maiwasang matuwa. Nakakaoverhelm na nakadalawa akong award na nakuha.

“For our best smile award, sinong hula niyo?”tanong ng host at napatingin pa sa crowd. Halo-halo naman ang numerong sinabi nila. Hindi pa ako nakakabalik ay tinawag na ulit ang numero ko. Hindi ko naman mapigilan ang gulat dahil ang gusto ko lang naman ay ang magkaroon ng magandang experience sa pageant na ‘to.

“And for our Ms. Photogenic, Candidate number 3.”sambit pa nito.

“Wala na, may nanalo na!”sigawan ng mga tao kaya naman hindi ko maiwasang matawa at mapangiti na lang din.

“Ano naman ang masasabi mo, Candidate number 3?”tanong pa sa akin no’ng host.

“Wow, true ba itech?”natatawa kong tanong dahil sobrang dami kong bulaklak na hawak ngayon. Nagsitawanan naman sila dahil do’n. Maya-maya lang din naman ay binanggit na ang mga kabilang sa top 5 finalist. Unang una na binanggit ang numero ka na dahilan kung bakit nagsigawan ang mga tao rito. Napatawa naman ako ng mahina habang tinitignan ang mga kaibigang halos magwala na sa isang gilid.

Panghuling tinawag si Ginly na siyang marami ring supporters niya ang narito, ang daming tao niyang kasama roon. Natigilan lang ako nang makita ang elganteng babae na kakapasok lang sa loob. Eelgante niyang pinapalakpak ang kamay para suportahan ang anak.

Nang makapasok ako sa loob, hindi ko mapigilang isipin ang tungkol doon. Kahit na panay puri sa akin ng ilang kakilala’y hindi ko sila magawang ngitian dahil doble doble na ang kabang nararamdaman.

Nang tawagin na kami at ako ang unang pinalapit para sa magaganap na question and answer. Hindi ko man gustong hanapin ngunit kitang kita ko agad ang mga mata ni Mama habang nakatingin sa akin. Ang disgusto mula sa kanyang mga mata’y hindi pa rin nawawala. Para pang hindi natutuwa nang makita ako sa pageant na ‘to.

“If I were a genie in a bottle and could grant you any one wish what would that be?”the judge asked. Nakalingon pa rin ako kay Mama. Ang mga mata niya’y punong puno ng hinanakit.

“I… I…”hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin habang hinihintay ng mga taong sumagot. Dinig na dinig ko na ang mga ‘Boo’ ng mga tao ngunit sa iisang tao lamang ako nakatingin. I want to answer na gusto kong mahalin ng magulang ko ngunit parang walang lumalabas sa aking mga labi lalo na’t kita ko pa ang iritasiyon mula sa mukha niya.

“I don’t know the answer, Sir…”ani ko kaya naman dinig ko ang tawanan ng mga tao. Kita ko naman ang pagngiwi ni Mama tila ba diring diri ‘to sa akin. That was a interview question, sasambitin pa lang nito ang totoong tanong ngunit wala ng kahit na anong pumapasok sa isipan ko. I was too preoccupied sa tawanan at lalo na sa pandidiring pinakita ni Mama sa akin. Para bang ang kumpiyansa sa sariling sobrang tagal kong binuo, crumble into a pieces. Bakit kasi bobo ka, Chora?

Dinig na dinig ko naman ang tawanan nila nang walang narinig na sagot mula sa akin ngunit natigil ako nang makarinig ng palakpak mula sa iisang tao. Nakita ko si Atlas na siyang para bang sinasabing ayos lang ang lahat, na nariyan siya at hanga pa rin sa akin. Nangilid ang luha ko ngunit pinigil ko ang maiyak. Ngumiti lang ako ng malapad bago umalis doon at nakinig na sa ibang kandidata. Doon naman ako magaling, ang ngumiti.

Maya-maya lang ay si Ginly na ang tinanong.

“To win this crown tonight, of course.”malapad ang ngiting saad niya nang tanungin siya sa kung anong gusto niya.

“And if I can have an extra wish, I want to have that someone I really like for a long time.”anito at lumingon pa sa gawi ni Atlas.

“Oh, that someone must be really special, who wouldn’t love you, anyway?”natatawang saad pa no’ng host. Oo nga naman, sino nga bang hindi magkakagusto sa’yo, Ginly? Gusto ka nga pala ng lahat.

Napaiwas na lang ako ng tingin. She perfectly answer the real question they have. She’s really perfect for the crown. Mukhang matutupad nga talaga ang hiling niya ngayong gabi.

“For our 4th runner up, candidate number 3!”anang host. Malapad naman akong ngumiti para tanggapin ang korona kahit hindi ko gusto. Kahit gusto ko na lang magtago sa kung saan, kahit gusto ko ng umalis. Pakiramdam ko anytime ay magbebreak down ako sa harap lalo na’t kapag nakikita ko ang mga mata niyang hindi natutuwa sa akin. It fucking hurt.

Nang isuot sa akin ang korona, napakabigat, parang gusto kong alisin ngunit malapad pa rin akong ngumiti sa kanila kahit pagod na pagod na ako. Kahit gusto ko ng takasan ng lahat.

Maya-maya lang ay kinoronahan si Ginly bilang Ms. Sea, 20**. Kita ko ang tuwa ng Mama niya, proud na proud ‘tong lumapit dito at hinalikan pa. Niyakap ng mahigpit na akala mo’y isa sa pinakamahalagang koleksiyon niya. That’s the thing she can’t do to me. Para sa kanya, para akong taeng hindi pupwedeng lapitan. Taeng dapat na iwasan.

Malapad lang din ang ngiting ibinigay ko sa mga kaibigan na nagpapakuha ng litrato kasama ako.

“Sorry, mga Sis, ganda lang talaga ang meron ako.”pagbibiro ko sa kanila kaya nagtawanan naman ang mga ito. Ako na mismo ang pupuna sa sarili dahil ayaw kong makarinig ng kung ano anong salita tungkol sa kanino.

“Girl, alam namin ‘yon kaya congrats pa rin! Huhu! Ang galing mo, parang hindi Chora’ng nakikipagbardugalan sa room araw araw!”natatawang saad ng mga blockmates ko at yumakap pa sa akin.

“Cho, galing mo!”ani Indigo na siyang malapad ang ngiti sa akin. Himalang hindi ako nito inasar dahil sa questiom and answer.

“Sayang, Cho, pero galing mo pa rin! Hindi kita nakilala sa paraan ng paglakad mo. Akala mo’y si Pia.”anila. Ngumiti lang naman ako. Maraming nagpakuha ng litrato. Ganoon din sina Aling Tessie na proud na proud pa rin sa akin. Anong dapat ikaproud doon gayong wala nga akong nasagot, gayong ang bobo bobo ko.

“Hangang hanga sa’yo ang bunso ko, Cho. Sabi ko na e, kaya mo talaga.”aniya na nginitian pa ako. Hindi ko pinahalata sa kahit na sino na gustong gusto ko ng umiyak. Nakipagtawanan lang kahit na minsan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nina Ginly. Tuwang tuwa ang mga kilalang tao habang cinocongrats siya.

Nang matapos ang walang sawang pagbati nila sa akin, naglakad lang ako patungo sa backstage ngunit bago ko pa magawa ‘yon ay may humila na sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

“You know that it’s fine not to smile when you’re sad, right?”tanong ni Atlas sa akin tila ba kabisadong kabisado niya na ako.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon