Chapter 8
Melchora’s POV
“Chora! Ang tagal mong kumilos, naggown ka pa ata!”ani Mima Lena mula sa baba.
“Ito na po, Mima! Relax lang kayo diyan.”natatawa kong saad bago ako lumabas ng kwarto habang dala dala ang pouch ko.
“Aba’t talaga pinaghandaan, huh?”nakangising sambit sa akin ni Mima Sunny.
“Syempre po, Mima, baka mamaya nandoon si Yela! Sobrang excited na po ako!”hindi ko mapigilang sambitin.
“Aba’t hindi mo ata alam na sikat din kaming make up artist, hindi ka man lang naeexcite kapag araw araw mo kaming nakikita.”sabi nila sa akin kaya natawa ako.
“Alam ko mga Mima, the best kaya kayo, I love you!”ani ko at isa isa pa silang niyakap.
“Baka hindi ka namin maasikaso, Nak, alam mo naman na kami ang maghohost, hindi ba?”ani Mima Joan.
“Sobrang ayos lang po, Mhie!”nakangiti kong saad. Sumakay naman na kami sa kotse ni Mima, nangalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas. Paulit ulit ko pang tinignan sa salamin ang mukha.
“Maganda ka na, Ineng, aba’t tigilan mo ang pagsilip sa sarili.”natatawang saad ni Mima Sunny. Napanguso naman ako at hindi mapakali sa kinauupuan.
Nang makarating kami roon ay hinatid lang nila ako sa crowd at naglakad na patungo sa stage dahil silang tatlo ang host sapagkat sila ang tagarito. Nilibot ko naman ang mga mata, wala pang gaanong tao, halos ang mga tagarito pa lang ang nakikita ko, mga kilalang tao na tagarito sa amin.
Naglakad lakad naman ako sa mga vip na table na may mga salamin, ishoshowcase din kasi ng ilang make up artist ang talent nila. Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang nagdagtingan na ang ilang kilalang tao sa ibang lugar, well, gabi na rin naman kasi, may ilang media din sa labas. Hinihintay ang mga nagsisidatingan.
Maya-maya lang din ay nagsimula na ang event. Naglibot libot na ako, may mga nakitang sikat na artista ngunit ang mga make up artist ang gusto kong makita. Puno ang linya no’ng isang sikat na make up artist. Aba’t mahawakan ka lang nito’y parang ang swerte mo na, mamake up-an pa kaya. Nanatili lang akong nanood sa paraan ng pagmemake up niya. Hindi naman talaga maitatanggi na magaling ‘to. Napangiti na lang ako at naglibot pa muli. Mayroon ding mga nakamask, mukhang mga amateur na nakausap ni Mima, magagaling din sila.
May isang nakamaskara naman ang umagaw ng atensiyon ko, talagang tila ba alam na alam niya na ang ginagawa, maski ang mga kulay na babagay ngayong gabi’y ginawa niya rin ng maayos. Napangiti naman ako habang nakatingin do’n.
“Hey, aren’t you going to apply some make up to your face?”tanong nito. Ayaw ko. Hindi ko kasi makikita kung paano niya gagawin. Gusto kong makita.
“Are you Yela by any chance?”hindi ko alam kung masiyado lang ba akong nag-iisip na nandito talaga si Yela o ano pero kasi naman I really want to see her, bukod sa maganda at mukhang artista, ang galing niya talagang make up artist. Madalas ko kasi siyang mapanood ngayon sa tv, sumali siya sa isang make up competition sa ibang bansa, ang galing niya! 1st runner up siya pero sobrang laking gantimpala na noon no.
“Why do you say so?”tanong niya, wala naman na kasing mga taong nakapila rito dahil naroon na silang lahat sa mga sikat na make up artist. Actually, gusto ko ring magtungo roon pero gusto ko rin namang makita ang mga estilo ng iba pang make up artist na nandito, hindi lang din naman ako dahil marami ring mahihilig sa make up.
“Hmm, it’s just that mukha lang po.”ani ko at ngumiti. Mukha namang hindi siya si Yela dahil ang sabi ng mga tao’y masungit daw ‘yon sa personal.
“Do you mind if I wipe your make up?”tanong niya nang maupo ako para subukan ‘yon. Ngumiti naman ako at tumango, marunong ako but gusto ko pang mas mapag-aralan ang skill na meron ako. Dinama ko naman ang paraan ng pag-aayos nito, nagtanong tanong pa ako sa kanya na sinagot niya din naman.
“You’re Yela, aren’t you?”mas sigurado ko ng tanong sa kanya ngayon.
“The way you talk, the way you say things, the way how you explain things Yela’ng Yela.”ani ko pa. Napatawa naman siya roon.
“Maybe you’re just imagining things.”aniya kaya napanguso ako.
“You think so?”tanong ko at natawa na lang din sa sarili, baka nga.
“But infairness, you’re really good, I hope na makilala ka rin someday.”ani ko at napatingin pa sa salamin. Magaling talaga ‘to, she really remind me of Yela, mukha na talaga akong Yela.
“Nice to meet you, Chora, is it?”nakangiti nitong saad nang alisin ang maskara. Nanlaki naman ang mga mata kong napatingin sa kanya. Napatakip pa ako ng bibig dahil dito. Sabi ko na nga ba e!
“I… I’m your fan, Ms. Yela.”mas naging pormal naman na ang tinig ko habang nagpapakilala sa kanya ngayon kaya naman napatawa siya sa akin.
“Omg, I can’t believe it, you just touch my face, pwede na akong himatayin.”natatawa kong saad na hindi pa rin makapaniwala habang nakatingin sa kanya. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.
“You kinda have an eye.”aniya. May mata naman talaga ako. Hindi mawala ang ngiti ko roon.
“Can I have an autograph?”tanong ko na nilabas pa ang ballpen at papel.
“Sure but let me ask you a favor.”sambit nito kaya napatango ako.
“Can you retouch my make up? Haggard ako diyan sa maskara.”aniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Para akong binudburan ng asin sa kilig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Nagjojoke ba siya?
“I saw you earlier, you keep on looking on how those make up artist put their make up to client. Looks like you know it dahil nagtatanong ka rin kanina.”aniya. Hindi ko naman na pinalagpas pa ang pagkakataon at tumango ako kahit doble doble ang kaba, it’s Yela. Pakiramdam ko’y kailangang perpekto ang paraan ng pagmemake up ko sa kanya.
Naupo naman siya sa kinauupuan ko kanina. Sinampal ko pa ng isang beses ang sarili para mawala ang kaba, isang beses lang ‘to sa buhay mo, Melchora, umayos ka. Nagsimula naman na ako nang kumalma.
Nanatili lang naman ang mukha ni Yela na walang emosiyon, hindi naman ako nagpadala roon, wala akong oras para kabahan ngayon. Ang haba ng pilik mata nito, daya, sarap curler-an. Napangiti naman ako ng matapos ang make up ko sa kanya.
“Are you satisfied?”tanong niya na nakataas ang kilay. Napatikhim naman ako at nawala ang ngiti sa labi, akala mo’y huhusgahan ako. Doble doble tuloy ang kaba.
“I’m asking if you’re satisfied?”tanong niya pa muli.
“Medj po.”ani ko naman para mawala ang kaba. Natawa naman siya sa naging sagot ko.
“It’s good but you should practice more.”aniya kaya agad naman akong napatango.
“Hope to meet you someday in the make up industry, lil missy.”nakangiti niyang saad na inabot pa ang autograph sa akin. Para naman akong nawalan ng hininga nang makita kong umalis na ‘to. Hindi ko na rin namalayan ang mga taong nakapalibot pala sa amin kanina pa, mukhang namukhaan din nila si Yela. Hindi naman ako makapaniwala roon. May mga guard siyang kasama na humarang sa kanya.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad lakad, nakikinood lang ngunit ngayon ay mas maganda na ang mood ko, parang ayaw ko na tuloy burahin ang make up ni Yela, napatawa naman ako sa sariling iniisip.
Habang naglalakad ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mima Joan.
“Hello po, Mima?”bungad ko sa kanya.
“Halika rito sa backstage, dalian mo.”aniya kaya napanguso ako na sumunod na lang. Naglakad naman na ako patungo roon. Haharangin pa sana ako ng ilang bouncer ngunit mukhang sinabihan na rin naman nina Mima. Nang makapasok ay kita ko agad sina Mayor doon saka ang ilang sikat na sikat talagang mga artista at make up artist, hindi ko naman maiwasang mamangha roon.
“This is my daughter Melchora.”ani Mima Joan. Alam ng lahat na ampon ako ni Mima Joan, hindi nila alam na pamangkin niya ako. Wala naman ding pakialam ang ina ko dahil simula pa lang ay tago na talaga iyon.
Agad naman akong napangiti nang makita si Yela na siyang bahagyang nagulat nang mapatingin sa akin.
“Good evening, Ma’am Yela.”nakangiti kong saad.
“She’s your fan, can you give her an autograph?”tanong ni Mima ngunit naging malapad lang ang ngiti namin sa kanya ni Yela.
“We already met, Mima.”nakangisi kong saad at pinakita ang autograph ni Yela sa akin. Napaawang naman ang mga labi ni Mima sa akin dahil do’n kaya mas lalo lang akong natawa.
“Your daughter is kinda good, mas magaling pa sa’yo, Joan.”ani Yela kaya natawa ako, I know Mima, kahit kailan ay hindi ako maikukumpara rito, she’s the reason kung bakit gusto kong maging beautician. She’s one of the best make up artist I’ve known.
“I know that.”nakangiting saad ni Mima Joan at ginulo pa ang buhok ko. Bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Atlas na siyang nasa table lang nina Mayor habang tahimik na nagmamasid sa paligid. Mukhang kasama nito si Georgiana. Malapad ko naman siyang nginitian nang mapatingin siya sa akin. Parang wala naman siyang nakita kaya napanguso ako.
Nang lumabas ito’y nagpaalam na ako kina Mima dahil abala na sila sa pakikipagkwentuhan sa mga tao sa loob, mga sikat na artista na ang mga ‘yon kaya mas gusto kong mapanood ang mga make up artist sa labas.
“Hi! Hindi mo naman sinabing nandito ka pala!”nakangiti kong sambit kay Atlas, hindi niya naman ako pinansin, malapad naman ang ngiti ko kahit na ganoon.
“Why would I tell you?”masungit na tanong niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti na lang, kahit kailan ay ang suplado talaga nito. Natawa naman ako at sumunod pa rin sa kanya. Hindi niya na ako pinansin pa at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makahanap siya ng mauupuan. Isinalpak niya lang din ang earphone sa tainga niya bago sinulyapan ang kalangitan.
Malapad naman ang ngiti kong tumabi sa kanya at isinalpak ang isa sa akin, nilingon niya lang ako ngunit hindi na rin naman pinansin pa. Aba’t nabengga ako sa kanya kanina pero hindi ibig sabihin na hihinto na ako gayong kauumpisa ko pa lang.
“Oh, I like this one!”nakangiti ko pang sinabayan ang kanta, nilingon niya naman ako, nagtagal pa ang tingin niya sa akin kaya malapad ko siyang ngitian.
Nang mag-iba naman ang tugtog, hindi ko alam kung anong kanta ‘yon pero masarap sa pandinig, napatingin naman ako kay Atlas nang makitang sinasabayan niya ang kanta. Napangiti naman ako habang nakatitig dito. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Malapad naman akong ngumitu bago nilipat ang mga mata sa harapan.
Natigil ako nang mapansin ang isang babaeng sopiskitadang naglalakad habang may ilang body guard na nakasunod sa kanya. Agad na nawala ang atensiyon ko sa tugtog dahil napunta sa babae. She’s still pretty as always, napakagat ako sa aking mga labi nang mapatingin siya sa akin. Ang disgusto sa kanyang mga mata’y hindi pa rin nawawala. Napakuyom lang ang kamao ko. Hindi ko mapigilang mapaiwas na lang ng tingin dahil katulad noon, hindi ko pa rin matagalan abg tingin nito na para bang hindi niya ako anak… na para bang isa lang naman ang masamang nilalang na sana’y hindi niya na binuhay pa noon.
“What’s wrong?”nagising lang ako sa pagkalunod ko sa mga iniisip nang mapatingin sa akin si Atlas. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Kapag nilulunod ka na ng lungkot, lumangoy ka.”natatawa kong saad. Mukha naman siyang nawiweirduhan sa akin. Hindi ko alam kung sa kanya ko ba sinasabi o sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Teen FictionPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...