Chapter 36
Melchora’s POV
“Tara na.”aniya nang ilagay ko lang ang mga gamit niya at lumabas na sa kotse.
“Nasa hotel pa ang gamit ko.”ani ko.
“Nandito na.”sambit niya na tinapik pa ang mga gamit ko na nasa likod. Napakunot naman ako ng noo dahil do’n. Dinala na nina Melly? Ang mga bruhang ‘yon.
“Akin na.”utos ko habang tinuturo ang mga bag. Aba’t wala akong pakialam sa issue kaya lang ay gusto ko ng payapang trabaho, alam ko ng pag-iinitan ako ni Jana pero baka may mas ilalala pa ang trato no’n sa akin. Hindi naman na ako hinayaan pang makasalita ni Atlas at hinila na lang papasok sa kotse niya. Nagpahila rin naman kaya tuluyang nakapasok.
Mukhang nasa van na ang manager niya dahil kami lang namang dalawa ang nandito. Nangalumbaba na lang ako habang nakatingin sa labas. Mabilis lang naman din ang byahe dahil nakarating na rin naman kami agad sa fortune island resort. Hindi ko naman mapigilang mapangiti roon. Pumasok na rin agad kami ni Atlas at napagpasiyahan na doon na hihintayin ang mga kasama. Nandito na rin naman ang iba. Magrerent lang kami ng ilang cottage para sa aming lahat, ngayong gabi lang naman kami matutulog dito dahil kinabukasan ay uuwi na rin naman kami.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa kaakit akit na lugar. Ang sarap ng simoy ng hangin. Amoy dagat, maririnig mo rin ang hampas ng tubig mula sa dalampasigan.
Inayos ko lang ang gamit ni Atlas bago ko kinuha ang akin at nagtungo na kina Ava na siyang malapad ang mga ngisi sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapailing habang nakatingin sa mga ito. Aba.
“Girl, ikaw na talaga.”natatawang saad ni Juls.
“Anong ako na? Ako na ang utusan sa babaeng lahat?”tanong ko kaya napatawa si Ava.
“Sus, crush ka lang no’n kaya ikaw inuutusan ng inuutusan. Infairness, sarap sigurong maging jowa ni Atlas no?”tanong pa ni Melly.
“’Yan tanong niyo si Melchora, alam na alam niya ‘yon.”natatawang saad ni Juls. Oo. Sobra. Pero bakit ko sasabihin?
“Ang sarap ng pafoods ng ex mo, Sis! Lahat ng staff na nasa hotel nilibre niya, iba talaga kapag yayamanin!”ani Ava. Bahagya naman akong nagulat doon. Yayamanin nga talaga ang isang ‘yon. Akala ko ang sinasabi niya lang kanina ay ang manager at ilang kasama niya lang.
Nagset up na rin sila para sa first shoot at mamaya magtutungo na rin kami sa fortunate island, kailangan sumakay ng bangka patungo roon. Kumuha lang din naman sila ng mga extra rito sa lugar. Namamangha pa nga ang iba habang nakatingin sa gawi namin.
Naging abala naman na rin agad kaming lahat, mga natural look lang din naman ang make up na gagawin kaya medyo mabilis lang din. Hanggang sa magtanghali ay ganoon nga. Wala pang scene si Atlas dito kaya naman hindi ko alam kung nasaan siya, mukhang nagpapahinga ata.
“Cho, tara na, swimming saglit!”yaya sa akin nina Ava na siyang kanya kanyang suot na ng bikini. Napangisi naman ako sa kanila dahil do’n.
“Sunod ako, mga loads, may pinapagawa pa si Jana.”ani ko dahil ako pa ang pinaglilinis ni Jana ng mga gamit namin. Ako kasi ang pinakabata na walang natapos sa team kaya ganoon siya.
Hindi na rin naman ako nakasunod pa kina Ava dahil akala mo’y gwardiya si Jana na tinititigang mabuti ang ginagawa ko. Kapag may mali ay agad niyang napupuno.
“Cho, kumain ka muna.”ani Kuya Franco na may dalang pagkain.
“Uyy, thanks po, Kuya.”nakangiti kong saad kaya nginitian niya rin ako pabalik. Maya-maya lang din ay ready na silang magtungo sa fortunate island sakay ng bangka. Kanya-kanya na kaming sakayan doon.
“Chora, pakidala duffle bag.”ani Atlas sa akin. Hay nako, hindi lang si Jana ang pasakit sa buhay ko. Nakasakay na ako sa bangka’t lahat lahat ako pa ang naisipan nitong utusan. Napababa tuloy ako ng ‘di oras. Nagtungo ako sa gamit niya para kuhanin ang duffle bag, nanlaki ang mga mata ko nang makalayo na ang bangka.
“Tara na.”ani Atlas, kahit paano’y nawala naman ang kaba ko na naiwan. Sumakay na ako sa bangka katabi ni Atlas. Hindi ko naman maiwasan ang ngiti habang nakatingin sa paligid.
“Ang ganda…”hindi ko mapigilang sambitin.
“Naalala mo no’ng pumunta tayong elyu? Nakakamiss ‘yon! Naalala ko nga pa lang hindi ka marunong magsurfing.”natatawa kong saad sa kaniya.
“Yabang mo! Porket laking tubig ka.”aniya kaya parehas kaming natawa sa tinuran niya.
“Ulol, may ganoon ba? Nakakamiss.”hindi ko mapigilang ibulalas habang nakatingin sa paligid. Napansin ko naman ang tingin niya sa akin kaya pinataasan ko siya ng kilay.
“Tanga ka e, ipinamigay mo ako.”aniya kaya napaawang ang mga labi ko at magsasalita na sana ngunit wala ring lumabas na mga kataga, napatikom na lang tuloy. Aba’t bakit may pangatake? Tanga ko nga.
“Bobo mo, reminisce lang walang sumbatan.”ani ko dahil wala ng masabi sa kanya.
Parehas naman na tuloy kaming natahimik hanggang sa makarating doon. Bobo siya e. Imbis na masaya kami. Panira amp.
Nang makarating kami roon ay kasabay ko siyang nagtungo roon habang dala dala ang duffle bag niya. Nagsisimula ng mag-retouch sina Jana nang makarating kami kaya masama ang tingin niya sa akin lalo na’t nakitang may kasama nanaman akong artista sa tabi. Pinaglihi talaga ata ang isang ‘to sa sama ng loob.
Nagsimula naman ang shoot kalauna. Sa may panthaleon gaganapin ang shoot. Ang ganda sa part na ‘yon. Para kang nasa greece dito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin doon, kahit paano’y nakakawala ng pagod.
“Ms. Benavidez, sunblock.”ani Atlas na siyang wala pang scene, hindi ko naman mapigilang samaan siya ng tingin kaya pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Pinaiwan niya pa sa kabilang parte ang duffle bag niya. Nakasimangot naman akong nagtungo roon. Kinuha ko lang sa may bulsa ang sunblock. Bumalik lang din ako sa kaniya, nakaupo siya sa folding chair na talagang dinala niya pa rito.
“Oh, baka gusto mong apply-an na rin kita, Mr. Garcia?”nakangiti kong tanong sa kanya.
“Why not?”aniya kaya napabulong ako.
“Neknek mo.”bulong ko sa sarili kaya tumaas ang kanyang kilay.
“Ano?”tanong niya.
“Hehe, wala ho, sabi ko’y sige po.”ani ko na naglagay ng sunblock sa kamay at ipinahid na sa kanya ngunit bago ko pa magawang ipahid lahat, agad na siyang napalayo sa akin na wari ba’y napapaso. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n. Wow, kahit paano’y loyal naman pala siya sa girlfriend niya. Aba’t kahit ako rin naman ay baka gerahin ko pa siya kung sakaling makitang may papahid pahid ng sunblock.
“Cho! Ako na lang apply-an mo!”ani Cruix na malapad ang ngiting papalapit sa akin. Bago ko pa lagpasan si Atlas ay agad niya nang nahawakan ang palapulsuhan ko.
“Dito ka. Subukan mo lang.”banta niya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Aba’t sinong nagsabing may karapatan siyang magdesisyon para sa akin?
“Ako na.”aniya na hinila pa sa kamay ni Cruix ang sunblock. Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko nang makita kong talagang ipaahid niya nga ‘yon kay Cruix.
“Pakihiludan na rin likod ko, Pre.”ani Cruix sa kaniya na parang wala lang naman kung siya ang maglalagay, ganoon din si Atlas. Hindi ko naman maiwasang mapangisi sa kanilang dalawa. Kinuhanan pa sila ng litrato ng dalawa nilang manager. Napasimangot silang dalawa dahil do’n. Iniwan ko na rin naman sila para tumulong kina Jana.
“Ano? Tapos ka ng lumandi? Oportunista ka rin talaga no?”nakangiwi niyang saad. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Medj ho.”ani ko sa kanya. Pikon na pikon siya sa akin kapag minsang nagagawa kong sumagot ng sarkastiko sa kanya.
Pagod ako nang matapos ang shoot, paano’y kabilaan ang utos sa akin. Si Jana na may kasama pang pang-iinsulto kapag nag-utos tapos isama mo naman si Atlas na hindi rin nauubusan ng kung ano anong ipinagagawa. Ang punyetang ‘yon pati shell ay ako ang ipinaghahanap. Masamang masama tuloy ang loob ko dahil hindi man lang ako nakapagdive sa dagat dahil pagabi na rin ng bumalik kami sa fortune island resort.
“Uyy, Cho, bakit ganyan ang mukha mo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa.”natatawang saad sa akin ni Ava.
“Huwag mong badtrip-in baka tayo mabulyawan.”sambit naman ni Juls na siyang tinulungan din naman ako kanina. Actually silang tatlo nina Melly.
Nagsimula na rin naman kaming mag-ayos para sa magaganap na barbeque party ngayong gabi. Nakakahiya naman sa mga kasama namin kung walang tutulong sa team namin dahil nagpapasarap na ang ilang kasama. Mabuti na lang ay kahit paano nitong gabi’y nakaligo ako sa dagat, hindi nga lang ganoon katagal dahil medyo malamig at pagod pa ako.
“Cho, paabot, barbeque.”ani Atlas sa akin nang magsimula na kami, ako ang nagpapaypay nang lumapit siya, aba’t kukunin na lang, huh? Napasimangot ako sa kanya dahil do’n, pinagtaasan niya muli ako ng kilay kaya plastik ko siyang nginitian.
“Baka gusto mong subuan na rin kita, Lodicakes.”ani ko kaya matapang naman niya akong tinignan. Aba’t kanina lang kung makalayo ay akala mo may virus ako.
“Bakit hindi?”tanong niya kaya naman malapad ko rin siyang nginitian at dahan dahan pang sinubo sa kanya ang pagkain. Napatikhim lang ako nang makita ang tinginan sa amin ng ilang artista at staff na nandito lalo na sina Jana at Grace na siyang masama ang tingin sa akin.
“Walang kamay ‘yarn?”tanong ko na umayos pa ng tayo bago iniabot sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin tila ba nanalo siya sa aming dalawa.
“Oh, huwag mong sabihing hindi ka pa nakakamove on?”nakangisi niyang tanong sa akin kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Well, hindi pa nga ako nakamove on pero bakit ako aamin?
“Alam ba ng girlfriend mo na maharot ka? Na nagpapasubo ka sa ibang babae, kung ako girlfriend mo, putulin ko dila mo.”Kaso hindi ka niya girlfriend, Cho. Tinalikuran ko siya upang hindi na humaba pa ang diskusiyon. Magsasalita na kasi dapat ito. Kinausap ko si Ava at nakiusap na siya muna ang magluto. Naglakad naman na ako patungo sa may dalampasigan. Gusto ko lang magpahangin. Nakakapagod kaya dahil na rin kay Jana na siyang isa ring palautos idagdag mo pa si Atlas na bawat kilos ay kailangan nakasunod ako.
Naupo lang ako sa buhangin at napatitig lang sa kalangitan nang may magsalita sa gilid ko.
“Ang landi mo rin no? Hindi ko alam kung paano mo naaatim ‘yang kaharutan mo, hindi mo ba mapakalma ang kiki mo?”nakangising tanong sa akin ni Grace. Bahagya naman akong nagulat sa tono ng pananalita nito. Hindi ko siya kailanman narinig na nakipag-usap ng ganoon sa ibang tao. Bahagya naman akong napangisi, artista nga ata talaga ito. Hindi ko alam kung paano nakakayang mamuhay ng hindi totoo ng mga ito. That’s kinda tiring, araw araw kang nagpapanggap sa katauhang hindi naman talaga ikaw. Napakibit na lang ako ng balikat dahil sino nga rin naman ako para humusga?
In this industry, minsan kailangan mong magpanggap para lang magustuhan ka ngunit ang tanong gusto ka nga ba talaga nila? O dahil lang sa katauhang ibinigay mo sa kanilang mga isipan?
“Wala akong nilalandi, Grace, and may I ask you something?”tanong ko kahit na nagtatanong naman na ako.
“Really? Then what’s the meaning of that? Bakit kailangan mong subuan?”tanong niya na masama ang tingin sa akin.
“Kayo ba ni Atlas for you to act like that?”tanong ko at ngumisi sa kanya. I mean, alam ko naman na hindi rin ako perpekto dahil kakaiba rin ako kung magselos pero may karapatan naman ako noon at noong wala pa’y alam ko naman ang limitasiyon ko.
“Sis, sobrang pretty mo, you don’t have to act like that.”ani ko na ngumiti pa sa kanya.
“Ang daming nagkakagusto sa’yo, hindi mo kailangan maghabol.”sambit ko pa. Ulol, Chora, ikaw nga’y hindi mo mapigilan ‘yang sarili na magkagusto kay Atlas. Aba’t lahat ng advice mo’y ginagawa mo rin namang pagkain.
“At sino ka naman para sabihin ‘yan sa akin! Isa ka rin namang malandi!”mahinang sigaw niya sa akin, mukhang ayaw ding marinig ng mga kasama.
And just like that, nadagdagan nanaman ang taong pasakit sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Teen FictionPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...