Chapter 49

1K 31 1
                                    

Chapter 49
Melchora’s POV

“Akala ko ba’y may trabaho ka pa?”tanong ko na pinagkunutan pa si Atlas nang makita siyang nakatayo rito sa tapat ng apartment habang may dala dalang pagkain.

“Kakatapos lang, lods.”aniya naman na napakibit pa ng balikat. Pinagbuksan ko lang siya ng pinto kaya dire-diretso naman siya patungo sa sofa.

“Saan ang punta? Sama…”aniya sa akin dahil basa ang buhok ko.

“Gago, porket naligo may pupuntahan na? Ginawa mo naman akong dugyot.”sabi ko na inirapan pa siya. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n at hinila ako palapit sa kaniya.

“Pero aalis talaga ako mamaya para maggrocery.”ani ko kaya napahagalpak siya ng tawa. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay doon ngunit hindi rin naman huminto.

“Sama, Loads.”sambit niya kaya nanliit ang mga mata ko.

“Huwag na, baka imbis na mabilisang grocery, mapatagal nanaman dahil sa sobrang dami mong fans.”natatawa kong saad at kinuha ang suklay para mag-ayos sandali ng buhok.

Nanood lang naman kami sandali dahil maya-maya pa ang alis ko, ang aga kaya nitong si Atlas.

“Nagovernight ka o hindi ka lang talaga pumasok?”tanong ko na pinaniningkitan ng mga mata si Atlas.

“Pumasok, Loads, mabilis lang naman ang shoot. Hindi ko na rin hinintay na matapos ang sa iba.”aniya na sumandal pa sa akin. Hinayaan ko naman siya dahil mukha ring pagod.

Wala pa rin akong trabaho at sinusubukan ko naman ang mag-apply sa malalaking salon, isa na lang ang hindi pa naapply-an, ‘yong pinakamalaking salon, salon nina Mima. Hindi naman sa takot ako o ano pa man, hindi ko lang gustong magtungo roon dahil alam ko kung sino ang may-ari, ‘yong kapatid ni Mima Joan na siyang naalala lang siya noong may iiwanan ng salon.

Habang wala pa naman akong trabaho’y sinusubukan kong sumali sa ilang competition online. Bukod sa wala akong ginagawa, ayaw ko namang matengga ang talento ko.

Nakatulog na si Atlas sa panonood namin ng movie kaya naman sinandal ko siya sa sofa at kinumutan. Naging abala naman na ako sa paglilinis at pag-aayos ng apartment nang matapos ay umupo muli ako sa sofa na nasa tapat lang ni Atlas para magpractice magmake up para sa competition na nakita ko online.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang magsalita si Atlas na siyang pinapanood pala ako sa ginagawa.

“I can be your model, you know? Anong use ng may boyfriend kang model kung hindi mo gagamitin?”tanong niya pa sa akin.

“Huwag ka ngang assuming, Atlas, hindi pa kaya tayo.”natatawa ko siyang inirapan. Himdi pa kami ngunit parang kami na rin naman dahil sa lakas naming dalawa na magnakaw ng halik, magholding hands at kung ano ano pang ginagawa ng magjowa at hindi manliligaw.

Umupo naman siya sa tapat ko kaya nagsimula na akong ayusan siya. Hindi ko maiwasan ang ngiti habang sinisimulang pintahan ang mukha nito. Just like the old times, para kaming tangang naghaharutan at naghahalikan habang nageensayo.

“Isa kasi!”reklamo ko na sinamaan pa siya ng tingin. Napatawa naman siya dahil do’n.

“Wow, huh? You’re the one who’s seducing me.”sabi niya na inirapan pa ako.

“Wow! Ikaw kaya ‘yon! Bakit kasi soft ng lips mo?”tanong ko na hinawakan pa ‘yon at dahan dahang nilapit ang mukha para mahalikan muli siya.

“Cho…”he called my name between kisses.

“Ano?”tanong ko at napanguso.

“Gusto mo pa rin ba ako?”tanong niya sa akin kaya napatikhim ako.

“Medj.”sabi ko naman nang natatawa. Well, ang tagal tagal niya kaya akong tanungin.

"Give me my label, Cho."pabulong ma saad ni Atlas na nilayo pa ang sarili nang hahalikan ko siya muli. Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil do’n.

"Nahahalikan mo na ako lahat lahat, gusto mo pa ng label?"natatawa ko namang saad. Sumimangot naman siya dahil sa aking tinuran.

"Arte! Ikaw na nga ikikiss!”natatawa kong saad sa kaniya. Mas lalo siyang sumimangit dahil do’n kaya napahagalpak ako ng tawa. Well, gusto ko lang talagang asarin siya.

"Oo na, tayo na."ani ko kaya agad siyang ngumisi at siya na mismo ang kumabig sa baywang ko upang mahalikan ako sa labi.

"Mahal pa rin kita…”pabulong na saad ko kaya mas lalo lang dumiin at lumalim ang halik nito.

“Mahal kita. Araw-araw.”pabulong na saad niya sa akin matapos ang halik. Hindi ko naman na mapigil ang ngiting kumakawala sa aking mga labi.

Nang matapos kaming magharutan ay nagseryoso naman na kaming dalawa sa pag-aayos ko. Nang matapos ay ako naman na ang nag-ayos dahil maggogrocery pa ako.

“Sama na kasi…”nakanguso niyang saad nang makitang nakaayos na ako.

“Sige.”sambit ko na hindi niya inexpect. Well, pupunta rin kasi ako kay Mima Joan pagkatapos, gusto ko siyang ipakilala muli. Kung buhay si Mima paniguradong ibabash lang ako no’n sa katangahan ko sa buhay.

Lulan lulan ng lincoln ni Atlas, nakarating kami sa malapit na supermarket.

“Dito ka lang. Huwag ka ng bababa, kokotongan kita riyan.”banta ko sa kaniya dahil paniguradong magtatagal nanaman kami kung sakali. Napanguso naman ‘to dahil do’n.

Lumabas naman na ako ng kotse niya. Mabuti na lang din ay malaki laki ang severance pay na ibinigay sa akin.

“Ate, pupwede po bang magpapicture?”tanong sa akin ng isang babae. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n.

“Fan po ako ng love team niyo ni Kuya Atlas!”aniya pa kaya bahagya akong natawa. Loveteam ampota.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang kumakalat ng litrato namin ni Atlas, sa dalas ba naman naming magsama? Maski ‘yong mga video noong college at senior high school kami, hindi ko alam kung saan nila nakuha, mabuti na lang ay naprivate ko ang twitter account ko dahil nakakarating na rin doon ang ilan niyang fans. Maski no’ng sumali kami sa competition noon at ngayon, ang gagaling nilang mangalkal.

“Sobrang patay na patay sa’yo si Kuya Atlas, Ate no? Kita ko ‘yong vid noong inaayusan mo siya! Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang tumitig ng ganoon sa kahit na sinong artista!”halos tumili pa ‘tong mukhang teenager pa lang na batang babae. Hindi ko alam kung matatawa ako roon o ano.

“Uhh, mas patay na patay ako roon. Suplado ‘yon.”sabi ko na natatawa.

“Swerte mo, Ate! Kahit kailan hindi siya nakitang nakikipagholding hands sa kahit na sino in public place, kapag nalilink naman siya dahil lang nakipag-usap o kahit ano pa. Naniwala pa ako na girlfriend niya si Ginly noon kasi ang daming article tungkol doon tapos no’ng nakita ko si Kuya Atlas kung paano ka titigan, inlove na inlove! Parang kahit anong article hindi ko na mapapaniwalaan.”napakadaldal nito habang kausap ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

“Cho, ang tagal mo.”parehas naman kaming napatingin kay Atlas na siyang hindi man lang nagsuot ng mask, well, makikilala pa rin naman kasi siya pero kahit na! Halos magtititili naman ‘yong babae dito sa supermarket kaya napatawa ako ng mahina. Kinuhanan ko naman sila ng litrato at as usual ang dami nanamang nagdagsaan. Masama tuloy ang tingin ko kay Atlas nang matapos.

“Sabi na nga lang kasing huwag bumaba.”nakasimangot kong saad sa kaniya.

“Ang tagal mo, nakakainip sa sasakyan.”sabi niya na napanguso.

“Sino bang nagsabing sumama ka?”pinagtaasan ko pa siya ng kilay ngunit ngumuso lang siya at napakibit na lang ng balikat.

“Dalian natin, paniguradong mauupdate nanaman ang fans mo kung nasaan ka.”sabi ko na hindi na tuloy naenjoy ang pamimili. Iba talaga kapag may kasama kang superstar amp.

Nang matapos kami sa mga bilihin. Napagpasiyahan na rin naman naming umalis na.

“Sa sementeryo tayo.”sambit ko sa kaniya. Hindi naman na siya nagtanong pa sa kung saan dahil mukhang alam niya na kung saan nga ba kami magtutungo ngunit bago ‘yon ay bumili muna kami ng mga bulaklak saka na dumeretso kay Mima Joan.

Nang makapark siya ay sabay na rin naman kaming lumabas ng sasakyan. Malapad naman ang naging ngiti ko habang patungo sa gawi ni Mima.

“Hi, Mhie!”masiglang bati ko agad, hindi naman na ako nagtaka nang may makitang bulaklak sa lapida niya. Katulad noon ay mayroon ulit ngayon. Hindi ko alam kung sino ang halos araw araw na bumibisita ngunit nagpapasalamat ako roon.

“Kumusta riyan, Mhie? Masaya ka ba today?”malapad ang ngiting tanong ko habang tinatabi rin ang isa pagbulaklak sa kaniya.

“Mhie, si Atlas, boyfriend ko po ulit. Alam kong sawang sawa ka sa CB pero hehe comeback is real, Mima.”natatawa kong saad bago naupo rito sa tapat ng lapida niya.

“Magandang araw po, Mima.”bati ni Atlas sa kaniya, naupo rin ‘to sa tabi ko kaya naman nakatitig lang kami sa puntod ni Mima. It’s been years now pero parang ilang araw pa lang noong tuluyan na siyang mawala sa akin.

“Miss na miss na kita, Mhie!”sabi ko sa masayang tinig.

“You know what, Mhie, wala nanaman akong trabaho sa ngayon pero naghahanap ako, you know kapag walang tiyaga, walang foods.”ani ko pa sa kaniya.

“Kahit na may sugar daddy ako, hindi pupwedeng maging tamad, Mhie.”sabi ko pa kaya napatingin sa akin si Atlas, pinagkunutan pa niya ako ng noo dahil sa tinuran ko.

“Sino? Saan mo nakilala?”tanong niya sa akin.

“Sa salon.”natatawa kong saad.

“Ano?”mas lalo lang sumama ang tingin nito.sa akin dahil do’n.

“Sino? Anong pangalan?”tanong niya pa na sobra na ang pagkasimangot.

“Atlas.”natatawa kong saad sa kaniya. Matagal niya lang akong tinignan at maya-maya lang ay inirapan na rin ako.

“Ang bata ko para maging sugar daddy mo.”aniya na napanguso pa. Nakipagkwentuhan lang kami kay Mima, ang dami dami kong ikinukwento habang nakikinig lang naman siya.

“Alis na po kami, Mima, dalaw po ulit ako next week.”malapad ang ngiti kong saad kay Mima.

“We’ll go now, Mima.”paalam din ni Atlas at nagpaalam pa sa akin sandali na kauusapin si Mima.

“Arte!”sabi ko dahil ayaw niya akong makinig at pinapauna na sa sasakyan. Natawa na lang ako at hinayaan siya roon.

Nang makarating ako sa sasakyan ay nagretouch lang ako sandali, maya-maya lang ay palapit na rin siya. Hindi ko naman maiwasang titigan siya habang naglalakad, ang unfair ng mundo dahil mukha pa rin siyang modelo, hindi talaga nakakasawa ang mukha niya. Parang talagang pinag-isipan noong hulmahin siya.

“Sir, is that even legal?”tanong ko nang makalapit siya sa akin. Kinunutan niya naman ako ng noo dahil do’n.

“Ano nanaman ‘yon, Cho?”tanong niya dahil tinititigan ko siya. Napatawa naman ako dahil iniiwas niya ang tingin sa akin. Aba’t akala mo’y hindi niya ginagawa.

“Hahalikan kita riyan, tigilan mo ako.”irap niya.

“Halikan mo, panay salita.”natatawa kong pang-aasar kaya hinalikan niya rin ako. Halos ayaw na ngang bumitaw kung hindi ko lang ipinahinto.

Nagsimula na rin siyang magmaneho pabalik sa apartment, hindi ko naman mapigilang titigan siya dahil akalain mo ‘yon? Akin na ulit ito. Tanga ko lang dahil binitawan ko pa noon.

“Cho, kapag nabangga tayo rito, ikaw din.”sambit niya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Napatawa naman ako dahil mukha siyang nahihirapan.

“Atlas…”tawag ko sa kaniya.

“Hmm?”tanong niya.

“I never really said sorry to you no’ng tinaboy kita…”hindi ko mapigilang sambitin. Kapag naalala ko ‘yon, hindi ko mapigilang maguilty dahil hindi ko kailanman pinagsisihan. Although nanghihinayang dahil talaga namang sayang.

“Lalo na no’ng ipinamigay kita kahit ang totoo, hindi naman talaga kita pagmamay-ari na pupwede kong itaboy na lang kung kailan ko gusto…”pabulong na saad ko sa kaniya. Napatikhim naman siya dahil sa tinuran ko, pinagmasdan ko lang kung paanong nagdaan ang sakit sa mukha nito para bang naalala ‘yong noon.

“I’m sorry… paulit ulit… hindi ko alam kung paano hihingi nh tawad sa’yo dahil nagdesisyon ako ng sarili ko lang gayong dalawa tayong pumasok sa relasiyon na ‘to…”sambit ko na pinaglaruan pa ang mga daliri. Inihinto niya naman ang sasakyan sa gilid at nilingon ako.

“Kahit paulit ulit kong ipaalala sa sarili na hindi mo ako ari-arian, paulit ulit din akong dinadala ng mga paa tila ba alam kung sino nga talaga ang nagmamay-ari..."aniya.

“You own me, Cho…”

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon