Chapter 24

810 31 0
                                    

Chapter 24
Melchora’s POV

“Wala ka bang klase?”tanong ko kay Atlas na siyang abala ngayon habang binebraid ang buhok ko.

“Mamaya pa, mamaya na ako babalik.”aniya sa akin. Napatango naman ako sa kanya.

“Sure ka bang tama ‘yang ginagawa mo?”tanong ko pa sa kanya.

“Medyo.”aniya kaya napatawa ako.

“Ano nanaman ang trip mo at naisipan mong pag-aralan ‘yan?”natatawa kong tanong sa kanya.

“Hmm.”hindi niya rin naman sinagot ang tanong ko at nanatili lang sa pagbebraid ng buhok.

“Ayos na ba si Carver at Bella? May tweet si Bella kasama ‘yong boyfrined niya ngayon.”hindi ko mapigilang sambitin.

“Hindi ko alam. Hindi naman daw naging sila.”aniya naman kaya napakibit balikat ako. Nagkalabuan na rin ang dalawa simula noong kalagitnaan namin ng college. No’ng umpisa ay madalas pa silanh bumibisita sa isa’t isa hanggang sa tuluyan ng nawalan ng komunikasyon.

“Sa tingin mo ganoom din kaya tayo kapag hindi na rin tayo gaanong nagkikita?”hindi ko maiwasang itanong kay Atlas kaya huminto siya sa pagbebraid. Nilingon ko naman siya dahil do’n, busangot na ang mukha nito at masama pa ang tingin sa akin.

“Nagtatanong lang e.”natatawa ko namang saad sa kanya ngunit hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha niya.

“Stop thinking random things like that. It won’t happen.”aniya na tila ba ayaw isipin.

“Oks, Loads, why ka galit?”natatawa kong tanong ngunit inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagbebraid. Umalis na rin siya kalaunan dahil may klase pa siya.

Nagtungo na rin ako sa classroom namin dahil may klase pa rin ako. Bs cosmetology ang kursong kinuha ko. Napagtanto ko rin na sobrang dami pala talagangagagaling dito sa school.

“Chora, ang gulo ng braid mo, ayusin ko.”ani Hannah ngunit agad kong tinapik ang kamay niya. Natawa naman sila ni Zea dahil do’n.

“Aba’t ang boyfriend nanaman siguro niya ang nagbraid diyan, mapapasana all ka na lang talaga.”ani Zea kaya ngumisi naman ako sa kanila.

“Haba talaga ng hair, Girl.”anila sa akin na siyang tinawanan ko lang. Hindi ko pinagsisihan ang naging kurso ko dahil talagang nalilibang ako sa bawat araw na nagdaan. Idagdag mo pa na may living inspiration ako madalas dumalaw sa department namin.

“Girl, ikaw na talaga ang pinagpala.”ani Juls, or should I say Julio.

“Sis, I know.”natatawa kong saad at hinila na si Atlas palabas dahil kakain na kami ngunit bago ko pa ‘yon magawa ay harang na ako ni Hannah.

“Cho!”aba’t sumisigaw pa ang gaga nasa tapat niya lang naman ako. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa isang papel.

“Ano ‘yan?”tanong ko sa kanya. Iniabot niya naman sa akin ang papel na hawak.

“May international make up competition na magaganap this month, isesend mo lang ang pictures ng models mo then kaunting interview chuchuness! It will be a great exposure for us, sure ako riyan! Shocks!”aniya kaya hindi ko naman maiwasang mamangha nang makita pa ang premyo. Ang laki ng grand prize at hindi na lugi.

Tumakbo pa si Hannah para magtungo sa loob at binalita sa ilan naming blockmates. Agad ko namang nilingon si Atlas dahil do’n.

“Be my model, please!”sambit ko at ipinagdikit pa ang mga palad para lang mapapayag siya. Hindi naman siya nagsalita, tila ba pinag-iisipan pang mabuti, hindi ko naman mapigilang mapanguso dahil do’n.

“Please?”tanong ko pa habang naglalakad kami.

“I really want to try it.”sambit ko. Maraming .beses ko na kayang naiimagine si Atlas bilang model ko.

“What’s my payment?”tanong niya kaya napairap ako.

“Parang hindi jowa.”biro ko ng natatawa. Natawa namam siya roon.

“Fine, I’ll be your model.”aniya kaya napatalon naman ako sa tuwa. Hindi ko maman alam kung pagsisisihan ko ba ang pamimilit ko sa kanya dahil wala kaming natatapos ngayon.

“Isa, Atlas. Ang landi mo.”sambit ko nang natatawa dahil panay lang ang kulitan namin ngayon habang pinagpapractice-an ko ang mukha niya.

“Pikit sabi.”ani ko na sinamaan siya ng tingin ngayon. Natawa naman siya sa akin bago niya pinikit ang mga mata. Parehas naman na kaming nagseryoso habang inaayusan ko siya. Para akong nagpipinta using his face. Ang concept nito’y thunder sa kanyang eyeshadow. Malapad naman ang naging ngiti ko nang matapos ‘yon.

Nang nasa labi niya na ako’y hindi ko maiwasang mapatitig doon. Parang lagi talagang malambot ang labi nito. Hindi ko tuloy maiwasang ilapit ang mukha at halikan siya.

“What was that?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Your payment today?”natatawa ko rin namang sagot sa kanya.

“Hmm, I would like to redeem my payment then.”aniya na walang sabing hinalikan muli ako. Nagtagal kaming ganoon hanggang sa humiwalay na rin sa isa’t isa.

“Aba’t siya na ang lipstick mo!”reklamo ko sa kanya.

“Sino kayang nag-umpisa?”natatawa niya naman tanong at umayos na rin. Pinigil ko naman na ang sariling halikan ‘to dahil kumakalat ang lipstick niya sa labi ko. Pinunasan ko muna ang akin na para bang walang nangyari at nagsimula na ulit siya ayusan. Sarap naman nito, harot na may kasamang passion. Half charot.

“It’s done!”sambit ko nang sa wakas ay matapos na sa kabila ba naman ng harutan namin.

Pinapwesto ko naman na siya sa kung saan para makuhanan ng litrato. Practice pa lang naman ‘to but I really want to do well, kahit sa practice lang para mas maayos kapag pasahan na sa competition.

Nang matapos kami’y parehas na malapad ang naging ngiti namim dahil maganda ang kinalabasan.

“Ang haggard ko na!”sambit ko nang matapos kong burahin ang make up na nasa mukha niya. Ako naman ang naupo para ayusan ang sarili ko.

“Why do you wear make up? Maganda ka naman kahit na wala?”tanong niya, mukha kuryoso ito sa itsura kaya hindi ko magawang mainis.

“Make up... it's not just a thing, but a tool that can give you confidence and feel good about yourself. When I was feeling unsure with my self, I put make up on... it's just like it's name, make up. It make up my mind that I’m actually pretty despite my flaws.”ani ko at ngumiti sa kanya.

“People intend to use it to make them self attractive, ganoon din ako, some people use it to conceal their acne, pores, wrinkles and even some eye bag, there’s so many reason why they put it. Some use it to let other’s see that they are strong, it gave them strength, some use it to be more powerful so other’s won’t touch them. It satisfying din kasi kapag nakikita mo ang sariling kaaya ayang tignan.”sambit ko habang nag-aapply ng make up sa mukha.

“Minsan din kasi sobrang sarap sa pakiramdam kapag nagmemake up ka, that’s one of the best thing para sa akin, huh? Sobrang nag-eenjoy ako kapag nag-iiba ‘yong itsura ko dahil do’n.”ani ko at nilingon siya. Nakikinig lang naman siya habang pinapanood ako na nag-aapply ng make up sa mukha.

“Para sa akin din kasi, ang mukha ko’y parang isang canvas na walang sulat o ‘di naman kaya’y isang pinta, nakadepende sa akin, bilang isang pintor kung paano ko nga ba kukulayan ang mukha, wala dapat say ang ibang tao sa kung anong gagawin ko sa mukha, nakadepende sa sarili ko kung paano ko titignan ang sarili.”nakangiti kong saad hanggang sa matapos akong magmake up.

“Ang dami ko bang sinabi? Hindi ko rin gets ang pinagsasabi kaya huwag mo ng intindihin.”natatawa kong sambit sa kanya ngunit nanatili lang ang titig niya sa akin. Napatango pa siya tila ba nakuha na ang gustong sagot.

Inihatid niya na rin ako sa salon after that at umuwi na siya, madalas din ang pagpapractice namin habang wala pa namang sinasabing date ng pasahan ng mga photos, ang dami naming shot na nakuha.

“Ang cute niyo talagang magjowa!”ani Hannah sa akin at napatingin pa sa picture namin ni Atlas na siyang nasa phone ko.

“Gusto ko rin ng ganyang relasiyon, parang hindi pa kayo nag-aaway!”sambit niya pa sa akin kaya napailing ako.

“Our relationship is not that perfect. Roller coaster kung idedescribe ko. Madalas din kaming magkaroon ng tampuhan dahil lang sa maliliit na bagay.”ani ko naman at napanguso. Mabuti nga’t hindi na rin ako madalas magparinig sa kanya sa twitter kapag nag-aaway kami. Narealize ko lang din na I shouldn’t make people talk about the two of us kahit na sa private account naman ako kapag nagrarant. I made my own diary na na siyang punong puno ng reklamo kapag naiinis ako sa kanya.

Dumadating din naman siya sa puntong napipikon siya sa akin ngunit never niya akong sinaktan o ano pa. Kapag galit siya’y ayaw niya akong nakikita dahil baka raw may masabing hindi maganda na pagsisihan niya rin, katulad na lang ngayon.

Ako:

Love

Ako:

Loads

Ako:

Sorry na

Ako:

Talaga

Ako:

Love

Ako:

Babe

Ako:

Baby

Ako:

Honeybunch

Ako:

Galit ka pa?

Ako:

Why naman?

Ako:

May klase ka pa?

Bf ko:

Meron pa.

Ako:

Bati na ba us?

Ako:

Hehe, sorry na, Lodicakes <3

Napanguso naman ako nang makitang hindi na siya nagrereply. Inaasar ko lang naman kasi ‘to kagabi, he was extra talkative last night and I was really hyper dahil natapos namin ng maaga ang make up na inayos ko sa kanya. Lahat ng sinasabi niya’y nagrereply ako ng ‘oks’ hanggang sa hindi na siya nagtext. Hindi pa naman kami sabay kaninang umaga dahil maaga ang klase niya. Napanguso na lang ako at napagpasiyahan na magtungo sa kanya ngayon dahil maya-maya pa naman ang klase ko.

“Saan ang punta mo, Cho?”tanong sa akin ni Hannah dahil kita niyang bitbit ko na ang take out ko na binili kanina.

“Sa boyfriend ko.”ani ko at ngumiti pa.

“Sana all na lang talaga.”aniya kaya napatawa ako na nagsimula ng maglakad.

Naglakad naman na ako patungo sa department nila, pakanta kanta pa ako nang makita ko sina Carver. Kumaway naman ako sa kani Carver nang makita ko ang mga ito.

“Hi, long time no see!”natatawa kong bati sa kanilang dalawa ni Bren.

“Ulol mo, Cho, kakakita lang natin last week.”natatawa nilang saad.

“Saan boyfriend ko?”tanong ko. Feel na feel na tawaging boyfriend si Atlas.

“Sana all na lang talaga.”ani Carver kaya ngumisi ako sa kanya.

“Ireto kita sa friend ko, gusto mo?”natatawa kong tanong. Alam niya naman kung sino ang tinutukoy ko kaya inirapan niya ako at hindi nagsalita. Si Bren naman ay mang-aasar din sana ngunit tinikom na ang bibig. Napatawa naman ako dahil doon.

“Nasa room boyfriend mo.”anila na tinuro ang isang classroom. Ngumiti naman ako at tumango. Kumaway pa ako habang naglalakad papunta roon. Papasok na ako nang mamukhaan ‘yong nakabangga sa akin noong first day.

“Uyy, dito ka pala, Anthony.”nakangiti kong bati. It’s just my nature na kumausap ng iba dahil medyo awkward kung hindi papasinin..

“Uyy, Chora, hanap mo boyfriend mo?”tanong niya kaya tumango ako. Tinuro niya naman ang gawi ni Atlas. Malapad naman ang ngiti kong tumingin doon, hindi pa tapos ang klase nila kaya maghihintay ako rito.

Nang matapos ang klase nila’y agad ko namang nakita si Atlas na siyang nakikipagtawanan sa isang babae. Hindi ko naman mapigilang ang mapasimangot ng makita ko ang paghampas pa niya sa boyfriend ko.

“Excuse me lang, Miss, ni hindi ko nga hinahayaang kagatin ng lamok ‘yang boyfriend ko pero kung makahampas ka, aba.”ani ko na nakataas pa ang kliay dito.

Kita ko ang nakasimangot na mukha ni Atlas nang makita ako. Aba, huwag mo akong simangutan ngayong gutom ako at makikita pa kitang nakikipaglampungan.

“May gusto ka ba sa boyfriend ko, huh?”tanong ko pa sa kanya. Natigil naman ang babae sa kakatawa at nawala rin ang ngiti dahil sa akin.

“Hindi po… wala…”sambit naman no’ng babae kaya napakibit naman ako ng balikat, edi goods.

“Stop it, Chora, let’s go.”ani Atlas kaya kumuyom ang kamao ko at ako pa ang naunang lumagpas sa kanila. Hindi ako basta bastang mananahimik kapag ganoong nakikita ko ‘tong may kaharutan. Mas lalong mahirap kapag inipon ko lang sa sarili kaya hindi ko mapigilang komprontahin ang isang tao pero kung sinabi namang wala, edi wala. Madali naman akong kausap.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon