Chapter 15

1K 46 1
                                    

Chapter 15
Melchora’s POV

“Good morning!”masayang bati ko sa mga kaklase nang makapasok. Well, kahit paano’y hindi ko pa rin nakakalimutan ang paghihintay kay Atlas nang ganoon katagal kahapon ngunit wala rin naman siyang kasalanan dahil ako naman ‘tong si tangang naghintay doon. Well, masakit syempre pero bakit naman ako magmumukmok, hindi ba? Ako ang nagdala sa sarili nito.

“Good morning, Cho, blooming ahh.”nakangiting bati sa akin ng ilang kaklase. Mas ginandahan ko ang make up ko ngayong araw, ayaw ko lang na magmukha akong kulang sa tulog.

“Hoy! Nabalitaan niyo na ba?”napatingin kami kay Bren na siyang hinihingal pa nang makapasok dito.

“Si May din daw ang nanira ng gown niya! Balak talagang isisi kay Chora! May cctv pala sa gilid ng backstage!”anito. Bahagya naman silang nagulat do’n, napakibit naman ako ng balikat. Hindi naman kasi talaga ako kinakabahan dahil wala naman akong ginawang mali at kung sakaling maparusahan ako dahil do’n, konsensiya naman no’ng tao ang kapalit.

“Sabi ko na nga ba, hindi talaga ako nagtitiwala sa isang ‘yon!”ani Bella na napangiwi pa habang nakikichismis kay Bren.

“Ano raw ang ipaparusa?”tanong naman ni Bette.

“Ayon ang hindi ko alam.”ani Bren kaya napatawa kami sa kanya.

“Magkukwento ka na nga hindi mo pa buoin!”ani Bella. Nag-iringan naman sila ni Bren habang si Bette ay ipinagtatanggol naman ang kalandian. Maya-maya lang ay naglalandian na sila. Natatawa ko namang hinagis ang papel na nakakalat.

“Ang sabihin mo makikipaglampunga ka lang talaga kay Bette kaya ka nandito.”natatawa kong sambit sa kanya.

“Parang ganoon na nga.”aniya kaya napatawa ako at napailing na lang.

“Landi niyo!”sambit pa ni Bella kaya siya naman ang pinagbalingan ko ng tingin. Nanliliit pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Hoy, babaita, ano ‘tong sinabi ni Carver na break na raw kayo?”tanong ko sa kanya. Napatikhim naman siya roon.

“Hoy, babae, bakit ka na kina Carver, huh?”pabulong niya naman na tanong.

“Hanggang anong oras ka doon?”tanong niya pa sa akin. Hindi ko alam kung sadyang iniiba niya lang ang usapan o ano, nanliliit naman lalo ang mga mata ko sa kanya.

“Sinong unang nagtanong?”tanong ko naman na nakataas pa ang kilay. Napatikhim naman siya roon.

“Oo, noong nakaraan pa, we decides to be friends na lang saka kaunting harot.”natatawa niyang saad kaya napatawa naman ako at nailing. Mukhang parehas din silang hindi gusto ng commitment.

“Now, if you may answer my question? Aba’t naghintay ka? Sino kaya ang paulit ulit na tinatatak sa isipan namin kung gaano kami kahalaga? Aba’t matuto ka naman sa sarili mong salita, Chora.”aniya sa akin kaya naman napanguso ako.

“Hindi, na kina Jasmine ako.”palusot ko ngunit mukhang hindi naman ‘to malulusutan.

“Tigilan mo nga ako, Cho, nakausap ko si Jasmine kanina, nagpunta ka lang ng umaga.”aniya kaya napairap na lang ako. Napakibit na lang ako ng balikat bago nangalumbaba sa upuan ko.

Mabuti na lang ay dumating na rin ang guro namin kaya hindi na nila ako nagulo, dumagdag pa kasi si Indigo na siyang kararating lang. Mukhang late nanaman na nagising.

Hindi ko naman mapigilang antukin dahil sa pag-iisip ko ng kung ano kagabi. Ang ending tuloy ay napagalitan ako ng guro at hanggang sa matapos ang klase akp ang pinag-iinitan.

“Ms. Benavidez, bring that to the stock room.”aniya at tinuro ang ilang pinasa ng mga kaklase ko. Napanguso naman ako roon, balak ko pa namang magtungo ngayon sa room nina Atlas. Saka nakakatamad kayang maglakad patungo sa stock room dahil sa kabilang building pa ‘yon, bali-balita pa nga na may ligaw na kaluluwa na gumagala roon dahil vacant na noon pa.

“Ma’am—“magrereklamo pa lang sana ako nang masama na ang tingin nito tila ba wala na talaga akong choice kung hindi ang sundin siya. Napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa kung hindi ang kuhanin ang mga ‘yon.

“Hoyy!”tawag ko kay Indigo na akala mo’y walang narinig, ngumisi pa siya at dumila bago dire-diretso palabas.

“Tulog yarn?”natatawa niya pang pang-aasar.

“Bella!”tawag ko kay Bella na siyang sunod namang lumabas.

“Hard pass, Girl, bebe time.”aniya kaya napairap ako.

“Ulol, break na nga kayo.”ani ko kaya napatawa siya.

“Edi bf time.”sambit nito.

“Bette…”ani ko at nagpuppy eyes pa kay Bette na malapad ang ngiti. Napatawa naman siya sa itsura ko.

“Nandiyan na si Bren, te.”aniya na tinuro ang kalandian niya.

“Fine, huwag na kahit pakibigay na lang ‘to kay Atlas.”sambit ko na iniabot pa ang cookies na binake ko kagabi, nadurog na ‘yong kahapon kaya nagbake akong panibago.

“Alright!”aniya at kumaway pa. Bigat na bigat naman ako sa mga project nila. Magpapagawa tapos ipapalagay lang din naman sa stock room, sayang lang kung hindi rin naman mapapakinabangan. Wala rin naman kasing pumupunta sa stock room dahil lumang building na ‘yon, may mga nagruroom pa minsan kapag exam pero madalas ay hindi ginagamit ang building kaya medyo creepy din. Hindi naman ako matatakutin pero nakakatamad magpunta roon dahil medyo malayoa at wala pang kakwentuhan.

“Imbis na kumakain na ako ngayon e.”bulong bulong ko pa sa sarili. Nangangalay na rin ang braso. Ang dami talagang reklamo kapag walang kachismisan.

Nang makapasok ako sa building, nagulat ako nang may humablot sa kamay ko. Nagkandahulog tuloy ang mga hawak ko, hahawakan ko na sana ‘yon nang tapakan ng humila sa akin, kumunot naman ang noo ko kay May at sa kasama ‘yong isang babaeng madalas niyang kasama.

“Alis.”masama ang tingin na sambit ko sa kanila ngunit parang walang naririnig ang mga ‘to kaya naman kumunot ang noo ko.

“Alis sabi.”iritado ko ng saad.

“Anong problema niyo?”tanong ko na kunot noo silang tinignan ngunit parang ako pa ang may kasalanan dito sa paraan ng tingin niya.

“Huwag kang magmaang-maangan, Chora, hindi ba’t ikaw ang nagsabi sa guro na ako ang nanira?!”galit na galit niyang sigaw.

“Aba, anong alam ko riyan? Kung ginugulo mo ako para rito, pupwede ka ng makaalis, marami pa akong gagawin, Miss.”ani ko sa kanya at pilit pang hinila ang mga project. Kasabay ng tuluyan kong paghila sa nasa baba ang paghila niya sa buhok ko.

“Punyeta! Kakacurl ko lang!”malakas kong sigaw dahil dumagdag pa ‘yong kaibigan niya. Nagawa pang tadyakan ang isa habang pinagpipiyestahan nila ang buhok ko. Masamang tingin pa ang ibinigay ko sa mga ito nang nagawa silang sipain palayo, aba’t hindi ata nila alam na soccer player ako noonh bata. Half joke.

“Akala mo’y gusto ka ng lahat gayong bilang lang naman sa daliri ang tunay mong kaibigan, ‘yong iba? Ginagamit ka lang dahil napapakinabangan ka nila!”galit na saad ni May sa akin na dinugtungan naman no’ng isa niyang kaibigan.

“Huwag kang magmafeeling na akala mo’y lamang ka sa iba.”anito jaya napatawa ako sa nga tinuran nilang dalawa.

“You think I don’t know about that? And sino ba ang nagsabing lamang ako sa iba? Baka ‘yan lang ang nakikita niyo. Inggit much, Mga Sis? Ganda ko ba?”natatawa kong tanong. Hindi ko alam kung anong ginagagalit ng mga ito gayong nasa kanya na nga ang gusto ko. Ano pa bang gusto niya?

Bago pa nila mahawakan muli ang buhok ko’y magkabilang kamay ko naman silang sinabunutan habang nanlilisik ang mga mata. Ramdam ko ang hapdi nang kalmutin ako ni May, napangiwi naman ako roon at nabitawan siya. Nagamit niya naman ang chance na ‘yon para hilain ang buhok ko. Hindi rin naman ako nagpaawat at hinila ko rin ang buhok nito.

“Sa tingin mo ba walang nakakaalam sa mga batchmate natin na anak ka ni Bernardo De Leon at ni Maricel Benavidez? Akala mo ba walang nakakaalam na rapist ang tatay mo?! Na bunga ka lang naman talaga ng kasamaan?”natatawa nitong saad. Natigil naman ako roon, tila ba nanghina sa narinig. Ginamit nila ang tiyansang ‘yon para saktan pa ako lalo. Kumuyom naman ang kamao ko, hindi naman tago ‘yon, alam ko ring alam ng lahat ang tungkol sa akin.

Baka nga pinag-uusapan talaga nila ako sa likod ko, na baka hindi rin talaga nila ako gusto.

“Anak ka lang naman ng rapist, sana maranasan mo rin kung anong ginawa ng tatay mo sa nanay mo."tila ba nagising ako sa sinambit nito. Tinignan ko naman siya, parang wala lang ng sabihin niya ‘yon sa akin, sumiklab ang galit sa akin kaya talagang pinaguntog ko silang dalawa. Hinila ko pa ang mga buhok ng mga ito sa sobrang inis. Aba't hindi ako magpapaawat kahit na alam kong parang patalim ang mga salitang binitawan nila.

Para na rin nilang sinabing dapat ding marape ang anak ng mga biktima, anong klaseng pag-iisip ang mayroon sa mga ito? Hindi ko alam kung nag-aaral ba sila o ano. Hindi ko pinahalatang apektado ako sa mga pinagsasabi ng mga ito, mas lalo ko lang hinatak ang kanilang mga buhok sa panggigil ko. Sa sobrang inis ko pa’y nagawa ko silang kaladkarin kung hindi lang dahil sa humila ng kamay ko.

“Atlas… she attacked me!”umiiyak na saad ni May. Binitawan ko sila ng kaibigan niya habang nakatingin pa rin kay Atlas kita ko ang galit mula sa mga mata nito tila ba nasa akin namaman ang sisi. Walang ngiting lumabas sa mga labi ko kahit na gusto kong ngumisi. Nagpupuyos lang ang galit ko sa mga ito.

"Bitiw."malamig kong saad bago ako nanakbong nagtungo sa stock room, ako na mismo ang naglock ng pinto. Ang luhang itinago sa galit ay nagunahan sa pagbagsak nang tuluyan na akong mapaupo sa gilid.

Putangina, sino bang nagsabing gusto ko ring mabuhay? Sino bang nagsabing gusto kong maging anak ng isang rapist? Kailanman hindi ko ginusto na maging anak na kinamumuhian ng magulang. Sana'y pinalaglag na lang nila ako. Edi sana hindi ko naririnig ang mga ganitong kataga. Edi sana… masaya sila, hindi ba?

Alam kong alam ng lahat kung sino nga ba talaga ako, Melchora Benavidez, isang anak ng rapist, anak ng isang batikang businesswoman na makikitaan ng disgusto ang mga mata kapag ako na ang kaharap. I was always afraid to go to school na makita rin ang mga matang ‘yon sa mga schoolmate ko kaya itinatago sa ngiti ang lahat.

Tahimik lang akong umiiyak, tulad ng dati’y walang kahit na anong tunog ang maririnig. Sana’y ka naman diyan, Chora, sanay na sanay. Nakarinig ako ng galabog mula sa labas ngunit hindi ko na ‘yon pinansin pa, wala na akong panahon para isipin pa ‘yon.

“Fucking open the door, Chora!”dinig kong sigaw ni Atlas mula sa labas ng pinto. Para saan? Para makita ang galit sa mga mata nito dahil sinaktan ko ang pinakamamahal niyang si May?

Hindi ko pinansin ang malakas na galabog hanggang sa tuluyan nang masira ang pinto. Parang ayaw pang magpaawat ng luha ko. Dinig ko ang yapag ni Atlas papalapit sa akin. Pilit kong pinupunasan ang luha mula sa mga mata ko, ayaw kong may nakakakita na umiiyak ako, baka hindi na nila ako magustuhan. Kahit nanlalabo ang mga mata kita ko pa rin ang galit at hindi ko alam kung may halo bang pag-aalala mula sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Napapikit pa ako nang kumuyom ang kamao nito at natakot sa ideyang sasaktan ako nito.

“Let’s go to the clinic.”nakapagtataka na sa kabila ng galit niyang mukha, mahihimigan ng kalamyusan ang kanyang tinig. Hindi ako tumayo o ano. I’m fucking mess, paniguradong sira sira rin ang mascara ko nito. I won’t let anyone to see me like this. He was about to carry me nang makita niyang wala akong balak sumama, ang mga luha ko’y parang wala pa rin katapusan sa pagtulo, kahit anong pigil ko’y ayaw magpaawat.

Ang kaninang pigil na iyak ay lumakas nang yakapin ako nito, hindi man siya nagsasalita pero tila ba isang yakap lang nito’y milyong milyong mensahe na ang gustong iparating sa akin. Hinayaan ko ang sariling umiyak lang sa kanya. Nang tuluyan ng kumalma’y pinahid ko ang luha mula sa aking mga mata.

“Don’t worry after this, I won’t bother both of you… I won’t bother you…”

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon