Chapter 19

1K 48 7
                                    

Chapter 19
Melchora’s POV

Ganoon lang ang nangyari sa mga sumunod na araw, sobrang dalas niya akong sunduin sa bahay, ganoon din kapag natapos ang klase, nagtutungo kami kina Aling Tessie at nagtutungo sa kung saan oara mamasyal, nagkukwento naman ako kina Mima kaya ‘di rin nila ako pinagbabawalan, halos lahat naman ay alam nila tungkol sa akin.

Sigurado ako ngayong araw na wala siya dahil ngayon na ang balik ni Indigo. Naiisip ko pa lang ay hindi ko na maiwasang malungkot.

Nang makita ngang si Indigo ang nasa labas at nakikipagkwentuhan sa mga Mima ko, hindi ko mapigilan ang disappointment sa akin. Wow, Chora, sanay na sanay ka naman diyan sa kaharutan mo.

“Mukha kang disappointed, huh?”natatawang saad ni Indigo ngunit tumalim lang ang mga mata ko nang may maalala. Agad kong kinurot ang tagiliran nito dahil do’n.

“Akala mo ba’y limot ko na ang mga pinaggagawa mo, huh?”tanong ko na masama ang tingin sa kanya. Napatago naman siya kay Mima dahil palapit na ako sa kanya.

“Pucha, sabi ko na nga ba, maling desisyon talaga.”bulong bulong niya pa na narinig ko naman. Para kaming sira na nagtatakbuhan dito sa loob ng bahay. Nag-iringan lang din kami ng makasakay na sa kotse niya.

Nang makarating sa school ay agad kong nakita si Atlas, ngumiti siya nang mapatingin sa akin ngunit hindi naman niya ako kinausap o ano dahil silang dalawa ni Indigo ang nag-uusap ngayon. Papasok na ako sa classroom nang hawakan ni Atlas ang palapulsuhan ko at iniabot ang breakfast na mukhanh binili niya pa sa resto.

Hindi pa ako nakakapagpasalamat ay naglakad na siya patungo sa classroom nila. Hindi ko alam kung pinapaasa niya lang talaga ako o ano. Noong maguwian ng hapon, hinihintay ko ito na magtungo sa classroom, kung noon ako pa ang nakikipagunahan sa mga kaklase sa paglabas, ngayon ay ako ang naiwan kahit na anong yaya sa akin nina Bella.

“Cho, una na ako! Punta ka na lang kina Aling Tessie, binayaran na kita ng pangkwek kwek.”ani Indigo na siyang nagmamadali dahil pinapauwi nanaman ng Papa niya.

Bagsak ang balikat naman akong naglakad palabas ng eskwela.

“Good day po, Manong…”sambit ko kay Manong Toni na ngumiti sa akin.

“Mukhang hindi naman good ang day mo, Hija, nag-away kayo?”tanong niya. Umiling naman ako at ngumiti lang.

“Oh, pampalubag loob.”aniya at inabutan ako ng donut na mukhang ipapasalubong niya sa anak.

“Nako, hindi na po, Manong Toni. Ibigay niyo na lang po kay Iska ‘yan!”nakangiti kong saad at umiling pa. Madalas niya kasing ikwento ang panganay na anak niyang mataas ang pangarap, lagi niyang sinasabi kung gaano siya kaproud doon at pati sa iba niya pang anak. Chismosa ako kaya madalas akong magtanong ng simpleng mga bagay.

Swerte nga ng mga anak nina Manong toni pati na rin mga anak ni Aling Tessie dahil kahit na gaano pa sila kapagod, kapag ikukwento na ang mga anak ay talaga namang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga ito, ‘yong mga dahilan kung bakit nga ba sila nagpapatuloy sa buhay. Nakakatuwa lang makinig.

“Hayaan mo may pera pa naman ako, mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa.”natatawa niyang saad ngunit umiling lang ako.

“Okay lang po, Manong Toni, sige na po, iuwi niyo na lang po. Bye po!”kumakaway ko pang saad bago nanakbo patungo sa stall ni Aling Tessie. Aba’t kaunti na nga lang ang sahod ni Manong Toni sa kabila ng matagal niyang pagbabantay doon tapos hihingan ko pa?

Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita si Atlas na siyang nakikipagtawanan pa kay Aling Tessie. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon