Chapter 50

1K 29 1
                                    

Chapter 50
Melchora’s POV

“Korni nito, you own yourself bokols. Kotongan kita riyan e.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Hindi ka talaga magandang banatan, ang pangit mo kabonding.”aniya sa akin kaya napatawa ako ng mahina.

“Banatan kita riyan e.”sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko bago pa siya sinamaan ng tingin.

“Ng pagmamahal.”aniya pa kaya agad akong napangiwi.

“Ano ba ‘yan, Atlas? Hanggang ngayon ba ay dumidikit ka pa rin kay Indigo, nahawa ka na sa kakornihan ni gago.”sabi ko sa kaniya kaya natatawa na lang niya akong pinagmaneho pabalik ng apartment.

Nag-asaran pa kami ng kung ano ano bago tuluyang nakarating doon. Buhat buhat niya naman ang nga pinamili ko.

Nawala ang malapad na ngiti ko nang mapatingin sa taong nasa tapat ng pinto nitong apartment.

“Mima Lena…”pabulong na saad ko habang nakatingin sa kaniya.

“Diretso ko na muna ‘to sa loob.”bulong ni Atlas na siyang tinanguan ko lang. Dahan dahan naman akong lumapit sa gawi ni Mima Lena.

“Cho…”bati niya sa akin, hindi alam kung paano ako haharapin.

“Mima!”malakas kong sigaw at tumakbo pa patungo sa kaniya para yakapin siya ng mahigpit. Hindi ako mapagtanim ng galit, saka wala naman talaga akong dapat ikagalit sa kaniya.

“Namiss kita, Mima… sobra po!”hindi ko mapigilang sambitin at niyakap pa siya ng mahigpit. Dinig ko naman ang paghikbi niya kaya napakunot ako ng noo nang ilayo ang sarili sa kaniya.

“Hindi mo ba ako namiss, Mhie? Bakit kung makaiyak ka riyan, para kang nalugi?”natatawa kong saad sa kaniya.

“Hindi ka galit? Akala ko’y susumbatan mo ako…”aniya na humahagulgol pa.

“Galit? Why naman? Tampo siguro, Mima, hindi mo kaya ako cinontact!”sambit ko kaya mas lalo lang siyang humagulgol.

“Mima, pakiramdam ko mahal mo talaga ako higit pa sa mga ex mo, aba, hindi ka umiyak ng ganiyan noon.”natatawa kong biro sa kaniya. Natawa rin naman siya ng mahina dahil sa aking tinuran.

“Pasok ka, Mima.”nakangiti kong saad at medyo naexcite pa dahil sobrang tagal ko ‘tong hindi nakita. Sinenyasan lang ako ni Atlas na sa kusina muna siya nang makapasok kami sa loob. Tumango naman ako sa kaniya.

“Mima, akala ko ba’y after two years ay magpapalagay ka na ng suso, nasaan na?”tanong ko pa kay Mima nang maupo kami. Halos umurong naman ang luha niya dahil do’n.

“Hindi pa, saka na.”natatawa niya ng saad ngunit naiiyak pa rin. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako roon o ano.

“Namiss kita, Chora…”aniya na hinahaplos pa ang buhok ko.

“Miss mo pala ako, Mima, bakit hindi mo man lang kami dinalaw ni Mima Sunny! Laki ng tampo no’n sa’yo, matakot ka na.”pananakot ko sa kaniya kaya napanguso siya.

“Alam ko, aba’t eskandalosa pa rin ang Mima mo, chinat ba naman ako noon at minura.”hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak.

“Kumusta na, Mima, gumanda ka ng medyo slight.”sabi ko sa kaniya kaya hinila niya ang buhok ko. Nagtawanan na lang kaming dalawa dahil do’n.

“Gaga ka, hindi mo na lang sabihin na talagang gumanda ako.”aniya na inirapan pa ako. Maya-maya lang ay nagseryoso na ang mukha nito.

“Sorry kung matagal bago ako nagpakita sa’yo…”aniya sa akin habang nakayuko tila ba hindi niya alam kung paano sasabihin ‘yon.

“Ayos lang, Mima, ang mahalaga ay nandito ka na.”sabi ko at malapad pa ang ngiti sa kaniya.

Napatingin naman kaming dalawa nang may makitang kumakatok sa pinto. Nagpaalam lang ako sandali kay Mima oara pagbuksan kung sino man ‘yon.

“Mima?”patanong na tawag ko nang makita si Mima Sunny na siyang malapad ang ngiti habang pinapakita pa ang dala dala niyang foods. Nasa likod niya si Aaron na siyang tipid lang na ngumiti sa akin. Napatikhim naman ako dahil sobrang wrong timing, aba’t baka mamaya’y maggera ang dalawa rito, mahirap na kapag nasira mga kabibiling gamit.

“Ano, Cho? Hindi ka ba masayang makita ako?”tanong ni Mima na naniningkit ang mga mata.

“Masaya naman po, Mhie, pero bakit ka po nandito? May work ka po, ‘di ba?”tanong ko sa kaniya.

“Meron pero syempre, wala kang trabaho, hindi ko lang maiwasang mag-aalala at baka mamatay ka sa guto—“bago niya pa matapos ang sasabihin ay natigil na siya nang makita ang nakaupo sa sofa. Parehas nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Mima Lena. Agad siyang napatakbo palayo sa sofa habang si Mima Sunny naman ay nanlilisik ang mga mata habang papalapit sa kaniya.

“Anong ginagawa mo ritong traydor ka, huh?”tanong ni Mima Sunny na nagawa pang hilain si Mima Lena. At ang ending? Nagkatanggalan na ng wig. Hindi ko rin maawat ang dalawang ‘to kaya naman hinayaan ko na lang. Para silang aso’t pusa na nagbabangayan sa isang gilid. Kaming tatlo nina Atlas at Aaron ay nanatili lang nakatingin sa kanilang dalawa dahil nang subukan nilang awatin, parehas lang namaga ang mga pisngi.

“Wala akong pakialam kung gusto mo ng magandang buhay pero pota naman bakit doon pa? Alam mo kung paano tintrato ng pamilyang ‘yon si Joan! Ikaw din! Tayo!”ani Mima Sunny nang makalayo sila sa isa’t isa.

“Boba! Ganiyan ka e! Wala kang tiwala sa akin hinayupak ka! Alam ko! Hindi ko nakakalimutan kung paano nila tayo maliitin, boba!”ani Mima Lena na hindi rin nagpapatalo kay Mima Sunny. Hinayaan ko sila dahil kaoag hindi nila nilabas ‘yon baka tuluyan ng hindi sila magkaayos.

“Sa ating tatlo ako ang pinakamatalino! Hindi ako mauutakan ng mga benavidez na ‘yan no!”aniya na napairap pa.

“Talaga lang, huh? Kaya pala nagpaalila ka at nakalimutan mong pamilya tayong apat.”ani Mima Sunny.

“Alila my ass! Medyo lang.”ani Mima Lena kaya tumawa ng nakakaloko si Mima Sunny.

“Nagpaalila ako sa bruhildang maricar na ‘yon para kay Joan, para sa anak anakan natin, gaga.”ani Mima Lena at may hinalukay pa sa kaniyang bag. Pinakita niya ang ang isang papeles kay Mima Sunny. Nagtataka naman akong nakatingin do’n dahil halatang gulat si Mima Sunny. Mukha ring napakalma no’n si Mima na siyang nagwawala pa lang kani-kanina.

“Gaga ka, bakit ‘di mo sinabi?”tanong ni Mima Sunny sa kaniya.

“Gago, pagkatapos mo akong murahin ay hindi mo na ako kinausap pa saka hangga’t hindi ko pa naaayos ayaw ko munang magpakita dahil nahihiya ako sainyong dalawa ng junakis natin.”ani Mima Lena. Kunot naman ang noo ko sa kanila.

“Mimas share niyo naman sa akin yarn!”sambit ko dahil nag-iyakan pa silang dalawa nang hindi man lang sinasabi kung anong meron.

“Cho, Nak, you’re now the owner of your Mima’s salon.”aniya sa akin at iniabot pa ang papeles na naglalaman ng kasulatan na ako nga ang owner ng salon. Bahagya naman akong nagulat dahil do’n.

“Hala, Mhie?”tanong ko na hindi naniniwala habang pinagmamasdan ‘yon. Akala ko’y sa kabila ng ginagawa nila kay Mima, sa kanila pa rin ibinigay ni Mima ang mga ari-arian niya, wala naman akong reklamo roon dahil pamilya niya ito.

“Gusto kong lapitan ka kapag ayos na ang lahat kaya pasensiya na kung natagalan…”sabi ni Mima na niyakap pa kaming dalawa ni Mima Sunny.

“Mima…”sabi ko na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon, that’s my Mima’s salon, kung ako lang ay hindi ko talaga hahayaang may humawak sa salon na para lang sa business ngunit wala naman kasi akong magagawa roon.

“Bobo ka, bakit ang talino mo?”tanong ni Mima Sunny kaya nagtawanan kaming tatlo.

“Ikaw lang naman kasi ‘tong tangang mataas ang pride.”sabi ni Mima Lena kaya nagkurutan pa silang dalawa. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n.

“Saka si Joan pa ba? Sa tingin mo ba’y hahayaan niyang mamulubi ang anak niya. Ang gagang ‘yon, kahit na gustong gusto ko siyang kurutin dahil hindi man lang siya nagsabi, hindi ko naman magagawang pabayaan ang mga taong pinapahalagaan niya.”ani Mima Lena.

“True.”nagkasundo naman sila ni Mima Sunny at maya-maya lang ay nag-iiyakan na sa gilid. Binabanggit ang pangalan ni Mima Joan, naiintindihan ko naman na hanggang ngayon ay masakit pa rin dahil sila na ang magkakasama mula pa lang noon. Mula simula’y nasa buhay na sila ng isa’t isa kaya naman naiintindihan ko.

Maya-maya lang ay kumalma na silang dalawa at parehas na nanahimik. Natawa pa sila sa mukha ng isa’t isa kaya natawa na lang din akong tumayo para ipaghanda sila ng makakain. Although, parehas silang may dala dala na, nagtimpla na lang ako ng juice. Sumunod naman si Atlas sa akin nang magtungo ako sa kusina.

Hinaplos niya lang ang buhok ko at pinagmamasdan ako habang nakangiti. Tinawanan ko na lang siya at inilingan.

“Tigilan mo ako, Atlas.”natatawa kong sambit nang maitimpla na ang juice. Napatikhim ako nang makita kong nakamasid pala ang mga tao sa apartment sa aming dalawa. Diretso lang naman kasi ang sala at kusina kaya kitang kita ang ganap mula rito. Maliit lang naman kasi ang apartment ko.

“Eherm, hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayo.”malapad ang ngisi ni Mima Lena sa akin. Bahagya naman akong nahiya kay Mima Sunny dahil nakatingin din siya sa amin ni Atlas. Ganoon din si Aaron na nginitian lang ako nang mapansin ang tingin ko sa kanila.

“Ingay mo, Lena, magseselos ‘tong kapatid ko, nagmomove on pa lang ‘to.”pang-aasar ni Mima Sunny kay Aaron na siyang namula sa kahihiyan.

“Sus, hindi ko alam na ganiyan ka pala kapatay na patay sa akin, Ron…”natatawa kong biro kay Aaron na nailing lang sa akin. Nang balingan ko nang tingin ang boyfriend ko, nakasimangot lang ‘to habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko naman maiwasan ang matawa habang nakatingin sa kaniya.

“Selos yarn?”mapang-asar kong tanong. Hindi niya naman ‘yon pinansin, nakipagusap na lang siya kina Mima at hindi na rin ako binalingan pa ng tingin. Aba’t!

“Kailan kayo nagkabalikan?”tanong ni Mima Lena.

“Kanina lang po.”sabi ko naman na napakibit pa ng balikat. Parang dati lang ay nang-aasar nanaman ang mga ito, ang kaibahan lang mas malakas lang sila ngayon at dinadamay pa si Aaron na naiiling na lang dahil nilalaglag siya ng kaniyang kapatid na si Mima Sunny.

Panay tawanan ay kwentuhan lang ang naganap habang kumakain kami.

“Lalakarin natin ang ilang properties na iniwan din sa’yo ng Mima mo, Cho.”sabi ni Mima Lena. Tumango naman ako roon.

“Sa ngayon, bibisita muna kami ni Sunny kay Joan.”sambit pa ni Mima Lena. Tumango naman ako dahil paniguradong mag-iiyakan nanaman ang mga ‘to kapag nagtungo na roon.

Maya-maya ay nagsialisan na sila ngunit balak naman nina Mima na dito matulog kaya babalik din mamaya.

“Uyy, saan ka pupunta?”tanong ko kay Aaron.

“Saglit lang ako sa trabaho, Cho, balik din ako kapag bumalik na sina Mima.”aniya at ngumiti. Iniwan ko naman si Atlas sandali para kausapin ‘to.

“Sundan ko lang sandali.”paalam ko sa kaniya na tipid niya lang naman na tinanguan.

“Aaron, sorry ulit, basta kapag nakamove on ka na, balik tayo sa dati. Parang kapatid ulit.”sabi ko sa kaniya.

“Ayos lang, Cho, alam ko naman noon pa na hindi ka pa nakakamove on sa ex mo, saka oo kaya layu-layuan mo muna ako sa ngayon.”natatawa niyang saad kaya natatawa akong umirap.

“Wow, huh? Ako mag-aadjust?”natatawa kong biro. Nagtawanan pa kami bago na siya nagpaalam na aalis.

Nang bumalik ako sa loob, nasa phone lang ang baling ni Atlas at akala mo’y may ginawang hindi maganda ‘yon sa kaniya. Alam kong bad trip na ‘to sa akin kaya anong gagawin ko, mas lalo kong iinisin.

“Atlas…”tawag ko sa kaniya.

“Ano?”malamig niyang tanong.

“’Yon si Aaron ‘yong nakasama mo sa probinsiya, gwapo rin ‘yon e.”sabi ko kaya mas lalo lang sumama ang mukha niya. Bahagya naman akong natawa dahil napipikon na talaga ‘to.

“Saka—“bago ko pa matuloy ang sasabihin ay hinapit niya na ako sa baywang upang halikan sa labi.

“Shut up, Melchora.”aniya na inirapan pa ako. Aba’t nakahanap na siya ng bagong solusiyon kapag pinipikon ko siya, huh?

“Ron, huh? Talagang nag-isip ka pa ng nickname.”masungit na saad niya kaya napahagalpak ako ng tawa.

“Amp ka. Inalis lang ang ‘Aa’”natatawa kong saad.

“You don’t even have a nickname for me.”aniya na binibatawan na ako.

“Anong gusto mo? Las? Baby? Honeybunch? Munchy? Munchmunch?”natatawa kong tanong kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi niya na ako pinansin pa at nanatili na lang nakatutok sa phone niya.

“Love…”tawag ko na agad niyang nilingon.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon