Chapter 20
Melchora’s POV
“Oh, you’re not courting her yet? Wala sa akin ang desisyon, Nak, nasa anak ko. Kung papayag edi oks na oks, hindi na siya lugi.”natatawang sambit pa ni Mima sa kanya at nilingon pa ako.
Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. Pinagtitrip-an ba ako ng isang ‘to? Aba.
“What was that?”pabulong na tanong ko nang umalis si Mima para kuhanan kami ng makakain. Ngumiti naman siya sa akin dahil dito.
“I’m going to court you…”aniya kaya nanliliit ang mga mata ko sa kanya. Aba’t nagpaalam kay Mima, sa akin, hindi?
“You don’t even like me!”ani ko na napairp pa sa kanya. Yes, I always joke that he likes me pero alam ko naman ang totoo.
“And who told you that? I’m serious here, Cho.”aniya. Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay dahil do’n.
“I like you since the very first day but they said that you easily get bored and if you find out that the guy like you too, magsasawa ka na.”aniya. Hindi ko alam. Ganoon nga rin kaya ako sa kanya pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Tsk.
“It doesn’t matter if you’ll lose interest or what, I want to try. I want to pursue you…”aniya pa.
“Baka naman pinagpupustahan niyo ako, huh? Alam na alam ko na ‘yan, aba.”ani ko kaya napatawa siya sa akin.
“Of course not.”naiiling niyang saad.
Hindi ko alam kung totoo nga ba ang sinasabi nito but I was really excited when he said na liligawan niya ako. When Monday came, excited akong lumabas ng kwarto ko, todo ayos pa ako ngunit agad na napasimangot nang makitang si Indigo ang kumakain sa hapag.
“Nasasanay na ang dalaga natin, Mima.”ani Indigo at tumawa pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin at inilibot pa ang mata para hanapin si Atlas ngunit wala akong nakitang Garcia.
“Sus, manliligaw daw pero nasa unang araw pa lang hindi na consistent.”bulong bulong ko sa sarili na narinig naman nina Mima. Natawa lang naman sila sa akin.
“Asang asa, Gurl.”ani Mima Lena kaya napanguso na lang ako. Nang matapos kumain ay sumakay na ako sa kotse ni Indigo. Nagawa ko pang magparinig gamit ang nakapublic kong twitter account. Hindi ko pa rin kasi inaaccept ang follow request niya.
Cho @Prettychora: Tokis #lol #sanaolconsistent
May mga nagreply naman sa tweet kong ‘yon ngunit napataas ang kilay ko nang makitang nagreply sa tweet ko si Atlas.
Atlas @AtlasKaius: Sino ‘yan, Loads?
Ang aga aga active na ng twitter world dahil nireply-an nila ang tweet ni Atlas. Sino raw? Luh.
“Oh, paiiyakin sana muna kita kaya lang ay tinatadtad na ako ng chat ng manliligaw mo.”natatawang saad ni Indigo at iniabot pa sa akin ang iris na may note.
Hi, may training kami until 3 days. Bawi ako pagbalik. Eat your breakfast.
-Atlas
Varsity ‘to ng basketball team, sila ata ang magtutungo sa training camp ngayon. Napanguso naman ako at nahiya pa. Aba, wala pang kami pero ang clingy ko na, baka matakot ‘yon at hindi na ituloy ang panliligaw.
Ganoon ang nangyari sa 3 days, medyo boring dahil wala siya pero tagadeliver niya ng kung ano ano si Indigo na mukhang may bayad kaya ginagawa.
I was in my room at abalang abala sa pagmemake up nang tawagin ako nina Mima. Lumabas naman ako habanv dala-dala ko ang brush at inaayos ang eyeliner sa mukha.
“Bakit po, Mhie—“bahagya akong nagulat nang makita si Atlas na siyang narito ngayon. Napatingin pa ako sa orasan, aba’t gabi na nandito pa ito, mukha ring kadarating niya lang.
“Hoy, anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya.
“I just want to rest.”aniya at ngumiti sa akin. Kumunot naman ang noo ko roon.
“Edi sana’y umuwi ka na! Gusto mo pala ng pahinga e.”natatawa kong saad sa kanya.
“Ikaw daw ang pahinga niya!”sabat naman ni Mima Sunny kaya nailing na lang ako at napairap pa sa kanya. Tinawanan lang naman ako ng mga ito.
“Kumain ka na ba?”tanong ko sa kanya.
“Wow, magluluto ka, Girl? Hindi ka marunong, remember?”sabat naman ni Mina Lena ngayon. Hindi ko naman mapigiang mapasimangot sa mga ito dahil halatang hindi nila ako titigilan sa kaasar.
“Hmm, I just drop by to give you this.”aniya at iniabot ang brush na hindi ko alam kung saan niya binili.
“And this.”sambit niya na nagbigay pa ng keychain. Akala ko ba’y sa training camp nagtungo ang mga ‘to?
“That’s it, I’ll go now. Good night, Melchora, see you tomorrow.”aniya na nagpaalam na kina Mima. Sus, bitin naman.
“’Yan ang harot, parang ayaw pang paalisin.”natatawang saad ni Mima Joan. Natawa naman ako. Ilang pang-aasar pa ang ginawa ng mga ito dahil parang ayaw pa nila akong tigilan.
Kinabukasan, ang aga niya nga talagang nagtungo sa bahay, hindi naman ako nagrereklamo.
“Good morning, Cho.”bati niya sa akin at ngumiti. First time na siya mismo ang nag-abot ng bulaklak. Hindi ko naman mapigil ang ngiti sa mga labi ko.
“Be practical, Hijo, malalanta lang ‘yang mga bulaklak na ‘yan.”atribidang saad ni Mima Sunny. Ngumiti naman si Atlas at tumango roon. Parang nasasanay na rin sa madalas na pagsabat ng mga Mima ko.
Nang makarating kami sa school, nanliliit ang mga mata ng kaklase ko habang nakatingin sa amin ni Atlas. Aba’t hindi naman ngayon ang first time nilang makitang magkasama kami ni Atlas.
“Nililigawan ka, Cho?”tanong nina Bette na lumapit sa akin.
“Huh?”tanong ko naman.
“Sinabi ni Carver, nanliligaw na raw sa’yo si Atlas. Please naman, Chora, huwag ka naman sanang magsawa.”aniya pa kaya napailing na lang ako. Aba, hindi lang pala si Indigo ang chismoso sa batch na ‘to, isa rin pala si Carver.
Ang bilis tuloy kumalat ng chismis dahil maski sa lower grade ay kalat, well, halos kilala naman kasi si Atlas ng lahat kaya hindi na nakapagtataka.
Kung noon ay wala silang pakialam sa tweet ko dahil marami naman ang nagkakagusto kay Atlas at hindi lang naman ako, ngayon ay kahit mga nasa upper grade ay naglalike ng tweet, ni hindi nga nakafollow ang mga ito sa akin. Hindi ko naman akalain na ganito rin pala karami ang nagkakagusto sa kanya.
“Titig na titig ka nanaman diyan sa phone mo, Cho, kumilos ka na, aalis na tayo.”ani Bella sa akin. Napatango naman ako at tinago na ang phone ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na gusto ako ni Atlas at nagawa niya pang gawing icon ang blurred na litratong sinesend ko lang naman sa kanya noon. Akala ko’y hindi niya pinapansin ang mga text at chat ko noon, aba, maski ‘.’ ay wala.
Ngayon ang tungo namin sa bahay nina Atlas, nagawa niya pa rin kaming sunduin. Isa sa pinakamagandang bahay ang Villa Garcia, kapag nadadaan pa lang kami roon ay hindi na talaga maiwasan pang mamangha kaya excited kami na magtungo roon ngayon. May sarili silang rancho at malawak talaga ang lupain kaya kinukulit talaga nila si Atlas na roon magpicnic. Madali lang naman siyang napapayag.
Kwentuhan at tawanan lang habang nagbabyahe kami patungo roon. Nanging mabilis naman ang byahe dahil siguro masaya ang bawat oras. Hanggang sa pagpasok ay natatawa pa rin kami sa ikinukwento ni Bren.
Natigilan lang kami nang makita ang sopistikada nitong Ina na siyang nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin. I don’t usually get nervous lalo na kapag kaharap ang ibang tao pero parang kakainin ako ng kaba ngayon habang nakatingin sa Mommy nito.
“Good morning, Madame.”bati namin isa isa sa kanya.
“Good morning po, Tita.”bati naman ni Carver, tumaas pa ang kilay niya habang nakatingin kay Bella na siyang hawak ni Carver. Halos masamid naman ako sa paraan ng pagtingin nito kaya agad akong lumayo kay Atlas na siyang nasa tabi ko. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Atlas sa akin ngunit napatikhim lang ako at hindi siya pinansin.
“Good morning, enjoy your stay, don’t wander around too much. Baka maligaw kayo.”aniya pa sa amin.
“My…”tawag ni Atlas sa Mommy niya kaya nilingon siya nito.
“This is Melchora, nililigawan ko po.”aniya kaya halos mangisay ako sa kaba sa kinatatayuan ko. Tumaas naman ang kilay ng Mama niya dahil do’n.
“I’m sure you’re not that serious, enjoy yourself, Son.”anito sa kanya.
“Believe me, I am.”ani Atlas kaya kumunot na ang noo ng matanda. Ni hindi man lang ‘to ngumiti at diretso nang naglakad sa kung saan. Napasunod lang kami ng tingin sa kanya. Halos malagutan ako ng hininga sa kinatatayuan ko. Gagong Atlas ‘to, hindi man lang ako inabisuhan. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
“I’m sorry about that, ganoon lang talaga si Mommy.”aniya kaya napakibit na lang ako ng balikat. Alam ko naman na masungit talaga si Georgiana dahil ilang beses ko na ring naranasan ‘yon sa salon. Maski ang ilang intern ay ayaw magtungo kung nasaan siya dahil perfectionist. Isinawalang bahala ko na lang ‘yon habang si Atlas naman ay tila ba pinag-aaralan ang expression ng mukha ko. Natawa na lang ako sa kanya.
Sumunod naman na kami sa mga kaibigan na siyang iginigiya ni Carver.
“Do you have brother or sister?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
“I have one sister, nasa california, she’s with my Dad.”aniya kaya napatango naman ako. He never really tell things about himself, maliban na lang kung magtatanong o hindi. Nagpaalam ako sandaling magtutungo sa cr dahil kanina pa ako naiihi. Halos maligaw naman ako sa lawak ng bahay nila. Nang palabas na’y nakita ko ang isang katulong na apat ang basket na bitbit.
“Tulungan ko na po.”nakangiti kong saad sa kanya.
“Nako, Ma’am ako na po.”aniya ngunit sobrang dami ng kanyang bitbit kaya kinuha ko na.
“Kayo po ang nagluto?”tanong ko dahil ang tahimik nito.
“May chef po sila, Ma’am.”sambit niya kaya hindi ko maiwasang mamangha. Ganoon pala talaga sila kayaman. Wow.
“Chora na lang po.”ani ko at ngumiti pa. Nahawa naman ito sa ngiting pinapakita ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatanong tanong dahil hindi talaga ako natatahimik kapag walang nagsasalita. Well, maliban na lang noong kasama ko si Atlas.
“Ang tagal niyo na po pala rito,”namamangha ko pang saad habang nagkukwento siya.
“Oo, Ma’am, ang totoo nga niyan ay bawal kaming makipag-usap sa amo o ‘di naman kaya’y sa kaibigan ng amo namin, maliban na lang kung kailangan.”anito kaya napanguso ako roon.
“Ayy may ganoon pa po? Don’t worry, Manang Linda, hindi ko ikukwento kahit kanino na nakausap kita. Sagot kita.”natatawa ko pang saad kaya napatawa siya. Natigil naman siya at akala mo’y isang sundalong napatayo ng diretso. Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Palapit na sa amin si Atlas.
“Nako, relax ka lang, Manang, hindi niya po sasabihin.”bulong bulong ko pa kay Manang ngunit hindi na siya nagsasalita. Ganoon ba talaga ‘yon?
“Good morning, Sir, ihahatid ko lang po.”ani Manang na diretso na ang lakad at kinuha pa sa akin ang basket.
“Kami na po.”ani Atlas at kinuha ulit ang mga picnic basket. Tumango naman si Manang at umalis na. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam.
“What did you talk about?”tanong ni Atlas habang naglalakad kami.
“Ahh, wala, matagal na pala si Manang na nagsisilbihan sainyo?”tanong ko pa.
“Yup, I always see her in vacation here pero maiilap. They don’t want to talk to us kaya nakakapagtaka na nakausap mo ng ganoon lang.”aniya na napanguso pa.
“Bawal makipag-usap sa inyo ang katulong?”hindi ko naman mapilang itanong.
“Bawal? There’s no rule like that?”patanong naman na sagot niya, kunot ang noo. Napakibit naman ako ng balikat. Mukhang malupit nga talaga ang Mama nito.
“Nakakatakot naman maging biyenan ng Mommy mo.”hindi ko mapigilang ibulalas at napatawa pa.
“Hmm, so you’re planning to marry me?”tanong niya na nakangisi na ngayon. Napairap naman ako sa kanya dahil do’n.
“Hindi pa nga sinasagot! Marry ka na diyan.”natatawa kong saad.
“Well, we’ll get there. If you agree to be my wife there’s no need to to worry about my Mom or anyone.”aniya kaya napatawa ako. Ang layo na agad ng narating nito.
“Asa ka! Desisyon ka, hindi kita sasagutin!”natatawa pa akong nanakbo. I don’t think my feeling will fade, I felt like I was falling harder. I hope it won’t grow that fast.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Teen FictionPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...