Chapter 43
Melchora’s POV
“Cho!”napatingin ako kay Aaron na siyang nandito na pala. Nginitian ko naman siya nang makita, kahapon ay lumipat na siya sa pagtutuluyan niya rito sa manila. Natanggap na kasi siya sa trabahong inapply-an niya.
“Mami tayo sandali, libre ko!”aniya sa akin.
“Hindi ako pupwede, Loads, may gagawin pa ako.”ani ko dahil tatawagan ko pa si Atlas ngayong araw.
“Oh, tulungan na kita!”ani Aaron ngunit umiling ako.
“Saka na, Aaron. Take out na lang tayo. Kain ka na lang sa apartment mo.”natatawa kong saad dahil nagmamadali rin kasi talaga akong umuwi.
“Awwe, sige kung ganoon.”aniya na tumanho sa akin. Nagtungo kami sa mamihan, medyo matagal din pala. Inip na inip tuloy ako habang naghihintay. Inihatid niya muna ako bago siya nagpaalam sa akin na aalis na.
Nagpahinga ako sandali habang nagtitipa ng chat kay Atlas.
Ako:
Lods, nakauwi na ako.
Naglinis lang ako ng katawan bago tinignan ang phone ko. Kita ko ang text ni Atlas sa akin.
Atlas Pogi:
Hindi pa tapos shoot, Lods.
Atlas Pogi:
Call ako later.
Nagscroll scroll naman muna ako sa social media ko. Bahagyang kumunot ang noo nang makita ko ang mga litrato ni Atlas at ni Ginly together. Mga bago lang ‘yon dahil nasa Ilocos sila. Tatlong araw na silang magkasama ngayon doon, kinuha si Ginly bilang kapatid no’ng bidang babae. Bukod sa maganda naman kasi siya, madali lang siyang makakapasok doon dahil kilala ang pamilya nina Mama.
Napahigpit pa ang hawak ko sa phone ko nang makita ang malapad na ngiti nila parehas. Aba’t selosa pa rin naman ako ngunit hindi ko naman gustong palakihin ang mga bagay na ganito kaya naman ibinaba ko na lang din ang phone ko dahil masstress lang ako kung iisipin ko pa ang tungkol dito, alam ko naman din ang tungkol sa showbiz, maloloka ka lang. Nabanggit naman din kasi ni Atlas noong nagkukwento siya sa akin na kasama niya nga raw sa shoot si Ginly pati si Cruix at sina Olin.
“Hello?”bungad ko sa kaniya nang tawagan niya ako.
“Hi, have you eaten?”tanong niya sa akin.
“Hindi pa. Maya-maya pa lang. How about you?”pabalik na tanong ko naman sa kaniya.
“Nagyayaya sina Direk na kumain pero--”pinutol ko na agad ‘to dahil paniguradong tumanggi nanaman siya.
“You should join them! Don’t think about me. I’ll wait for your call. Mag-papractice pa ako ng ilang make up look and mag-aapply pa ng pangskin care kaya don’t worry, gising pa ako kapag tatawag ka.”ani ko sa kaniya.
“Hindi na, mas gusto kong kausap ka.”aniya sa akin.
“Ulol, kapag nagchat lang si Kuya Franco sa akin na kailangan ka roon, malilintikan ka sa akin.”sambit ko dahil ako ang tinatanong ni Kuya Franco kapag hindi siya sumasama sa kung ano. Hindi ko raw ba pinayagan ganito ganyan. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang pinapalusot nito o ano.
“Fine. Mabilis lang ako.”aniya.
“I miss you…”sambit pa nito.
“I miss you too…”pabulong na saad ko. Sobrang abala rin kasi talaga nila sa set. Nang patayin ko na ang tawag, maging abala na ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Napanguso naman ako nang makita kong may text mula kay Juls.
Juls:
Girl, ang landi talaga nitong Ginly na ‘to. Hanggang ngayon nanggigil pa rin ako sa kaniya.
May sinend pa siyang litrato na nakangiti si Ginly habang ipinaiinom kay Atlas ang isang baso ng alak.
Juls:
Ipilit ba naman sa jowa mo ang para sa kaniya. Hindi raw kasi siya mahilig sa alak. Edi sana, hindi na sumama. Parang tanga! Kaimbyerna!
Hindi kami ni Atlas. Ewan ko, hindi ko naman kasi nilinaw kung ano kami. Kasama sila Juls doon, kasama kasi siya nina Jana. Nagreply naman ako sandali.
Ako:
Girl, huwag mo akong idamay sa stress mo, nako naman. AHSGSGSHSGAHAHAGSHA
Kung ano ano lang kinuwento niya sa akin kaya hindi ko na tuloy alam kung anong dapat kong maramdaman.
Nang matapos ako sa pagmemake up ay naglagay na rin ako ng nga skin care product para sa mukha ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako’y nakita ko na agad na tumatawag si Atlas sa akin.
“Hello? Tapos na, Lods?”tanong ko sa kaniya.
“Hindi pa but I already want to rest.”aniya kaya napanguso ako.
“Alright, let’s just talk tomorrow then.”ani ko ngunit agad siyang nagsalita.
“Nah, I still want to talk to you.”sambit niya sa akin kaya napanguso naman ako. Tinapos ko lang sandali ang mga nilalagay sa mukha bago ako nagpokus sa kaniya.
“So how was your day?”tanong niya sa akin.
“It’s fine naman, medyo nakakapagod lang dahil maraming customer sa salon ngayong araw. Ikaw? Kumusta?”tanong ko sa kaniya pabalik.
“Miss ka.”aniya kaya naman natatawa na lang akong napairap.
“Korni mo no!”dinig ko naman ang tawa niya.
“It’s kinda tiring lalo ulit ulit kami sa zipline scene. They want me not to fucking shout.”Napahagalpak naman ako ng tawa habang nagkukwento ito. Paano’y kinuwento niya rin na hindi niya mapigilan. Mukha lang matatag ‘yang si Atlas pero hindi niya kaya sa matataas na lugar.
“You should sing me a song.”aniya nang magpapaalam na ako para makapagpahinga na siya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangusp dahil wala akong talent pagdating do’n pero kinantahan ko pa rin siya. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya bahagya akong napasimangot.
“Huwag na nga! Pangit ng ugali mo!”sambit ko kaya napatawa siya.
“I won’t laugh, continue.”aniya. Hindi ko alam kung paano niya napigil ang tawa. Napairap na lang ako ng matapos. Nagpaalam na rin naman kami sa isa’t isa kalaunan dahil medyo late na.
Kinabukasan ay bahagya akong nagulat nang makita si Aaron na nasa labas ng apartment.
“Hoy, anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kaniya na pinagtaasan pa siya ng kilay.
“Sinusundo ka, kain muna tayo!”aniya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya dahil hindi ko naman na siya napagbigyan kagabi. Kumain lang kami sandali bago niya ako inihatid sa trabaho.
“Huwag mo na ulit akong sunduin, gaga ka, sayang pamasahe.”natatawa kong saad sa kaniya.
“Ayos lang, medyo malapit lang naman diyan ang pagtatrabahuan ko.”aniya sa akin na napakibit pa ng balikat. Nagpaalam na rin siya kalaunan. Hinayaan ko na rin naman na umalis.
Naging abala naman na rin ako sa salon noong araw na ‘yon. Kapag may oras ako’y nakakausap ko rin si Atlas na siyang kumukuha lang din ng tiyempo. Update lang sa mga ginagawa namin. Last day niya na roon tomorrow kaya lang baka sa isang bukas a siya makauwi dahil mayroon silang party.
“Girl, nanliligaw ba ‘yan sa’yo? Infairness, may itsura rin.”ani Ava nang makita si Aaron nasa tapat muli ng salon.
“Gaga, kapatid ko na ‘yan no!”sambit ko kaya naningkit naman ang mga mata niya sa akin.
“Ang tanong kapatid nga ba ang turing sa’yo?”natatawang tanomg ni Ava. Napairap naman ako sa kaniyang tinuran. Issue din ang isang ‘to e.
“Uyy, ano nanaman ang ginagawa mo rito?”tanong ko sa kaniya.
“Sinusundo ka ulit.”malapad ang ngiting saad niya.
“Isusumbong kita kay Mima e, naglalakwatsa ka lang ata rito.”sambit ko kaya naman agad siyang umiling.
“Of course not. Natanggap nga ako.”aniya na napanguso pa. Hindi ko naman maiwasang matawa at napakibit na lang ng balikat doon.
“Mima, nandito nanaman si Aaron, nagsasayang nanaman ng pamasahe!”hindi ko mapigilang sambitin nang tumawag si Mima at magkasama kami ni Aaron na kumakain sa fishball-an.
“Ate, sinunod ko lang kaya ang payo mo. Sabi mo delikado rito, para kapag naholdap, hindi lang ako.”aniya kaya napairap ako.
“Hay nako, ewan ko sainyo. Baka mamaya’y kayo pa pala ang magkatuluyan.”sambit ni Mima mula sa kabilang linya kaya agad akong napangiwi.
“Mhie, joker ka na ba ngayon? Hindi ko type si Aaron at magkapatid na kaya kami! Ang weird naman kung jojowain mo kapatid mo no.”ani ko. Natahimik naman silanh dalawa dahil sa sinabi ko.
“Sus, wala kaming kapatid na pangit no!”sambit naman ni Aaron kaya inirapan ko siya. Nagtawananan pa kami sa tinuran nito.
Kaniya-kaniya na rin naman kaming uwian after that. Nagtext naman na rin agad ako kay Atlas after that.
Ako:
Nandito na ako sa bahay, Loads.
Naglinis naman na muna ako bago ko siya sinubukang tawagan dahil ang sabi niya kanina’y tawag na lang ako kaya lang ay wala namang sumasagot. Kahit no’ng matapos na ako sa evening routine ko’y mukhang hindi pa rin niya ginagamit ang phone.
Tinext ko naman si Juls upang magtanong kung tapos na ba ang shoot.
Ako:
Girl, tapos na shoot??
Juls:
Yup, Sis, kanina paa. Whyy??
Juls:
Hinahanap mo ba Atlas, Sis? Kanina pa sila alis ni Ginly. Halos magkasunod lang kaya nga usap-usapan sila dites e. Sweet daw. Sweet ampota.
Napatingin naman ako nang tumawag si Ava, sinagot ko naman ‘yon ngunit agad na nilayo ang phone sa tainga.
“Chora!”dapat talaga malayo sa tainga mo kung sasagutin mo ang tawag ng isang ‘to. Aba’t ang lakas lakas ng bunganga, parang masisira ang tenga mo e.
“Anong problema mo, Girl?”tanong ko sa kaniya.
“Nakita mo ba ‘yong article tungkol kay Atlas?”tanong niya. Nakuryoso naman ako nang marinig ang pangalan ni Atlas, nagawa ko pang maupo ng maayos dahil do’n.
“Bakit?”tanong ko pa sa kaniya.
“Basahin mo, send ko link sa’yo.”aniya na pinatayan na ako ng tawag. Napakunot naman ang noo ko dahil do’n. Maya-maya lang ay nagsend nga talaga siya ng link. Sinubukan ko namang tignan kung anong meron doon.
Article tungkol kay Atlas at kay Ginly na magkasama sa iisang hotel sa ilocos. Sa baba ay may video pa na kasama habang lumalabas si Ginly sa hotel kasama ni Atlas. Napakagat naman ako sa aking labi. Hindi ako sigurado kung anong mararamdaman dahil may kasama pang interview galing kay Ginly na wala naman daw sigurong masama dahil nga may relasiyon sila.
Sila ba talaga? Pero ang sabi niya’y hindi? May manloloko ba kasing nagsasabi ng totoo, Girl? How about ‘yong mga pinapakita niya sa akin? Ganoon din ba kay Ginly? Akala ko ba’y little sister lang?
Bago pa ako makapag-isip ng kung ano ano, nagriring na ang phone ko, tumatawag na si Atlas. Sinagot ko naman ‘yon.
“Sorry, kakatapos lang halos ng shoot and kakashower ko lang.”aniya sa akin.
“Ahh, okay.”sambit ko naman.
“Galit ka?”tanong niya.
“Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang mali?”nakangisi kong saad.
“Wala, pero bakit parang sarkastiko ‘yong tono mo?”tanong niya pabalik sa akin. Hindi naman ako nagsalita roon.
“Wala nga.”nakasimangot kong saad.
“Inaantok na ako. Good night.”sambit ko na pinatayan pa siya ng tawag.
Nagawa ko pang tawagan si Juls dahil alam kong nandoon siya, once lang na malaman kong sila talaga, hindi ako magdadalawang isip na tapusin kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Aba’t hindi ko pangarap ang maging kabit.
Hindi ko alam pero malaki ang parte sa akin na alam kong hindi magagawang magloko ni Atlas pero ewan ko ba kasi talaga, malay mo nagbago na. Malay mo hindi na siya ‘yong Atlas na minahal ko noon. But, Cho, you can see na ganoon pa rin siya.
Alam kong hindi naman namin nalinaw kung ano nga ba ang mayroon sa aming dalawa pero why naman ganoon? Ito ka nanaman sa pag-ooverthink mo, Chora.
“I don’t know, Sis, huh? Ayaw naman kitang pag-isipin ng kung ano ano. Baka wala lang naman ‘yon. Hindi ko alam. Issue lang ‘tong mga kasama ko siguro.”ani Juls mula sa kabilang linya.
“Pero madalas silang magkasama.”pagkukwento niya pa.
“Pinagkakalat din dito ni Ginly na sila raw. “aniya pa kaya napatikhim ako roon. That’s the sign I’ve been waiting for para bang hindi na pinatagal pa ni Lord dahil binigyan niya na agad ako kahit hihingi ko pa lang. I don’t want to think about it but he never really say he loves me. Hindi rin siya nagtatanong kung ano kami dahil baka mayroon talagang iba.
“Hoy, nandiyan ka pa ba? Hindi naman siguro totoo, edi sana noon pa lang…”hindi ko na magawa pang pakinggan ang sinasabi ni Juls dahil wala na ako sa wisyo. Hanggang sa matapos ang tawag ay ganoon lang ako. Tinext ko pa si Atlas.
Ako:
Let’s end it.
BINABASA MO ANG
Mask It With A Smile
Teen FictionPlay The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na lang bigla na parang bula ang kung ano mang nararamdaman. Until she met Atlas, she chase after him...