Chapter 39

1K 41 5
                                    

Chapter 39

Melchora's POV

Nagising ako dahil sa katok mula sa labas ng aking apartment, kumunot naman ang noo ko dahil do'n. Wala akong inaasahang bisita ngayon kaya anong meron? Pinagbuksan ko naman ng pinto ang kung sino.

"Ma'am, furniture po."ani Kuya na may dala dala pang papeles.

"Pakipirmahan na lang po, Ma'am."aniya na nagbigay pa ng ballpen.

"Po? Hindi po ako bumili ng mga furniture, Sir."naguguluhan kong saad. Baka mamaya'y mascam pa ako dahil dito, mahirap na. Wala akong perang pambayad kung sakali.

"Galing po kay Sir Atlas Garcia 'to, Ma'am, nabayaran na rin po."sambit niya sa akin kaya napaawang ang mga labi ko. Sinenyasan pa ni Kuya na ipasok na ang ilang mga furnitures sa loob.

"Salamat po."sabi ko kay Kuya. Tumango naman siya at nagpaalam na sa amin. Napatingin naman ako sa sobrang daming furniture na diniliver, hindi ko alam kung anong trip sa buhay ni Atlas pero punong puno ang loob at pakiramdam ko'y wala na ang space kung mailalagay 'yon lahat.

Holiday ngayon at wala kaming pasok, home service sina Ms. Lea ngayon. Hindi ko naman alam kung paano ko kauusapin si Atlas ngayong araw lalo na't wala naman akong numero niya at sobrang imposibleng magreply 'yon sa akin kung sakaling ichat ko man siya sa social media account niya. Ang dami dami niyang fans.

Wala na ang mga account ko noon, nakalimutan ko na. Dahil wala akong magawa, hinulaan ko ang ilang password ng mga dati kong account. Napangiti naman ako nang mabuksan ko ang sa ig ko. Hindi ako nagdownload ng ilang app sa phone ko dahil wala na akong panahon pa roon, hindi katulad noong bata ako na sobrang daming oras para sa mga ganoong bagay. Well, may time naman ako ngayon kaya nagawa ko pang idm si Atlas kahit alam kong imposibleng makita niya ang chat ko.

@Chococho: Hoy, para saan 'tong mga furnitures na 'to? Pautang ba 'to? Loads, ayaw kong lumubog sa utang.

Sinubukan ko ring hulaan ang password ng twitter account ko dahil medyo namiss ko rin na makifeeling close sa mga finofollow ko sa twitter. May free wifi naman kasi rito sa apartment. Napatalon pa ako sa tuwa nang makita kong naopen ko ito.

Cho @Prettychora: Tangina nitong ex ko, patay na patay pa rin ata sa akin amp.

Well, back to namamafeeling na Chora nanaman tayo. Napatawa naman ako sa tweet kong 'yon, aba, Cho, ngayon ka na lang magtwitweet ganyan pa ang bungad. Ibababa ko na sana ang phone ko ng umulan 'yon ng replies mula sa mga kaibigan.

Bella @Bellachao: Hoyyy!!! I miss youuuu

Indigo @Indigo: Uy, hindi na siya taong gubat

Michelle @Pollyychelle: Grabe! For the first time! Akala ko nakalimot ka na! Gala tayo hoyyy. Miss kita, sobra, sis!

Bren @Brentee: Luh, ghost.

Carver @Carwash: @Atlaskaius

Isa isa ko naman silang nireply-an dahil wala naman akong gagawin o dahil tinatamad akong kumilos lalo na't hindi ko alam ang gagawin sa mga gamit na ibinigay ni Atlas dito sa bahay.

Cho @Prettychora replying to @Carwash: Siya lang ba ex ko?

Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nilike ni Atlas ang tweet ko. Nakaprivate na ang account niyang 'yon. Halos lahat naman ng kaibigan ay nakaprivate na. Wait, need ko na rin bang magprivate? Hindi naman na active ang ilan kong following, itong mga kaibigan ko ang naman kasi ang laking twitter. Hindi ko maalala ang password ko sa private account ko kaya hinayaan ko na lang na ito ang gamitin.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon