Chapter 48

1K 34 4
                                    

Chapter 48
Melchora’s POV

Nagkatinginan naman kaming lima dahil do’n. Dire-diretso naman si Ms. Lea palabas.

“Si Ms. Lea, parang recitation sa room e, nakakakaba kapag nakikita siya.”ani Juls. Naiiling na lang akong natawa at sumunod kay Ms. Lea patungo sa office niya.

Seryoso naman ang mukha nito habang nakatingin sa akin, napatikhim naman ako dahil do’n. Tahimik lang akong naupo nang paupuin niya ako.

“Sorry to inform you, Ms. Benavidez, but Ms. Sanchez want to fire you kahit gusto ko mang manatili ka rito’y masiyado ng maraming reklamo patungkol sa’yo…”anito kaya tahimik lang akong nakikinig sa kaniyang sasabihin.

“Don’t worry because you will receive severance pay and other benefits tutal ay naging mabuti ka namang empleyado rito.”aniya sa akin. Gusto ko mang magreklamo ngunit alam kong medyo nasira nga ang reputasiyon ng salon dahil sa akin. tNgumiti na lang ako kahit hindi ko nagustuhan ang naging pasya ng mga ito. Nang palabas na sa office niya’y napabuntong hininga na lang ako.

Lutang na tuloy ako buong araw sa trabaho, tanong naman ng tanong ang mga kaibigan kung ayos lang ba ako, ovbiously hindi. Nakakainis kapag tinatanong ng mga ‘to ang ovbious pero alam ko naman na concern lang ang mga ‘to at wala naman ako sa mood para barahin sila.

“What happened?”tanong ni Atlas nang sumakay ako sa kotse niya.

“Huh? Wala naman?”tanong ko at napakibit ng balikat sa kaniya.

“Ang layo ng tingin mo…”sambit niya habang nakatitig sa akin.

“Hmm, it’s nothing…”sagot ko naman at napakibit ng balikat. Ramdam ko naman ang hindi niya pag-alis ng tingin sa akin.

“Wala, sisante na raw ako.”nakanguso kong saad kaya nag-aalala niya naman akong binalingan.

“I know how important your job is… talented ka, alam kong makakahanap ka rin ng panibagong trabaho.”aniya sa akin kaya mas lalo lang akong napanguso. Sayang din kasi ‘yong trabaho ko sa Gina’s Salon, doon ako nakakuha ng ilang experience dito industriyang ‘to.

“And if you want, I can hire you, be my personal make up artist.”aniya pa kaya agad naningkit ang mga mata ko.

“Oportunista ang pota.”sambit ko na natatawa. Napatikhim naman siya at natawa lang din sa sinabi ko.

“Nah, ayaw ko…”sabi ko at napanguso. Napanguso rin siya dahil sa pagtanggi ko.

“Alam kong hindi ka talaga papayag but I just really want to ask.”sabi niya naman at napakibit pa ng balikat.

Imbis na dumeretso sa pag-uwi ay nagawa pa naming magtungo sa shangri la plaza mall.

“Sure kang dito tayo? Paano kapag nakita la ng fans mo na kasama ako?”tanong ko sa kaniya na nakanguso.

“Ano naman? Alam naman ng lahat na nililigawan kita.”aniya sa akin at napakibit pa ng balikat na wari’y wala lang kung makita siya ng mga tao.

“Mainit ka pa rin sa mata ng media, Atlas, hanggang ngayon na kay Ginly pa rin ang simpatya ng mga tao.”ani ko sa kaniya at napailing pa. Alam ko naman na hindi agad mababago ang pananaw ng mga ito at paniniwalaan lang ang mga gustong paniwalaan.

“I don’t care about what other think, I only care about yours…”aniya pa sa akin at malapad na ngumiti.

“Ang harot mo.”sabi ko na inirapan pa siya. Naglakad naman na kami palabas ng kotse niya. May suot siyang mask ngunit sa palagay ko’y mamumukhaan pa rin siya ng mga ito.

“Sine tayo?”tanong niya sa akin at ngumisi pa.

“Ulol mo, tiya-tiyansing ka nanaman.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Hoy, ganyan ba ako sa tingin mo?”nagawa niya pa akong ngiwian kaya napatawa na lang ako sa kaniya. Ipinagsiklop niya pa ang mga daliri naming dalawa habang naglalakad sa mall. Mabuti na lang ay kahit paano maayos naman ang itsura ko.

May mga nakakamukha sa kaniya ngunit hindi sila sigurado kung dapat ba nila itong lapitan o ano. Mukha namang hindi napapansin ni Atlas ‘yon dahil abala siya sa pakikipag-usap at pagtatanong ng kung ano ano sa akin.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa sinehan, bumili lang siya ng ticket, drinks at ng snack. Nang pumasok kami’y hindi ko maiwasang mapangiti at maalala ‘yong noon. Madalas kaming magdate sa sinehan lalo na kung hindi kami ganoon kaabala. Naalala ko rin na sa sinehan ko siya sinagot noong tumakas kami ng prom.

“Remember when we sneak out sa prom para lang manood sa sinehan?”natatawa kong tanong sa kaniya nang makapwesto na kami.

“How can I forget it when it’s the day I claim you mine?”tanong niya naman pabalik.

“Saka sobrang kulit mo at ayaw mong manatili sa venue.”aniya pa.

“Akala mo naman hindi nagpauto. Isa ka rin.”natatawa kong saad sa kaniya.

Maya-maya lang ay nagsimula naman na ang film, nagseryoso na siya sa panonood, ganoon din ako dahil hindi ko naman napanood ang movie.

“Hindi mo nabanggit na gusto mo palang mag-artista…”hindi ko mapigilang sambitin nang maalala ‘yon.

“Hmm, you like watching movies.”aniya kaya nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo.

“Anong connect?”tanong ko naman na nagtataka.

“I want you to watched me.”sambit niya na nagkibit pa ng balikat. Natigilan naman ako roon at matagal pa siyang tinignan, hindi alam kung nagjojoke ba ito o ano. Napatawa naman siya sa naging reaksiyon ko at napailing na lang.

“Hindi ko alam na ganiyan ka pala kapatay na patay sa akin.”natatawa kong biro sa kaniya.

“Medyo.”aniya naman na binalik na ang mga mata sa screen. Hindi ko naman mapigil ang paniningkit ng mga mata. Pinagloloko talaga ako ng isang ‘to. Nailing na lang ako at nagpatuloy na lang muli sa panonood.

Dumantay ako sa kaniya at dahan dahang kinuha ang kamay nito para paglaruan. Nang matapos ang movie ay malapad ang naging ngiti ko dahil satisfied sa naging ending.

Palabas na sana kami ng sinehan ng hinarang siya ng isang batalyong fans niya.

“Kuya Atlas! Ang gwapo niyo po talaga sa personal!”malakas na sigaw ng isang babae. Sang-ayon naman ako roon. Aba’t alagang alaga ang isang ‘to. Dapat lang, puhunan niya kaya ang mukha.

“Atlas, pupwede bang magpapicture?”kaniya kaniya na silang siksikan palapit dito.

“Pupwede bang tumanggi?”tanong ni Atlas na hindi alam kung paano tatanggian ang fans niya. Nilingon niya pa ako tila nahihiya sa akin. Napatawa naman ako ng mahina roon. Sinabi ko na ‘to sa kaniya, hindi nakikinig.

“Sige na, ayos lang, ako na ang kukuha.”sabi ko naman na napakibit pa ng balikat. Napanguso na lang siya at hindi na rin naman umarte pa. Napatingin naman sa akin ang ilang fans niya.

“Ms. Cho, ang ganda mo pala sa personal.”sabi sa akin no’ng isang magandang babae. Ang ilang babae naman tila ayaw talaga sa akin, mga nakasimangot pa habang tinitignan ako ngunit wala naman sa akin ‘yon. Kung noon siguro’y maaapektuhan ako, pero ngayon ay hindi, alam kong ako lang naman ang gusto ni Atlas.

“Thanks, ikaw din, I like your curly hair.”pamumuri ko sa kaniya. Lumapad naman ang ngiti nito sa akin.

Kinuhanan ko naman na sila ng litrato, gusto na nga kaming paalisin ng mga crew dito sa sinehan ngunit hindi nagpapaawat ang mga fans ni Atlas kaya wala silang choice kung hindi ang hayaan kami.

“Kampante yarn?”natatawa kong tanong kay Atlas nang makalayo na kami sa mga fans niya. Napanguso lang naman siya dahil do’n. Hindi ko alam kung hindi ba talaga siya aware na sikat na sikat siya o ano.

Nang makatungo sa bilihan ng nga cosmetics, hinayaan niya lang akong mamili ng mamili ng kung ano ano. Napatingin naman ako sa unahan nang makitang may paligsahan pa atang nangyayari. Random silang kumukuha sa audience ng mga kalahok. Agad naman akong nagtaas ng kamay nang makitang namimili pa sila. Mukhang pagandahan ng make up concept iyon. Malapad naman ang naging ngiti sa akin ng saleslady, sale kasi ngayon kaya may paganito sila. Medyo maraming tao.

“Choose your model, Miss.”aniya sa akin. Hindi ko pa nasasabihan si Atlas ay lumapit na agad siya sa gawi namin. Bahagya namang nagulat ang ilan habang nakatingin sa aming dalawa. Ang iba naman ay walang pakialam.

Pare-parehas lang kami ng make up na gagamitin, hindi gaanong marami ‘yon. Depende na lang daw kung paano aayusan ang napiling modelo. Isang gift voucher ang premyo, bibili rin dito sa shop, kung sino man ang mananalo. Excited ako dahil it’s been years na rin nang sumali ako sa mga competition na ganito.

Agad akong nakaisip ng concept nang makita ko ang mga kulay na gagamitin. Nagbigay sila ng clashing color, naisip ko namang gawin ‘yong bahaghari kahit na dalawang kulay lang naman.

Malapad ang ngiti ko habang pinaghahalo ng pinaghahalo ang mga kulay. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagsisimulang ayusan ang mukha ni Atlas. Nakatitig lang naman ito sa akin habang inaayusan ko siya.

“Huwag kang maharot, nagfofocus ako.”natatawa kong saad habang pinanliliitan siya ng mga mata. Napatawa naman siya sa akin. Paano’y kinakabig ang baywang ko, napakalandi, hindi na nahiya.

“I just want them to know that you’re mine, daming attracted sa’yo.”nakanguso niyang saad nang bitawan ako. Napakunot naman ang noo ko at napatingin pa sa mga taong nagdagsaan dito sa loob. Ang assuming ko naman kung iisipin kong ako ang pinagtitinginan ng mga ito when obviously mukhang nakikinood at ang iba’y si Atlas lang talaga ang gustong makita.

Hindi ko naman na ‘yon pinansin at nagseryoso na, ganoon din si Atlas na siyang patuloy lang sa panonood sa akin, sumusunod lang din sa kung ano mang gusto kong mangyari. Nang matapos ang oras ay satisfied naman ako sa naging resulta ng pag-aayos ko sa kaniya.

“You did well.”aniya na ginulo pa ang buhok ko. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin kaya tinawanan niya ako. Alam na alam niyang ayaw kong ginugulo ito dahil katulad ng makw up ay pinaglalaanan ko rin ng oras ito ngunit ang hinayupak, napakaepal.

Ang audience lang din naman ang magjujudge kung sino ang mananalo. Tuwang tuwa rin ako habang tinitignan ang naging resulta no’ng sa iba dahil magaganda rin talaga.

Nang magtanong na ang saleslady at nagpaboto, laking tuwa ko nang ako ang manalo. Agad naman akong niyakap ni Atlas, ni walang pakialam sa mga taong pinapanood anf bawat galaw naming dalawa.

“Thank you po!”hindi ko mapigilang sambitin nang iabot na sa akin ang premyo.

“Ang galing mo, Miss.”sabi sa akin ng saleslady. Nagawa ko pang makipagchikahan dahil alam ko rin kung gaanong kapagod ang trabaho ng mga ito dahil naranasan ko rin.

“May experience ako dati, binulyawan ba naman ako kasi nakasunod. Kasalanan ko bang ‘yon ang trabaho ko?”nakanguso kong saad sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin dahil dito.

“Ilang beses ko na rin ‘yang naranasan kaya nga minsan hinahayaan ko na lang din…”natatawa niyang saad.

“Osiya sige na, marami ka ng customer, aalis na rin kami, Girl! Balik ako next time, bait mo e!”nakangisi kong sambit sa kaniya. Malapad niya rin akong nginitian pabalik at nagawa pa akong kawayan.

“Where do you want to go next?”tanong sa akin ni Atlas na siyang nililibang lang kanina pa ang sarili sa pakikipag-usap sa kaniyang mga fans, marami rin kasi ang nagpapakuha ng litrato. Kinuha ko naman sandali ang baby wipes at dahan dahang pinahid sa mukha niya.

“Let’s eat first! Libre ko!”nakangiti kong saad. Nawala lang ang ngiti nang may marinig na usapan mula sa gilid ko.

“Nanalo lang naman dahil kay Atlas, manggagamit nga talaga…”bulong bulong ng ilang babae. Hindi ko na sana papansinin dahil mukhang nang-aasar lang naman at kung papansinin mo? Mas lalo ka lang ding aasarin.

“Excuse me, Miss, I think I heard you wrong.”ani Atlas na nakalapit na pala roon. Agad naman akong lumapit sa kaniya para hilain siya, aba’t baka mamaya’y masira pa ang image nito no?

“Gagi ka, sisirain mo ba talaga ‘yang image mo para lang sa akin?”tanong ko na pinagkunutan pa siya ng noo habang hinihila paalis doon.

“I join the industry because of you, I’m more than willing to break myself for your sake…”aniya.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon