Chapter 33

916 32 1
                                    

Chapter 33
Melchora’s POV

“Anong ginagawa mo rito?”kunot noong tanong ko sa kanya at napatingin pa sa likod nito. Baka mamaya’y makuhanan pa siya ng litrato saka isa pa delikado riyan sa eskinita. Madilim at walang ilaw, baka mamaya’y mapagtrip-an pa siya.

“Hindi mo kinuha.”aniya at iniabot sa akin ang paperbag. Napatikhim naman ako roon at bahagya pang nagtataka nang tinanggap ‘yon.

“Oh… thanks.”ani ko upang hindi na pahabain pa ang usapan namin. Aba’t ang manager niya’y palinga linga na sa paligid.

Tinignan niya naman ang paa ko na siyang namamaga pa rin. Pinagdikit ko naman na ‘yon.

“Sana’y hindi ka na bumaba, delikado riyan!”hindi ko mapigilang sambitin.

“Alam mo pa lang delikado, nanatili pa rito.”hindi ko naman narinig ang bulong nito. Napatingin pa ako sa kanya nang may halukayin sa kanyang bag. Iniabot niya sa akin ang band aid mula sa kanyang bag. Aba’t hindi ko alam kung dora ba ito o ano, mukhang ang daming laman no’n.

“I lock mo na ang pinto.”aniya. Aba’t ang bastos ko naman kung pagsasarahan ko siya ngunit siya na mismo ang nagtulak ng pinto at sinara ‘yon. Napasilip naman ako sa may bintana nang makita kong paalis na siya. Palinga linga pa rin ang manager nito, tinitignan ang paligid. Hindi ko naman maiwasang mapahawak sa aking dibdib nang mahiga na ako sa kama pagkatapos kong mag-ayos ayos. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sa ilang araw ko siyang nakikita sa set, ngayon lang kami nagkausap ng ganito.

Madalas kasi’y iniiwasan lang ang isa’t isa para bang hindi ba magkakilala. Napabuntong hininga ako at gusto na lang saktan ang sarili. Nakatulog naman ako ng mapayapa sa araw na ‘yon.

Kinabukasan, sa salon ako ngayon, gusto ng head namin na manatili ako sa Gina’s Salon. Isa rin sa pinakakilalang salon ang Gina’s Salon ngunit nanatili pa ring pinakamagandang kalidad at kilalang kilala ang Salon ni Mima noon, kahit paano’y masaya ako roon. Mas lalo ring lumawak ang business na hawak ni Mama kaya nga laging nababalita ang anak niyang si Ginly kapag nakakasama si Atlas na siyang hindi ko alam kung kailan nagsimulang mamahala ng sarili niyang business gayong mayroon naman silang pamilya.

“Good morning po.”bati ko sa ilang empleyado rito sa salon. Medyo nag-aadjust pa ako ngunit mayroon naman na akong mga madalas makausap. Wala si Ava dahil nasa shoot siya ngayon. Minsan kasi’y nakadepende kung sino ang mga pupunta sa shoot. Ang Gina’s Salon kasi ang kinuha nila para maghandle ng mga make up ng mga artista sa movie na ‘yon.

Baguhan lang si Atlas sa pagiging artista ngunit sobrang dami na agad niyang nga palabas. May mga up coming project pa siya. He’s a great actor, bonus pa na gwapo ito at anak ng batikang artista na si Georgiana. Hanggang ngayon ay mabenta pa rin sa maldita roles si Georgiana.

“Chora, halika rito.”ani Ms. Lea, ang head ng salon. Tumango naman ako at agad na inayos ang base ng make up ng customer namin. Naging abala namam kami, marami rin akong natututunan kay Ms. Lea dahil magaling din talaga ito.

“Good work today, Melchora.”nakangiti niyang saad sa akin. Ngumiti rin naman ako pabalik. She’s actually nice, hindi niya naman ako napapagalitan dahil kahit paano’y alam ko ang ginagawa ko.

“Cho!”napatingin naman ako kay Juls na siyang halos hingalin pa habang palapit sa akin. Sobrang saya ko noong nakita ko siya rito. Mahirap din kasing makapasok sa salon na ‘to at kailangan pa ng degree kaya pasok na agad siya. Kakagraduate niya lang kasi at pak na pak din ang talent pagdating sa pagmemake up kaya hindi naging mahirap ng mag-apply siya.

Graduate na rin sana ako ngayon but still, it’s fine, wala na rin namang oras para pagsisihan ko ang ilang bagay.

“Aba’t kung makatili ka’y akala mo sobrang layo ko.”ani ko sa kanya kaya napatawa siya.

“Lunch na us. Tomguts na me.”aniya kaya napatango naman na ako. Sumama rin sa amin si Melly na hindi rin nagtungo sa shoot ngayon.

“Cho, umamin ka na, kaano ano mo si Ms. Lea?”tanong sa akin ni Juls nang nasa carenderia na kami. Himala nga’t hindi nag-iinarte ang gaga.

“Gaga, wala kaming ugnayan, kung mayroon edi sana’y pagkapasok ko pa lang Artist na agad ako.”ani ko kaya napakibit sila ng balikat.

“Ubod ng sungit ‘yang si Ma’am, pero ang bait sa’yo, anong pinakain mo?”tanong pa ni Melly. Nailing na lang ako sa kanila.

“Minsan kasi’y kailangan niyo rin ng ganda.”natatawa kong biro sa kanila kaya nailing na lang ang mga ‘to.

“Ulol mo.”natatawang saad ng mga ito. Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan sa kung ano ano.

Bumalik din kami sa trabaho kalaunan. Pare-parehas kaming naging abala at pagod nang makalabas sa salon ngunit nagawa pang mag-aya ng mga ito upang magtungo sa malapit na bar.

“Hard pass, Mga Sis, marami pa akong priority bago magwalwal at humanap ng boylet.”ani ko sa kanila kaya agad namang ngumisi sa akin si Juls.

“We? Ang sabihin mo baka hindi ka pa nakakamove on sa ex mo—“aniya kaya agad ko siyang sinipa. Akala mo naman ay nadaanan ng train kung makapagreact ang gaga. Natawa naman ako sa kanya dahil do’n.

“Hoy, gwapo ba ex niya? Sino, girl?”tanong naman ni Melly at agad na nang-usisa. Sinamaan ko naman ng tingin si Juls. Aba’t baka mamaya’y sabihin pa ng mga kasamahan ko sa trabaho, masiyadong mataas ang pangarap ko, gayong lagi ko ngang naririnig ang mga usapan nila tungkol kay Atlas. Halos lahat sila’y pinapangarap na maging boyfriend ‘yon.

Mabuti na lang din ay tinigilan na ako ng mga gaga, napangiti na lang akong kumaway sa kanila nang kanya-kanya na silang alis. Bukas sa shoot muli ako, hindi ko alam kung dapat bang maging casual ako sa kanya o ano.

Gulat naman akong napatingin kay Aaron, ‘yong pangatlong kapatid ni Mima. ‘Yong kakatapos at kaedaran ko lang na kapatid nito.

“Aaron!”malakas kong sigaw at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Napatakbo pa ako at parehas kaming nagtatalon sa tuwa.

“Cho, grabe! Namiss kita.”aniya na niyakap pa ako. Napatawa naman ako at pinitik ang noo niya para hiwalayan ako. Ito ang pinakauna kong nakasundo sa kanilang magkakapatid dahil sobrang kwela nito.

“Anong ginagawa mo rito? Alam ba ng Ate mo?”tanong ko na tinutukoy si Mima.

“Oo naman, nag-apply ako riyan sa BPO, gusto ko rin ng malaking sahod para makatulong naman kina Papa.”aniya kaya napangiti ako.

“Aba’t lumelevel up na ang Kuya ko ahh?”natatawa kong biro kaya inirapan niya ako. Dati’y bulakbol ang isang ‘to, nagtino lang nang nasa bahay na nila si Mima at talagang dinisiplina sila nito. It’s kinda fun na marami sa bahay lalo na’t noong tinuring na rin nila ako bilang kapamilya nila.

“Kuya mo mukha mo, magkaedad lang tayo!”natatawa niyang saad.

“Ano? Kain tayo? Kahit sa mcdo lang!”nakangiti kong saad. Tumango naman siya at sumilip pa sa kanyang wallet tila nagbibilang. Napatawa naman ako roon.

“Libre ko na, Loads, tutal ay mas mayaman naman ako sa’yo.”biro ko sa kanya.

“Ulol mo.”natatawa niyang saad. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang mcdo dito sa main building ng Gina’s salon.

“Ako na, yaman ko lang.”aniya nang magbabayad na ako.

“Gago ka! Siguradong kinupitan mo nanaman si Mima! Aba’t mahiya ka naman, nagpapakahirap ‘yong tao para sa’yo.”sermon ko sa kanya kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

“Gaga, pera ko ‘yan, nagpart time ako sa jollibee para may pang-apply dito sa manila.”aniya kaya naningkit lang ang mga mata ko sa kanya. Paano’y gawain niya talaga dati na manghingi kay Mima para mga walwalan nila ng mga kaibigan niya. Dahil sumbungera ako, madalas ko siyang isumbong kay Mima. Sermon naman ang abot niya pagkauwi.

“Totoo nga! Matinong tao na ako. Gusto ko ng magseryoso sa buhay dahil masiyadong mataas ang pangarap no’ng babaeng napupusuan ko. Hindi pupwedeng forever tambay na lang.”aniya pa kaya natawa ako.

“Sus, sinabi mo na rin ‘yan no’ng niligawan mo ‘yong kapitbahay nating si Ningning pero no’ng naging kayo at nagbreak, wala ka nanamang pangarap. Aba, mas maganda kung mangangarap ka para sa sarili mo.”sambit ko sa kanya.

“Kahit bastedin ako nito, magtitino pa rin ako. Nakakahiya naman kay Ate.”aniya kaya ngumiti ako.

“’Yan, ganyan dapat.”natatawa kong saad kaya napanguso siya at inirapan pa ako.

Patuloy lang kami sa kwentuhan habang kumakain, kung ano ano lang ang pinag-uusapan namin, minsan ay kinukwentuhan niya pa ako patungkol sa nangyayari sa Kalinga ngayon. It was kinda fun talking to him, ginabi na rin kami dahil sobrang dami naming napagkwentuhan.

“Sure ka bang uuwi ka pa ngayon? Open ang aparment ko, Loads.”ani ko nang nasa tapat na kami ng eskinita ng bahay.

“Oo, may trabaho pa ako kinabukasan. Kailangan kong umuwi.”aniya kaya napatango ako.

“Sige, mag-ingat ka, sabihin mo kung nakasakay ka na, text text na lang.”sambit ko kaya ngumiti siya at tumango. Nagpaalam naman na siya sa akin. Kinawayan ko lang siya habang paalis ‘to.

Agad din naman akong nakatulog ng gabing ‘yon dahil sa pagod na rin. Maaga rin akong nagising kahit na medyo late na akong natulog. Parang ilang oras lang akong nakatulog.

Sa shoot ako ngayon, ireready ko na ang sarili sa walang katapusang utos ni Drakula. Magalang pa akong bumati sa kanya ngunit inirapan niya lang ako, kay aga aga, galit agad ito. Hindi ko na lang pinansin ang inis niya at nagpatuloy na lang sa trabaho. Natawa naman ako nang bumulong bulong sina Ava sa akin.

Si Melly, Ava at Juls ang ultimate basher nito. Naiiling na lang din naman ako kapag ganoon. Talagang halos lahat naman kami’y nagtitiyaga sa kanya.

“Feeling magaling amp.”bulong ni Ava.

“Gaga, magaling naman talaga siya.”ani ko dahil hanga naman kasi ako sa skills niya kahit na ubod ng suplada.

“Melchora, tawag ka sa vip tent.”aniya sa akin. Masama nanaman ang loob dahil si Atlas ang nandoon. Napanguso naman ako at hindi alam kung daoat bang maging casual kay Atlas.

“Lahat na lang ay hinaharot mo, hindi ka magtrabaho ng tama.”sambit niya pa sa akin. Napangiwi naman ako roon. Wala akong matandaan na humarot ako sa kahit na sino. Aba’t kung may oras lang ako, bakit hindi?

Naglakad naman na ako patungo sa vip tent habang dala dala ang make up kit ko. Kita ko naman si Atlas na siyang nagbabasa ng script.

“Start na po ako.”ani ko na ibinaba ang kit. Ni hindi naman niya ako nilingon at tumango lang. Mukhang ayaw niya nga talaga na may makapansin na magkakilala kami. Napanguso naman ako roon at tumapat sa kanya para magsimulang ayusan siya. Nagsimula naman na akong ayusan ‘to. Malamig lang naman ang tingin niya sa akin habang ginagawa ko ‘yon. Nang matapos ay napangiti na lang ako dahil sobrang gwapo niya, meron o walang make up.

“Get me a bottled water.”aniya. Napatingin naman ako sa PA niya na balak na sanang tumayo na nagtataka pa sa asal niya ngunit nagsalita muli si Atlas habang nakatingin sa kanya.

“Tubig.”sambit niya kaya napatikhim ako. Sino siya para utusan ako? Napangiwi na lang din naman ako sa sarili dahil ginawa rin naman ang inuutos nito.

“Para saan ‘yan, Cho?”tanong sa akin nina Ava nang makitang dadalhin ko ang tubig sa tent. Nang-aasar pa silang ngumisi sa akin ni Melly kaya napairap ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating doon.

“Oh, baka mamatay ka sa uhaw.”bulong bulong ko nang iabot sa kanya. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay doon.

“Nagrereklamo ka ba, Ms. Benavidez, do you want me to call your key make up artist?”tanong niya pa sa akin. Aba’t hindi naman kasama sa trabaho ito ahh! Hindi naman kasama na pupwede niya akong utus utusan pero alam kong sa industriyang ‘to, kung sino ang mataas siya ang tama. They can fire me immediately lalo na kung magsalita ng masama tungkol sa salon si Atlas.

Ang dali lang baliktarin ng mga salita sa industriyang ‘to kaya hindi malabo.

May paband aid band aid pa siyang nalalaman, hari naman kung makaasta. Aba’t, Cho, binigyan ka lang ng band aid, nahulog ka naman ulit? Ulol, hindi nahulog ulit dahil hindi naman bumangon para umahon.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon