Chapter 51

1K 29 3
                                    

Chapter 51
Melchora’s POV

“Sure ka talaga sasama ka roon? Medyo agahan mo rin umuwi kinabukasan dahil imimeet natin si Attorney.”ani Mima Lena sa akin.

“Opo, Mhie, kapag minalditahan ako edi mas maaga ang uwi.”natatawa kong saad dahil tutungo kami ngayon ni Atlas sa bahay ng kaniyang Mommy, ayaw sana akong dalhin do’n ni Atlas ngunit ang Mommy niya mismo ang kumausap sa akin sa chat.

Ayaw ko namang tanggihan dahil kahit paano’y Mommy siya ni Atlas, nakakahiya kung ako pa ‘tong mapagmataas gayong ako lang naman ang nakikisama sa pamilya nila. Birthday din kasi ng Mommy niya, aba’t hindi ko naman na kasalanan kung sakaling himatayin ‘to sa panggigil sa akin.

“’Yan na boyfriend mo, Cho, kapag minalditahan ka, sabihin mo.”ani Mima Lena, siya ‘tong kasama ko ngayon sa apartment, ayaw niya kasing umuwi sa kanila, si Mima Sunny naman ay nasa probinsiya na muli dahil do’n ang trabaho niya.

“Let’s go?”tanong ni Atlas sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

“Ganda mo.”aniya sa akin. Malapad naman ang ngiti ko dahil I put extra make up today, alam kong dapat ay medyo simple lang dahil baka ayaw ng Mommy niya ang magpalamang but still baka mamaya’y ayaw naman nito ng kung ano. Aba’t ang sabi ko sa sarili, wala ng pakialam kung gustuhin man ako ng Mama niyo o ano pero anong ginagawa ko ngayon? Sinusubukan pa ring kunin ang loob nito.

“Are you really sure?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako at nakibit ng balikat. Ilang ulit nila akong tinatanong kung ayos lang daw ba talagang magtungo ako roon o ano. Akala mo naman bruhilda ang Mommy niya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa venue, malawak ang lugar at sa parking pa lang, alam mo na agad na maraming tao, I don’t know kung anong pakulo ng Mommy niya at baka ipahiya ako sa maraming tao, bahala na.

Pagkapasok pa lang namin ni Atlas ay madami ng bumabati sa kaniya lalo na sa mga babae, mabenta talaga ang isang ‘to. Mayroon pang isang businesswoman na lumapit sa kaniya, mukhang mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon at sa paraan ng pagtingin nila sa kaniya, halatang may tinatagong pagtingin. Alam ko dahil ganiyan din ako kung sulyapan siya. Napanguso na lang ako dahil hindi ako makarelate, pinakilala niya na ako kanina at siya ang ayaw tigilan ng babae.

“Cho!”malakas na sigaw ni Carver na siyang kumakaway sa akin.

“Carver!”nakangisi kong saad at nagawa pa ang madalas naming pag-uup here kapag nagkikita.

“Sana ol na lang talaga, Loads.”aniya sa akin kaya napatawa ako ng mahina.

“Bagal mo e, sabi ko naman kasi sa’yo comeback na.”natatawa ko ring saad sa kaniya. Parehas naman kaming napatingin kay Atlas na siyang hinapit ang baywang ko.

“Tangina, sana all na lang talaga oh.”sabi ni Carver na natatawa pang kinausap na si Atlas. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n.

Ang dami pa naming nadaanan na siyang kinakausap lang sila hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa gawi ng Mommy nito. Agad dumapo ang mga mata ko kay Mama na siyang kasama si Ginly at Madel sa isang upuan. Hindi naman na ako nagulat doon dahil alam ko naman talaga na friends ang Mommy ni Atlas at si Mommy.

Kitang kita ko ang talim ng tingin ni Ginly habang nakatingin sa mga kamay ni Atlas na nakahawak sa akin. Hindi ko naman na pinansin pa ang tingin nito, aba’t hanap siya ng sarili niyang Atlas, akin na ‘to. Wow, Cho, akala mo naman ay hindi mo ipinamigay noon. Nailing na lang ako at napakibit ng balikat.

“Melchora! Mabuti na lang ay pinaunlakan mo ang imbitasiyon ko!”nakangiting saad ng Mommy ni Atlas. Pinanood ko naman kung paano ‘to lumapit at nakipagbeso sa akin, hindi ko alam kung anong palabas ang mayroon, basta ang akin, hindi dapat ako maging kampante.

“This is Chora, Atlas’ girlfriend.”nakangiting saad ng Mommy ni Atlas sa mga amiga niyang nasa table. Mukhang may mga gusto itong sabihin ngunit tinikom na lang din ang mga bibig. Malapad ko naman silang nginitian at isa-isang binati, bumati rin ang mga ito pabalik ngunit halatang hindi nila ako gusto at tila ba alam ko na agad ang rason nang maiwan ako sa table ng mga ito. Ayaw sana akong iwanan ni Atlas kaya lang ay tinawatag siya nina Carver. Gusto niya akong isama sa mga pinsan niya ngunit ayaw naman akong paalisin ng mga amiga ng Mommy niya.

“Anong natapos mo, hija?”tanong ng isang matandang babae. Napangisi naman ako dahil parang alam ko na ang mangyayari.

“Hmm, hindi po ako nakagraduate.”sabi ko naman na sumimsim pa sa inumin. Aware naman ako sa mga tingin ng mga ito. Mukhang hindi gusto ang narinig, akala mo naman ay pamilya rin nila si Atlas gayong ang totoo, nakikiusisa lang naman ang mga ito.

“What about you, Hija? Kakagraduate mo lang, hindi ba? Siguradong maganda na agad ang future mo sa kompanya lalo na’t matalino ka, bonus na lang ang ganda!”pamumuri nila kay Ginly na lumapad ang ngiti dahil sa tinuran ng matanda. Kita ko naman ang ngisi rin ni Mommy. Nang mapansin niya ang tingin ko’y tumaas lang ang kilay niya. Ang tagal noong huli naming pagkikita at hindi man lang niya inalam kung kumusta pa ako o kung buhay pa ba ako. Basta maayos ang isa niyang anak ay ayos na.

“Napanood ko rin ‘yong latest movie mo, galing mong umarte roon, Hija, bagay nga talaga kayo ni Atlas.”walang hiya hiyang saad no’ng isa sa mga amiga ni Tita. Napangisi naman ako roon.

“Dapat ay ipagkasundo ang anak sa may mas magandang credential, Georgiana. Hindi ‘yong sa walang natapos at mukhang hindi pa kaaya-ayang babae mo ibibigay ang anak mo.”sabi pa no’ng isang babae. Handa na akong tumayo para umalis dahil baka masira ko pa ang party na ‘to nang makitang tumayo si Georgiana at nilapitan pa ‘yong matandang babae.

“Huwag mo akong utusan.”aniya kaya nangalumbaba ako para manood.

“Una sa lahat, how did you know? Nangunguna ‘yarn? Pangalawa, I trust my son’a taste, hindi ‘yon papatol sa basta basta lang na babae. Lastly, wala ka ng say sa kung ano pa mang nangyayari sa pamilya namin, kayong lahat.”maldita na saad ni Georgiana at dinuro pa sila.

“I won’t allow anyone disrespect my family and this girl is part of us kaya huwag niyo akong subukan.”nakangising sambit ni Georgiana. Hindi ko naman maiwasang mamangha dahil palavarn talaga ang isang ‘to.

Natatawa naman akong pumalakpak, kita ko naman ang iritasiyon sa mukha ni Madel, mukha namang disrespected si Mommy dahil ang anak nitong si Ginly ang pinupuri at alam ko, kahit na hindi ko man naririnig, sigurado akong madalas nilang pag-usapan ang ganap sa mga anak nila, Mommy look betrayed nang tumayo siya kasunod si Ginly na siyang masama pa rin ang tingin sa akin. Sumunod naman ang mga amiga ni Georgiana na nagsiwalk out din.

Kita tuloy ang tinginan ng mga guest dahil sunod sunod ba naman silang umalis, may kasama pang dabog.

“My! What’s wrong with you? I thought you don’t like that girl?”nakasimangot na saad ni Madel sa Mommy niya na siyang hinihilot pa ang sentido, mukhang nastress din sa pangyayari. Masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Madel ngunit pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

“What happened?”tanong ni Atlas na siyang nandito na sa tabi ko.

“Wala naman.”sabi ko dahil paniguradong isa rin ‘tong magagalit kapag nalaman niya pa ang pangyayari. Worst, baka talagang hindi na siya pumayag pang dalhin ako sa mga ganitong party. Pinilit ko na nga lang.

“What happened, My?”tanong niya dahil walang nakuhang sagot sa akin.

“I’m sorry, Son…”aniya kaya kumunot ang noo ni Atlas.

“My, ano nanaman pong ginawa niyo?”kalmante niyang tanong ngunit ramdam ang panganib sa tinig. Hinila ko naman ang laylayan ng kaniyang damit.

“Stop it, ang Mommy mo ang nananggol. Hayaan mo na, tapos na.”sabi ko na napailing na lang. Tinignan niya naman ako, kunot lang ang noo kanina ngunit napabuntong hininga na lang din kalaunan bago tumabi sa akin. Kita ko naman ang titig ng Mommy at kapatid niya sa akin. Maya-maya ay dumating ang mga partners ng Daddy niya sa business kasama ang Daddy nito.

“Hija!”nakangiting bati nito sa akin.

“Good to see you again.”sambit niya sa akin. Binati ko lang din sila pabalik. Tinawag sandali ng Daddy niya si Atlas para kausapin ang mga ‘to. Ipinagtulakan ko naman siyang sumama roon dahil ayaw humiwalay sa gawi ko. Pansin ko naman ang titig ng Mommy niya sa amin. Napatikhim ako at sumimsim na lang sa inumin, gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil kaming tatlo na lang ang nasa table. Nakakahiya naman kung aalis pa ako.

“Hija.”tawag sa akin ng Mommy niya. Ibinaba ko naman ang iniinom at nilingon siya. Tipid naman akong ngumiti nang tignan ito.

“I just want to say sorry sa nangyari nitong nakaraan, hindi lang talaga kita gusto noong mga oras na ‘yon.”sambit nito, aba’t diretsahan amp. Hindi ko alam kung matatawa ako roon o ano.

“I thought ikaw ‘tong naghahabol sa anak ko kaya ‘yon… hindi ako aware na ganito pala kapatay na patay ang pangay ko, masiyado lang akong nabulag sa kagustuhan ko. Pasensiya ka na, hija.”aniya pa sa akin.

“Hindi ko po sasabihing ayos lang ‘yon dahil hindi naman po talaga ayos na bigla bigla na lang mambuhos ng tubig…”bahagya namang sumama ang ekspresiyon ng mukha niya pero syempre gusto ko lang naman magpakatotoo sa kaniya at sa sarili ko.

“Pero pinapatawad ko po kayo, hihingi rin po ako ng paumanhin sa nangyari, pasensiya na po kung naoffend kayo o ano.”sambit ko sa kaniya.

Si Madel lang talaga ang walang pakialam sa akin. Mukhang wala siyang balak humingi ng tawad kung hindi lang siya siniko ng kaniyang Mommy. Labas sa ilong pa ‘to ng humingi ng tawad. Tinanggap ko na lang din dahil mukhang wala siyang balak ulitin ang paghingi ng tawad niya.

Saka medyo ayos na rin talaga ‘yon dahil hindi ko naman talaga ineexpect na hihingi ng tawad ang mga ito, akala ko nga’y ipapahiya pa nila ako sa dami ng bisita nila.

“Uh… happy birthday, Madame.”bati ko saka lang nilabas ang regalo sa kaniya, kanina ko pa ‘to hawak, hindi alam kung kailan nga ba ibibigay. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ‘yon o ano pero ‘yon lang ang maibibigay ko lalo na’t wala naman akong trabaho. Ilang cosmetic lang ‘yon dahil alam ko na mahilig siya roon.

Tumaas ang kilay niya bago ako nilingon. Napatikhim naman ako bago inexplain ang mga product na ibinigay sa kaniya.

“You can use this one po for whitening skin, ito naman po pampabata, hindi ko naman po sinasabing mukha kayong matanda but nakakaalis po ng wrinkles ‘to, well, wala naman po kayo gaanong wrinkles but use it kapag nastress kayo kay Atlas. Kita ko po skin niyo last time and I tried to find something na hiyang niyo po.”sabi ko at nginitian siya. Nakatingin lang siya sa akin, nakikinig nang iexplain ko ang use ng bawat product na binili ko. Wari’y saleslady ako habang kausap siya.

“Para kang saleslady na nanghihikayat.”aniya sa akin.

“Ang totoo po’y nagtrabaho ako bilang saleslady…”sabi ko at napakibit ng balikat.

“Oh? Akala ko’y 2 years na lang ay gagraduate ka na? Bakit hindi mo tinuloy?”nakataas kilay na tanong niya.

“Wala na pong pera, I need a job.”ani ko kaya pinapanood niya ang ekspresiyon ng mukha ko. Nakakagulat dahil nagawa niya akong kausapin. Maya-maya lang ay bumalik si Atlas at pinulupot nanaman ang mga kamay sa akin. Pinapanood lang naman kami ng Mommy nito at ng kapatid niyang si Madel.

“My, I never formally introduce Cho to you…”sabi ni Atlas. Aba’t kanina pa, ngayon niya lang naisip na ipakilala ako.

“Chora, My, the girl I want to marry next month.”ani Atlas kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon