39 | Premonition

196 5 1
                                    

We started working at around 9 am. Hiyang hiya pa rin ako dahil nakatulog ako sa kanila. Pero higit sa lahat ay ininom ko ang gatas na para sa bata. I really like her name. Shine. We go through the manuscript para mai- proof read at maayos ang mga dapat ayusin. Malungkot iyong unang nobela at hindi nagkaroon ng happy ending.

That's how it goes. Sabi nga nila, fairytales are for little kids. Hindi naman laging may happy ending. At hindi lahat ay may prince charming. Katulad ko, wala akong prince charming dahil hindi naman fairytale ang buhay. Pero higit sa lahat, dahil kaya ko namang mag- isa. Isa ito sa mga bagay na natutunan ko noong nakatira ako sa Spain.

"Let's have some coffee break," sabi ni Kean. I glanced at the wall clock and noticed the time. It was already 2 in the afternoon. Hindi na rin kami nakapag- lunch. Si Shine ay kinuha ni Loren kanina. Nagulat pa siya noong nakitang nasa apartment ako ng kuya niya pero pinaliwanag ni Kean na para lamang iyon sa trabaho. Hindi na rin naman siya nagtanong.

Tumayo ako at lumabas ng apartment. 

"Isang sasakyan na lang tayo," sabi niya. At first I hesitated pero dahil sirang- sira na ang daigdig dahil sa emission mula sa mga sasakyan ay pumayag na rin lang ako. Tawang- tawa naman ako sa dahilan ko. I knew that it wasn't my real reason. Binuksan ko ang pinto sa likod at pumasok doon. Tumingin siya sa rear view mirror.

"Am I your driver?" Sabi niya at napairap na lang ako. Bumaba ako at lumipat sa shotgun seat. Nag- drive na siya papunta sa pinakamalapit na coffee shop.

"Anong sa'yo?" tanong niya. Tumingin ako sa menu. "Banana pancake and Affogato,". Lumapit siya sa counter at umorder.

"OMG, Kylie! Is that you already?" nagulat ako kasi may tumawag sa pangalan. I can't remember his name but I'm pretty he was a classmate from college. "Yes, umh hello," sakto naman na bumalik na si Kean mula sa counter. "Kean!"sabi niya at kumamay. "Oh, Jax?"

"Yes, bro!" I suddenly remembered him. SIya yung classmate ko nung 2nd year na nag- migrate papuntang Australia. Magkakilala rin pala sila ni Kean. "Are you still together? Nakikita ko iyong pic niyo dati sa ig mo eh," sabi noong si Jax.

"No, we separated years ago. I have a daughter now," he casually said. Parang nagulat si Jax kasi bakitnga naman kami magkasama kung ganoon. "We're together for work," sabi ko. Tumango na lamang si Jax at pumunta na sa kabilang table. "Kain na tayo," I said to break the silence. Tahimik kaming kumain. Walang masyadong tao sa coffee shop dahil hindi naman peak hour. Pagkatapos ay lumabas na kami.

Naglalakad kami noong biglang may bumunggo kay Kean. Napakabilis ng mga pangyayari at nakita ko na lamang siyang nasa baba, dumudugo ang tiyan.

"Kean!" sigaw ko noong mahimasmasan ako. Agad tumakbo palayo iyong lalaki. Naka- sumbrero siya at naka- jacket ng itim. May sumalubong sa kanyang itim na sasakyan kaya imposibleng mahabol. "Kean!" sigaw ko muli dahil mukhang patulog na siya. Hindi siya pwedeng makatulog. "Pakiwatag ng ambulance!" sigaw ko sa mga by- stander. 

Kita ko naman na tumatawag na nga sila. Kumuha ako ng malinis na towel sa loob ng sasakyan niya. Inilagay ko iyon sa sugat upang mapigil ang pagtulo ng dugo.

"Kean, hindi ka pwedeng matulog." sabi ko sa kanya. Inabot niya ang aking mukha at pinipilit na nagsalita. "Ky- Kylie," umiling ako habang tumutulo ang aking mga luha. "Huwag  mo na mung pilitin na magsalita," Saktong nawalan siya ng malay ay dumating na ang ambulansya. Patuloy pa rin ang pag- iyak ko. Dinala siya sa operating room habang naghihintay naman ako sa labas. Hindi ko matawagan si Loren dahil wala naman akong number na niya. Hihintayin ko na lang na magising si Kean.

Lumabas iyong doctor at agad akong sumalubong.

"Are you the guardian of Mr. Kean Medina?" tumango ako sa kanya. "Luckily, the knife missed any of his vital organs. Iyon nga lang, medyo malalim iyong sugat. It will take at least 14 days for the wound to heal. But don't worry because he has overcome the worst. Hihintayin na lang natin siyang magising," tumango muli ako at nagpasalamat. Inilipat siya sa isang room. 

Umuwi muna ako para maligo dahil may dugo pa rin sa mga kamay at damit ko. 

"Kylie, you're here" bati ni mommy. "What happened?!" sigaw niya ng makita ang itsura ko. Hindi ko muli mapigilang umiyak. Kahit na sinabi ng doctor na stable na ang lagay ni Kean ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mabahala dahil baka mangyari uli ito. Mukhang siya talaga ang target dahil pagkasaksak sa kanya ay tumakbo na ito palayo.

"Kean got stabbed," sabi ko. Kinuha ni mommy ang cellphone niya. "It's on the news now," Binasa ko ang mga balita at halos iisa ang anggulo nila, iniuugnay sa ambush na nangyari sa pamilya nina Andrei at Andrea.

"Hindi malabo. Lalo na ngayong hindi pa nahuhuli ang mga suspect sa nangyaring ambush. Kahit ang mastermind ay wala pa ring lead ang prosecution." sabi ni mommy. Pagkaligo ay nagpahinga muna ako. Babalik ako sa ospital ngunit titingnan ko muna si Shine. Kinuha siya ni Loren kanina kaya sigurado ako na ligtas siya. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Indira," sabi ko.

"Nabalitaan ko iyong nangyari kay Kean. Kumusta siya?" naalala ko na konektado nga pala sila sa isa't isa. 

"Hindi pa ako nakakabalik sa ospital. Ikaw? Kumusta ka? Wala bang umaaligid diyan?" tanong ko sa kanya. Delikado kapag nalaman ng kung sino man ang mastermind ang lokasyon ni Indira. Ewan ko ba sa kanya at bakit siya nagpakasal kay Andrei. Tahimik sana ang buhay niya ngayon.

"Wala naman. Nag- hire ang kuya mo ng mga body gurad kanina. Papunta na rin dito si kuya para masiguro niya raw na ligtas kami." Pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag. Hinatid ako ni mommy papunta sa apartment ni Kean. Pagkapasok ko ay nandoon si Loren na mukhang nag- aalala.

"Ate!" sabi niya noong makita niya agad ako. "Kumusta si Kuya? Nakita ko sa balita iyong nangyari? Totoo bang connected ito doon sa nang- ambush sa kanila?" sunod- sunod na tanong nito.

"Hindi ko pa alam, Loren. Hintayin muna natin ang imbestigasyon. Sa ngayon ay pati ikaw ay kailangang mag- ingat. Si Shine?" tanong ko sa kanya. Pinuntahan namin siya sa kwarto at tahimik na natutulog.

"May kailangan ka bang gawin?" tanong ko kay Loren. 

"Wala naman. Pwedeng ako muna ang magbantay sa kanya pero kailangan kong umalis bago mag- 7 am bukas," sabi nito. Tumango ako at nag- taxi pabalik sa ospital. Umupo ako sa tabi ni Kean. Mahimbing siyang natutulog. Sabi ng nurse kanina ay baka bukas ay magigising na siya. 

"Where do you think are we now had not you made a mistake?" pabulong kong tanong sa kanya. Alam kong hindi niya iyon maririnig at hindi rin naman ako naghihintay ng sagot. Kahit na alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya, tapos na kami sa phase na iyon ng aming buhay.

"Tatlong taon na dapat ang anak natin kung nabuhay lamang siya," bulong kong muli. Hindi ko napigilang hindi umiyak habang inaalala nag mga sandaling iyon.

Sayang.

Pero hanggang doon na lamang iyon.

Kinabukasan ay bumalik ako sa apartment bago mag 7 am. 

"May pasok si Shine ng 8 am sa kindergarten. Ito iyong address," sabi sa akin ni Loren tapos umalis na. Tumawag ako sa publishing company at sinabi ang sitwasyon. Hindi naman sila nag reklamo, ie- extend na lamang ang contract. Noong 7 am na ay ginising ko si Shine.

"Wake up, baby. You need to prepare for school," bulong ko rito. Agad naman siyang nagising. Kumain siya at niliguan ko. Hindi ko kailan man naisip na gagawin ko ito, sa anak ng ex ko. Hinayaan ko na lamang. Matanda na kami.

"Where's daddy?" tanong nito sa akin. "He's at work," sabi ko sa bata. Tumango lamang siya at hinawakan ang kamay ko. Sumakay kami sa taxi papunta sa kindergarten niya. Bago pumasok sa classroom at nagpaalam muna siya sa akin.

"Bye, mommy!"


________________________________

Last six chapters tapos Epilogue na! Thank you if you have come this far. I'm sorry too for the slow updates. Stay safe, hydrated, and sanitized! 

Behind Every Regret (The Untold Tales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon