This is a short update. Anyway, thank you!! ❤❤❤ Follow me here and on my twitter account @bagongmyrrah. God Bless!! 🌻
I stared at the bowl of lugaw.
Did Kean cook this for me? I once again felt the butterflies in my stomach. Why did he do that? Does he still care for me after I pushed him away?
Kumuha ako ng spoon tapos kinain na yung lugaw. I dont know how to give the back the bowl to him. Maybe I can cook for him too? But I don't know how to cook.
Nakatulog na ako pagkatapos kumain. Hindi ako papasok bukas dahil daw naipagpaalam na ako sa news chief.
Nagising ako sa katok sa pintuan ko. I glanced at the wall clock and saw that it's already 7 in the morning.
"Kainin niyo raw po ito sabi ni Kuya, huwag na rin daw po kayong bumili ng pagkain mamayang tanghali," Loren once again handed me the food tray. It has a bowl of fried rice, scrambled egg, and sliced tomato. May coffee rin at gamot. Nakasuot na si Loren ng school uniform nila.
"Pakisabi thank you,"
"Bakit po hindi na lang kayo mag- usap? Halata naman po na gusto niyong kausap ang isa't isa eh," he innocently asked. Siguro ay nasa junior high school pa lang siya.
Ngumiti na lamang ako sa kanya tapos umalis na siya para siguro pumasok na. I was about to sleep again when I felt that my phone vibrated.
[Anak, will you not talk to mommy again?]
Hindi ulit ako nagreply at pinilit na lang na makatulog. Time will come that I will be able to forgive her. Pero hindi muna ngayon.
When afternoon came, I once again heard a knock on my door.
"Ate ito raw po ang lunch niyo," Loren handed me a lunchbox.
"Thank you,"
"Pinahihirapan niyo lang po ang mga sarili niyo eh,"
Hindi na ulit ako nagsalita at umalis na siya. I opened the lunchbox. The first layer contains rice and fried tofu. The second layer has pinakbet, and squid and the final layer has maja and slices of apple.
I smiled to myself as I stared at it. He really knows how to captivate my heart. When dinner came, Loren once again knocked on my door to give me food.
"Ako po ang nahihirapan sa inyo eh. Mag- usap na kasi kayo," he said then he walked away.
I can't remember the last time that I was able to eat a hearty meal. I stared at the food and let myself smile.
Tomorrow morning, naligo agad ako at nagbihis. Kailangan kong bumawi dahil alam kong nahirapan si Kean kahapon dahil mag- isa lang siya.
Pagkapasok ko ay nandoon na siya. I was debating if I will thank him but I'm afraid he would just tell me that he did it because I am his workmate and he will do the same even if it's the others.
"Mr. Medina and Ms. Rivera, your team will go to Palawan today. Mayroong endangered species ng butanding ang natagpuan doon sabi noong kaibigan ko na doon nakatira," pinaalis na kami dahil medyo mahaba ang flight.
"Careful," muntik na akong mahulog dahil mali ang tapak ko doon sa hagdan paakyat ng helicopter. Buti na lang ay nahawakan niya ako. I was about to thank him again but I think he did it because I am his workmate.
Ilang oras din ang itinagal.
"Wow," sabi ko dahil sa ganda ng beach.
Nandoon sa may malalim na bahagi ng pantalan yung mga locals na nagtitingin doon sa butanding.
"Mula po ako sa TVM Station. Kailan pa po iyong butanding?" tanong ko roon sa isang local.
"Kaninang alas kwatro ng umaga ay mangingisda dapat ako nung makita ko na parang may malaking isda dito. Sugatan siya at hindi makaalis," sagot noong matanda.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagtatanong. Live ang gagawing pagbabalita mamaya kaya hindi pa ifi- film at hihintayin pa namin ang evening segment ng balita.
Naglakad- lakad muna ako sa paligid ng beach.
"Ang ganda," sabi ko sa sarili ko dahil wala namang ibang tao doon.
"I miss the beach," sabi ko ulit.
Nagulat ako dahil pagbaling ako ay nandoon si Kean at nakatingin sa akin. Agad akong tumalikod kaya hindi ko napansin yung nakausling bato.
"Aray!" dahil hindi ko iyon napansin ay natapilok ako at napaupo ako sa buhanginan. Agad tumakbo si Kean papunta sa akin at tiningnan yung paa ko.
"Namamaga dahil natapilok ka," napaaray ulit ako noong pinisil niya iyong paa ko.
"I'm okay," sabi ko tapos tumayo ako pero napaupo ulit ako dahil sa sobrang sakit.
"Iyan ba ang okay lang?" sabi niya na parang galit. Hindi na lang ako nagsalita.
"Sakay." he said after a few minutes tapos umupo siya para makasakay ako sa likod niya. I didn't move so he speak again.
"Kung ayaw mo e di 'wag," sabi tapos tumayo.
"Wait!" tapos umupo na ulit siya para makasakay ako. Naglakad kami papunta sa set up.
"Anong nangyari kay Kylie?" tanong noong isang cameraman.
"Hindi tumitingin sa dinadaanan kaya ayon natapilok." Kean answered as he let me sit in a chair.
"Dito ka na lang, huwag ka na pumunta sa filming site." kaya naiwan ako roon kasama yung isang staff.
Noong tapos na ang filming ay nag- wrap up na. Nandoon na rin sa field yung helicopter na sasakyan namin pabalik sa station.
Hindi ko alam kung tatayo na ba ako o ano. Kami na lang ni Kean ang naiwan doon at hinihintay ng helicopter. Akala ko ay uupo ulit siya sa harap ko para makasakay ako sa likod niya. But he carried me in a bridal style.
"Yieee!" sigaw nung isang cameraman.
"Ay bagong kasal ang bet!" sigaw naman ni Miss Jen.
Kung ano ano pang pang- aasar ang narinig namin sa kanila. I am sure that my cheeks are burning red right now. Napatingin ako sa tenga ni Kean at namumula iyon. May sakit ba siya?
Pagdating sa station ay nagpaalam na ako na uuwi na.
"Uuwi na ako. See you tomorrow!" sabi ko sa kanila tapos tumayo na. Tiniis ko yung sakit at naglakad papunta sa elevator. Pero hindi ko pa iyon napipindot ay dumating si Kean sa tabi ko.
"Sabay ka na." then he walked inside the elevator.
I was about to step outside when I felt his arms lifting me. Pinabayaan ko na lang na gawin niya iyon. Isinakay niya ako sa loob ng sasakyan then he drove towards our apartment.
"Nasaan ang susi mo?" tanong niya na hindi pa rin ako ibinababa.
"Ito," tapos ibinigay ko sa kanya. I didn't expect what happened next. Ipinasok niya ako sa loob ng kwarto at inihiga ako roon sa bed ko. I can feel my heart beating quickly. The space between us is so close that I think he can also hear it. He was about to step out when I called him and held his wrist.
"Kean,"
"Bakit?"
"Do you want to stay for tonight?" I asked then he looked at me in the eyes.
BINABASA MO ANG
Behind Every Regret (The Untold Tales Series #1)
Romance(The Untold Tales Series #1) Reinn Kylie Rivera. She once believed that it is better to bid goodbye to love before it could even say the same thing to you. She doesn't like taking risks because she's afraid she will be falling for the wrong person...