24 | Favor, 3rd Month

135 7 4
                                    

"Hello, Cassey," I said as I answered the call.

"Kylie! one week ka pa lang diyan, miss na miss ka na ng mga tao rito sa station!" inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"I miss you rin, guys!"

"How are you? Okay ka pa ba diyan?" tanong niya.

"Yes, okay naman dito kaso laging brown- out," Kahapon, halos tatlong beses nawalan ng kuryente. Buti na lang may iba pang power source ang station. "Kayo, kumusta?" tanong ko pabalik.

"Okay din naman, hindi mo ba itatanong si Kean?"

"No, Cassey. I trust him. He won't do things that will hurt me,"

"Kahit 'di mo tinatanong, ike- kwento ko sa'yo. Grabe nakakatawa!" tumawa muna siya bago itinuloy ang kwento. "Tinatawanan nga ng halos lahat si Andrea eh, habol nang habol eh halata naman na ayaw na sa kanya nung tao, pero 'wag kayong mag- alala, hindi nila alam yung relationship niyo." she paused for a minute kaya nagsalita na ako.

"Tapos anong sunod?"

"Oh akala ko ba ayaw mo?"

"Ituloy mo na, sinimulan mo eh," I rolled my eyes kahit hindi niya nakikita. Cassey has always been good to me. She, with my other workmates, never did a thing against me.

"Parang may nakahahawang sakit si Andrea, layong- layo lagi si Kean. Kaso iyon nga lang, kapag ang news chief ang nagsabi, wala siyang magagawa," pagpapatuloy niya.

We talked for another 20 minutes tapos nag- ready na ako. Walking distance ang station kaya naglakad na lang ako papasok. I was wearing a white polo- shirt and denim jeans with rubber shoes. Sasama ako sa site kaya hindi ako naka- formal.

"Miss Claire, gawin nating catchy itong headline," sabi ko noong ipina- check sa akin ang news article.

"Yung elements ng filming, 'wag natin kalimutan. Live itong news na ito so ready," pagpapatuloy ko. Limang minuto pa bago i- air ang news kaya chineck pa namin.

Dapat walang palya. Dapat hindi magkakamali.

This is what I believe when it comes to my work. Ayokong magkamali. Ayokong pumalpak. I want to do and perform good when I'm doing my job.

"3, 2, 1," nag- signal na ako sa kanila dahil iyong news na ang ie- air.

Naging maayos naman ang flow at walang mali. Ito ang mahirap kapag naka- live. Hindi pwedeng i- edit. Hindi pwedeng magkamali.

Noong uwian na ay bumili muna ako ng beer bago dumiretso sa apartment. Around 9 pm noong tumawag si Kean.

"Hello," he said.

"Hi,"

"Kumusta? Okay ka pa ba?" tanong niya. His concern is evident in his voice. Halos 2 weeks pa lang kaming hindi nagkikita pero miss na miss ko na siya.

"Yes, how about you?" tanong ko.

"Miss na miss na kita," sabi niya. If only I could teleport to him right now, I would do it. I want to feel his touch at this moment.

Dahil siya ang pahinga ng aking pagod na kaluluwa.

"I miss you too," sabi ko. "I'm sad,"

"Bakit?"

"Hindi tayo magkasama sa third month natin," 3 months na kami next next week at nandito pa ako sa local station kaya hindi kami makakapag- celebrate together.

"Okay lang 'yan. Magcelebrate tayo pagkauwi mo." I nodded as a response tapos nagsalita rin ako noong ma- realize ko na hindi niya nga pala ako nakikita.

Behind Every Regret (The Untold Tales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon