"Stand by si Ms. Rivera at Mr. Medina sa mga breaking news. That is all for today. You may now leave." sabi ng news chief tapos nagtayuan na silang lahat.
"Huy Kylie kanina ka pang lutang," kinulbit ako ni Cassey kaya napatayo ako. Sabay kaming lumabas ng conference room.
"May problema ba kayo ni Kean? Bakit hindi kayo sabay na pumasok kanina?" she asked.
"Wala namang kami," tapos tumingin siya sa akin.
"Eh 'di ba he is courting you na?" I was about to speak when someone answered Cassey's question.
"Hindi ko na siya nililigawan, Cassey," Kean said as he walked out of the room. Naiwan din pala siya sa loob.
Cassey didn't ask after that. I think she felt how awkward the situation is. Naiwan kami ni Kean sa office dahil walang tao doon at lahat sila ay nasa naka- assign na news.
Walang nagsasalita. Tahimik kami parehas.
I wanted to ask him if he is okay but I know I have no right to do so. Besides, ginusto ko ito. I need to work out on myself first. Ipinagpatuloy ko na lang yung panonood ko ng It's Okay To Not Be Okay.
I fell asleep on my desk when I heard the telephone ringing.
"Hello, this is Reinn Kylie Rivera from the news department."
"Kylie! May sunog sa Marcos St., bumaba na agad kayo naka- standby na yung van kasama yung mga cameraman."
Agad kong kinuha yung backpack ko. Napalingon ako kay Kean. He is sleeping soundly. Hindi ko alam kung paano ko siya gigisingin but time is running at baka maunahan kami ng ibang station sa pagbabalita ng breaking news. The competition in this field is unbelievable.
"Kean." tawag ko sa kanya sabay kulbit. Napamulat agad siya.
"Ano?" masungit niyang sabi.
"Uh, bumaba na raw tayo nandoon na yung van." agad siyang tumayo para kunin yung mga gamit niya.
Pinag- usapan na namin sa van habang nasa byahe yung mga maaaring angles pero hindi kami makaisip agad dahil wala pa kaming facts. I also know that he is feeling uncomfortable.
"I'm sorry. If you're uncomfortable I can ask the news chief to change-" I wasn't able to finish what I was saying.
"Miss Rivera," he stared at me with his cold eyes. His stares look like he doesn't love me, or he didn't love me.
"I am professional enough to know that I should not let my work be affected by personal feelings. I think it is you who is feeling uncomfortable." he said while not breaking his stare at me. Tumigil na yung van kaya bumaba na agad siya.
"Ie- air daw in yan in a minute. Live 'yan," sabi ko sa kanila. Nandoon lang si Kean sa tabi ng cameraman.
Naging maayos naman yung flow. Naglakad- lakad ako para makahanap pa ng facts para naman sa evening segment mamaya.
"Sir, ano po ba ang sanhi ng sunog?" tanong ni Kean sa pulis na naroon. May bangkay sa loob nung nasunog na building. There's more to that and it is our job to look into it.
"Pasensya na pero hindi kami pwedeng maglabas ng impormasyon sa inyo," sabi nung pulis.
"Hindi pwedeng maglabas eh kausap siya kanina nung taga- kabilang station," bulong ni Kean habang papalayo yung pulis. Napatingin siya sa akin tapos umiwas agad.
"Kylie!" may sumigaw doon sa likod. Napatingin ako sa likod ko at isang bakal ang malalaglag na patungo sa direksyon ko.
Napapikit ako at hinintay na maramdaman ang sakit mula doon sa bakal but I just saw myself lying on the ground because someone pushed me.
BINABASA MO ANG
Behind Every Regret (The Untold Tales Series #1)
عاطفية(The Untold Tales Series #1) Reinn Kylie Rivera. She once believed that it is better to bid goodbye to love before it could even say the same thing to you. She doesn't like taking risks because she's afraid she will be falling for the wrong person...